Andi Eigenmann hits back at alleged KathNiel fan for bashing her daughter

Binatikos ni Andi Eigenmann ang isang netizen, na nagpakilalang isang KathNiel fan, dahil sa pagsasalita nito nang masama laban sa three-year-old daughter ng Kapamilya actress.


Naglabas ng sama ng loob si Andi Eigenmann sa Twitter dahil sa isang netizen, na fan diumano ng KathNiel loveteam, na nagsasalita laban sa kanyang three-year-old daughter na si Ellie.

Sabi ng Kapamilya actress sa Twitter post niya ilang oras pa lamang ang nakalilipas ngayong araw, May 20, mapapalampas niya ang pang-aalipusta sa kanya ng bashers, pero hindi niya palalampasin ang mga bumabatikos at nagsasalita ng hindi maganda tungkol sa kanyang anak na wala namang ginagawang masama.

Tinawag na duwag ni Andi ang nasabing basher dahil sa pagbatikos sa kanyang walang kamalay-malay na anak, pero hindi niya tinukoy kung ano ang mga salitang ginamit ng nasabing basher laban sa anak.

“Whoever you are you are obviously a coward. How dare you talk that way about an innocent child who I am so sure has not done a thing to you!”

Sabi pa ni Andi sa nasabing basher: “To your kids/future kids, I sincerely wish them well. I wonder what kind of values you would be able to instill on them."

Binatikos din ni Andi ang basher dahil naglaan pa ito ng oras upang mang-insulto ng isang inosenteng bata.

Sinabi rin niya na kung wala pang anak ang nasabing basher, “I hope that you will not dare be blessed to bear children because you sure do not deserve it!”

Binantaan din ni Andi ang nasabing kritiko at sinabing 'di baleng siya na ang insultuhin, huwag lang ang kanyang anak.

KATHNIEL FANS REACT. Samantala, nag-react naman ang ilang fans ng KathNiel—bansag sa loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla—sa posts ni Andi.

Nag-tweet silang huwag idamay ang lahat ng KathNiel fans dahil may mga nagpapanggap lang daw KathNiel fans pero hindi naman pala, at ang mga lehitimong fans ng dalawang Kapamilya teen stars ang napapasama.

Nilinaw naman ni Andi na hindi niya tahasang sinabi na KathNiel fan ang nang-alipusta sa kanyang anak, at idinagdag pang siya mismo ay KathNiel fan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinasalamatan naman ng KathNiel fans si Andi sa pang-unawa nito at hindi pagdadamay sa mga fans na walang kinalaman sa basher na sinasabingng fan ng KathNiel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN