Kiko Estrada on Kim Rodriguez: “Ipapakita ko sa kanya na kaya kong maghintay, nandito lang ako, yun yung pagmamahal.”

Handa raw maghintay si Kiko Estrada kung kailan siya sasagutin ni Kim Rodriguez mula sa matagal-tagal na rin niyang panliligaw. Naiintindihan daw nito ang dahilan ng dalaga at nirerespeto niya ito.


Halos isang taon na raw nililigawan ni Kiko Estrada ang kapwa niya Kapuso talent na si Kim Rodriguez, pero hindi pa sinasagot ng dalaga ang binata.

Bakit nga ba hindi pa siya sinagot ni Kim?

Tugon ni Kiko, “I still have no idea... because of work, you know, I understand her reason and I respect her.

"Ipapakita ko sa kanya na kaya kong maghintay, nandito lang ako, yun yung pagmamahal.”

Marami-rami nang proyektong pinagsamahan sina Kiko at Kim kaya kilala na raw nila ang isa’t isa.

Pero hindi naman daw nagmamadali si Kiko na masungkit ang matamis na 'oo' ng dalaga.

Masaya rin ang young actor na pagkatapos ng Strawberry Lane ay muli silang magtatambal ni Kim sa My Mother’s Secret, ang bagong early primetime series ng GMA Network.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko sa presscon ng kanilang programa noong Martes ng gabi, May 19, sa 17thfloor ng GMA Network Center.

Magsisimula na ang My Mother’s Secret sa May 25, bago mag-24 Oras.


CAREER PATH. Si Kiko, 22, ay anak ng dating aktres na si Cheska Diaz sa actor-politician na si Gary Estrada.

Bilang nasa dugo na Kiko ang pag-aartista, ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang career ngayong unti-unti na siyang nakikilala sa showbiz?

Sagot niya, “I want to be one of the best actors and hindi po ‘yan...

"Please understand hindi po ako nagmamayabang, it’s a goal that I want to achieve.

“I will work hard for that kasi ang pangit naman po na pumunta ka sa isang bagay na ayaw mo maging pinakamagaling.

"Half-hearted lang yun, ‘di ba?"

Paano niya maa-assess ang naging takbo ng kanyang karera simula nang mag-umpisa siya sa showbiz?

Ayon kay Kiko, “It’s doing good, doing good. I can’t complain po.

"Maraming salamat sa mga manager ko, sa mga team ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa kahit sa lahat, because alam ko may mga setbacks ako, may mga setbacks na nangyari, pero that’s life."

Sa ngayon, bukod sa pag-aartista, gusto rin ni Kiko na matapos ang kanyang pag-aaral.

“Alam mo, may isang taon pa ako sa Benilde. I’m studying Diplomatic Affairs.

"Hindi ko po natapos kaya medyo nalulungkot, kasi promise ko sa mom ko na makakatapos ako.

“I promise my mom na makakatapos ako, na matapos ko.

"Hopefully soon, I have one year left."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN