Gwen Zamora admits being in relationship with Jeremy Marquez

Gwen Zamora on current flame Jeremy Marquez: "We really have a good chemistry. Mentally, physically, emotionally, spiritually. We’re both very romantic, clingy, sakal almost, pero yung masarap na sakal. We both cling to each other, and it’s nice because I never had a relationship like that before."


Naging bukas na ang Kapuso star na si Gwen Zamora tungkol sa bago niyang relasyon.

Kamakailan lang ay napabalitang break na si Gwen at si Raymund Romualdez, anak ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez, at itinanggi rin noon ng aktres na may bago na siyang boyfriend.

Pero sa presscon ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang My Mother's Secret, kahapon, May 19, binawi ni Gwen ang una niyang naging pahayag.

Natatawang pag-amin niya, “Meron na nun!”

Inamin din ni Gwen na ang bago niyang boyfriend ay si Jeremy Marquez, anak ni Joey Marquez at dati ring sumabak sa showbiz.

Sa kasalukuyan ay nanunungkulan si Jeremy bilang barangay chairman sa BF Homes Parañaque.

Ayon kay Gwen, magta-tatlong buwan na ang relasyon nila ni Jeremy at masaya siya sa nangyayari sa kanila.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gwen kung matagal na ba silang hiwalay ng ex-boyfriend niya bago naging sila ni Jeremy.

“Yes,” mabilis niyang sagot.

“We were on a break for about five to six months.

"Hindi lang namin sinabi sa public that we weren’t together, kasi we also didn’t know yung ganun."


PERFECT FIT. Malinaw raw na hindi rebound ang relasyon nila ngayon ni Jeremy.

Sabi ni Gwen, “I don’t believe in rebound.

"I’m not the type to go out with someone without foreseeing a future.

“Hindi ko kayang… I cannot be with someone if I cannot see a future with this person.”

Bigla na lang nilang na-realize ni Jeremy na puwede pang higit sa magkaibigan ang kanilang relasyon?

“I guess so... I guess, it’s really about timing also.

“Kasi before, my priorities were different, my views were different.

“Now that I’m older, I know na what I want, and I know na the type of person that I need and want in my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And he fits all the boxes.”

Nakikita raw ni Gwen na marami silang compatibilities ni Jeremy.

“We really have a good chemistry. Mentally, physically, emotionally, spiritually.

"We’re both very romantic, clingy, sakal almost, pero yung masarap na sakal.

“We both cling to each other, and it’s nice because I never had a relationship like that before.”

Kahit yung sa ex-boyfriend niya na tumagal din ng ilang taon ang kanilang relasyon?

Sagot niya, “Well, before, it was very calculated…

"With Jeremy kasi, I give my all na talaga.

“I would open myself to you and I hope that you’ll give the same back to me.

“And then, bahala na, we’ll see where it goes.”


MARRIED WITH KIDS. Hindi man kasal sa kahit na sinong babae, pero may mga anak na si Jeremy.

Pero hindi raw ito isyu o hadlang kay Gwen para makipagrelasyon dito.

Sabi niya, “You know, it’s even nice because I can see that if ever I have children with him, I will see how he treats them.”

Nakilala na niya ang mga anak ni Jeremy?

Ayon kay Gwen, “I haven’t had the chance to meet his children.

"Two of his children are in the States now for summer holiday.”

Dugtong pa niya, “You know, I’m tired na of playing games.

"I’m only 24 but I’m not getting any younger.

"I have to find a man that I can be true to myself with, siya na yun."

Kahit na maituturing na bago pa lang din ang relasyon nila sa tatlong buwan?

“Even before we started, I was really my true self, yung walang pakipot, walang pa-zigzag-zigzag.

“This is me, if you don’t like me, don’t na.”

ELLEN ADARNA. Sa isang banda, kamakailan ay lumabas ang mga larawan ni Ellen Adarna kasama ang dating boyfriend ni Gwen na si Raymund.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung pagbabasehan ang larawan ng dalawa, puwedeng isiping si Ellen ang ipinalit ng dating boyfriend ni Gwen sa kanya.

Kumusta na silang dalawa ni Ellen?

Sagot ni Gwen, “I haven’t seen her in a while, kasi she’s been really busy with work and I’ve been really busy with work.

“I saw her out once and we said hi to each other. Yun…”

Nasira na ang pagiging best friends nila ni Ellen?

“Hindi ko naman sasabihin na nasira, pero we’re both so busy.

“I guess we’re both at a phase in our lives that we have to grow separately.

“Kasi if you’re true friends talaga, you don’t have to spend time with each other all the time.

“You don’t have to call each other all the time.”

Kaya ba niyang tanggapin kung sakali na ang ex-boyfriend at ang best friend na niya ang magkarelasyon ngayon?

“Yeah, because I’ve found someone better,” sagot ni Gwen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN