Louise delos Reyes: "Buong-buong sa puso at isipan ko kung sino talaga ako."

Isang makahulugang mensahe ang ipinost ni Louise delos Reyes sa kanyang Instagram account bilang sagot sa alegasyon ng isang babae na siya ang tunay ina ng Kapuso actress.


Idinaan ni Louise delos Reyes sa Instagram ang kanyang pagbibigay ng pahayag kaugnay ng paglabas ng isang babae na nagsasabing siya ang tunay na ina ng Kapuso young actress.

Martes ng gabi, May 19, nag-post si Louise sa Instagram ng larawan ng kanyang batok na may tattoo na “09.01.92”

Ito ay simbulo ng kapanganakan niya na September 1, 1992.

Caption niya dito: “dahil iisa lang ang kikilalanin kong pagkatao. buong-buong sa puso at isipan ko kung sino talaga ako. hindi kailanman matitibag ang isang bagay na inukit sa mahabang panahon ng pag-aaruga at pag-mamahal.”

Ang petsang nakasulat sa batok ni Louise ay taliwas sa rebelasyon ng babaeng nagpapakilalang tunay niyang ina na “August 10, 1992” ang totoong araw ng kapanganakan ng young actress.

Sa comments section ay maraming followers ni Louise ang nagbigay ng kanilang mensahe ng pagsuporta.

May ilan ding nag-suggest na dumaan sa DNA testing si Louise at ang nagpapakilalang ina niya upang mapatunayan ang alegasyon nito.

Sabi ni @shielables1995francisco: “May similarities sila nung alleged real mother niya. As a fan of Louise, pati ako affected, pati ako nababagabag. DNA na yaaaan, para sa ikatatahimik ng lahat.”

Ayon naman kay @mnina711: “DNA is the best answer para mapanatag ang kalooban mo at ng family mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN