Arnell Ignacio plans to file for annulment so his wife can be free

Arnell Ignacio on his plan to file for annulment to nullify his marriage to wife Frannie: "Baka mas okey sa kanya na single na siya, ako rin naman. Hindi, kasi baka unfair din kay Frannie. Siyempre, hindi lang naman ako ang puwedeng may kasama."


Sumasagi na raw sa isip ng comedian-TV host na si Arnell Ignacio na mag-file ng annulment case upang mapawalang-bisa na ang kasal nila ng kanyang asawang si Frannie.

Ikinasal ang dalawa noong 2004, matapos magsama ng halos labindalawang taon bilang live-in partners.

Pero noon ding 2004, limang buwan pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib, ay nagkahiwalay rin sina Arnell at Frannie.

Mayroon silang isang anak na babae, si Sofia.

Sa ngayon ay may kanya-kanya na silang buhay, pero nananatili silang magkaibigan.

Pahayag ni Arnell, "Oo nga, dapat na nga sana.

“Dahil nasabi ko na nga na, baka siya rin, baka mas okey sa kanya na single na siya, ako rin naman.

"Hindi, kasi baka unfair din kay Frannie.

“Siyempre, hindi lang naman ako ang puwedeng may kasama.”

Dagdag pa ni Arnell, “Dapat nga talaga magpa-annul na ako, kasi ang hirap, e.

"Tulad niyan, bumili ako ng condo, ang daming pipirmahan.

"Pero mabait naman si Frannie, pipirma naman yun.

"At saka, 'di ko naman ipagdadamot yun sa kanya, mabait naman siya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Arnell sa Via Mare Cafe, Tomas Morato, Quezon City, noong Lunes, May 18.

Kaka-birthday nga lang daw ni Frannie noong isang araw.

Kuwento ni Arnell, "Sabi nga ng anak ko, i-surprise ko naman daw.

"Sabi ko, hindi naman masu-surprise yun.

"Ano ibinigay ko? Wala.

"Wala akong maisip, e.

"Maging happy siya buhay niya, yun na lang wish ko para sa kanya."

Nananatiling walang karelasyon ang kanyang asawa simula nang sila ay magkahiwalay.

Kaya nga raw sumasagi na isip ni Arnell na tuluyan na itong bigyang-laya para magawa naman nito kung ano ang gusto niya.

Ano naman ang reaksiyon ng kanilang anak sa plano niyang mag-file ng annulment?

Ayon sa 51-year-old gay TV host, "Okey naman si Pie. Nineteen years old na siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Buti nga ngayon, nagiging balanse na.

“Ngayon, madalas na siyang nasa mommy niya, kasi dalaga na rin.

“Bonding time sila, nakakapag-drive na siya, so puwede na siyang...

“Oo, binilhan ko siya ng kotse, mahusay na siyang magmaneho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN