Diva Montelaba still aspiring to join Binibining Pilipinas

Diva Montelaba has refused to be on FHM cover as Binibining Pilipinas disallows sexy magazine poses. She is willing to undergo a boob job to increase her chances of winning only if the beauty pageant will allow it.


Noon pa napapabalita ang tungkol sa pagsali ng Kapuso actress na si Diva Montelaba sa Binibining Pilipinas beauty pageant.

Saad niya tungkol dito, “Never akong nag-say no, never akong nag-close ng any door.

“Pero naniniwala pa rin ako na it’s really something na dapat mong paghandaan.

“So, hangga’t nararamdaman mo na hindi ka pa ready, para sa akin, hindi siya worth it.”

Pero nagte-train na raw siya para rito.

“Opo, pero hindi kasi puwedeng, ‘Tara, join tayo!’

“Hindi mo alam kung ready ka na ba, kaya mo na bang i-commit yung sarili mo?

“Kasi sayang yung opportunity, so since nasa mid pa tayo ng taon… I am still willing.

“Though baka siguro last two years or last year ko na chance… baka puwedeng bigyan ng chance.”

Sa scale na one to hundred, ano ang posibilidad na sumali na siya next year?

“Eighty-five!”

Nakausap ng PEP.ph (PHilippine Entertainment Portal) si Diva sa presscon ng My Mother’s Secret noong Martes ng gabi, May 19, sa GMA Network Center.


PROUD OF WINWYN. Hindi ba siya na-trauma o nagdalawang-isip nang hindi manalo si Winwyn Marquez sa recent Binibining Pilipinas pageant?

Sagot ni Diva, “Na-surprise din ako, kaya lang kasi, there are always gonna be results, merong dalawang sides ng story, ng results.

“Para sa akin, Winwyn really did a great job. Siya yung pinakamaganda, pinakamatalino sa gabing iyon.

“For me, okay na yun.

"Meron na siyang napatunayan kahit walang title, pina-proud niya kaming mga friends niya.

“So, medyo napaisip ako, at the same time, you will never know what will happen, e.”

Hindi raw iyon nakabawas sa kagustuhan niyang sumali sa Binibining Pilipinas.

“No, hindi naman po, hindi naman po.

"Para sa akin, mas masarap magkaroon ng title.

“Pero the fact na you take yung chance and have the opportunity to join kasi meron kang kulay, may katawan, okay na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NATURAL BEAUTY. Mas gumanda si Diva ngayon at naninindigan siyang wala siyang ipinaretoke o ipinaayos sa mukha o katawan niya.

Natatawang sabi niya, “Lahat po ng meron ako ngayon ay all organic, at natural pa po!

“For now, wala pa po akong napapagawa, but I’m not against it.

“Naniniwala rin po ako na lahat ng meron tayo dahil ibinigay ng Diyos.

“Pero hindi ko po pinaniniwalaan na isang mortal sin ang pag-improve ng katawan.

"Lalo na kapag nakakatulong ito sa self-esteem ng isang tao.

“As long as wala kang sinasagasaang tao, wala kang inaapakan na tao.

“At ginawa mo yun dahil gusto mong gumanda yung pakiramdam mo sa sarili mo.

“Hindi para talbugan yung ibang tao, kasi mas maganda siya kailangan ganito-ganyan.

“Para sa akin, magpapagawa ako kung feeling ko kailangan ko at makakatulong ito sa akin personally, emotionally, physically.”

Thirty-four ang bustline ni Diva, “Pero sa height ko kasi medyo maliit.

“Sa beauty pageant, hindi puwedeng sakto lang na boobs.”

Kung sakaling gagawin niya ang cosmetic surgery, ang kanyang boobs daw ang ipapa-enhance ni Diva.

“May possibility po, for the pageant siguro baka puwede.”

Hindi ba bawal sa Binibining Pilipinas ang retokadang kandidata?

“Hindi ko nga po alam, e! Hindi ko nga po alam."

Kung bawal daw ay hindi na siya magpaparetoke.

Ang plano raw niyang pagsali sa Binibining Pilipinas ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang offer na mag-sexy pictorial para sa cover ng FHM.

Maraming beses nang inalok si Diva ng FHM.

“Kung kailan nagsimula yung offer ng beauty pageant, dun din nagsimula yung offer ng sexy pictorial.”

Bawal kasi sa naturang pageant ang kandidata na nag-sexy pictorial na sa kahit na anong men’s magazine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN