Charice reveals story behind collaboration with David Foster in Asia’s Got Talent

Charice is looking great, and was sensational when she performed recently with former mentor David Foster in a special number at Asia’s Got Talent championship night.


Patuloy pa ring pinag-uusapan ang reunion performance ni Charice at ng kanyang mentor na si David Foster sa grand finals ng Asia’s Got Talent noong May 14.

Kinanta ni Charice ang awitin ni Sam Smith na "Lay Me Down" habang tumugtog naman sa piano si David.

In-introduce pa siya ni David bilang "Pride of the Philippines and all of Asia" bago ang kanilang performance.

Nang matapos ang kanilang performance, kitang kita sa mukha ng American singer-composer ang pagmamalaki niya kay Charice.

Pero bago ang nasabing performance ay ipinakita ang highlights ng career ni Charice under David’s mentorship.

Sa tulong ni David at ni Oprah Winfrey ay nabigyan ng big break sa international scene ang Pinay singer.

CHANCE MEETING. “Nakaka-proud po talaga,” nangiting sabi ni Charice tungkol sa production number nila ni David, nang makapanayam siya nina Kris Aquino at Boy Abunda sa Aquino and Abunda Tonight ng ABS-CBN, Martes ng gabi, May 19.

Ikinuwento rin ni Charice kung paano nabuo ang collaboration nila ni David sa Asia's Got Talent, pagkatapos ng halos limang taong hindi nila pagkikita.

“Actually, nung pumunta ako sa Singapore, dapat po talaga one day lang yung trip na ‘yon.

“Dadalawin ko lang po talaga siya dahil iyon po yung bansa na pinakamalapit siya sa akin.

“Nung dinalaw ko po siya, hindi ko pa po alam na may plano po siyang i-guest ako sa Asia’s Got Talent.

“So, nung nandun na po ako sa dressing room niya, niyakap po niya ako at binati.

"Sabi niya, 'You lost a lot of weight.'

“Iyon na yung nag-jamming kami ng kanta at in-open niya na bakit daw hindi ko kantahin iyon sa Asia’s Got Talent.

“But, sabi ko, 'We’re flying back to the Philippines tomorrow. '

“And then, sabi niya, 'Can you do it this Thursday [May 14]?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That night po, ipinakausap na niya sa akin yung mga executive producers. And they invited me to the show.

“So, dapat po talaga, meeting lang po.

"And then, nangyari po na same day, same night, plinano na po lahat nila."


JAMMING. Noong nakikipag-collaborate siya kay David para sa kantang "Lay Me Down", ano ang napag-usapan nila?

Saad ni Charice, “Actually, siya po talaga ang nakaisip ng song.

“Kasi nung nasa room na po kami, may keyboard po siya dun.

“And then, tinanong niya ako kung ano raw po ang mga pinakikinggan ko ngayon.

"And I said, ‘Well, I listen to Sam Smith and Ariana [Grande].’

“Then, bigla siyang nag-open, sabi niya, ‘Do you know the song 'Lay Me Down'?'

“‘It’s my favorite song,’ sabi ko sa kanya.

“And he started playing it, nag-jam lang po kami.

“Tapos, iyon na yung nag-open siya, ‘Why don’t you sing this?’”


BEST GUY. May plano ba sila ni David mag-collaborate on an album or some songs?

Sabi ni Charice, “Kasi po ngayon, yung goal po namin is to make a new single.

“And nung kinausap ko naman po siya, sabi ko, 'I want to start writing songs.'

“And sabi niya po sa akin, ‘Well, you know who’s the best guy to help you.’

“And then, sabi ko sa kanya, ‘Of course!’

“Nandun yung word niya. Sabi niya, once I start writing songs, he will be there, he will help me.”

Sa ngayon, naghahanda raw si Charice para sa upcoming shows niya abroad.

“I’ll be in Japan, June 20 and 21. And Paris, July 4,” banggit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN