Mikael Daez relates experience working in a Cambodian project

Mikael Daez on being a ’hit’ among Cambodians: “Makulit lang ako dun! Kasi sila, very laid back, relax lang sila. So, konting ingay, parang natutuwa na sila. Kahit hindi ka naiintindihang masyado.”


Ngayong linggong ito ay matatapos na ang taping ng international project ng Kapuso stars na sina Mikael Daez at Andrea Torres, ang Blood in Dispute, na karamihan ng mga eksena ay kinunan sa Cambodia.

Kasama nila rito ang Cambodian actors tulad nina Khat Vaihang, Meas Thorn Sreynai, at Tep Rindarol; ang nagdirek naman nito ay ang Canadian director na si Ken Simpson.

Ayon kay Mikael, ibang-iba ang naging karanasan nila ni Andrea sa pagte-taping sa Cambodia.

“Magkaiba siya. Siyempre sa Pilipinas, kumportable kami.

“Yung sa Cambodia, iba. Naninibago kami sa lahat.

“Hindi naman namin alam kung paano nagtatrabaho ang mga tao sa Cambodia.

“Kahit yung mga cinematographer at director namin, Canadian.

“Parang, ‘Paano kaya ‘to, paano ang mangyayari?’

“As in, wala kaming alam. Wala kaming experience.

“Pero yun nga, sinabi ko kay Andrea, palagi kong sinasabi na, ‘Okay, let’s just be open.

“'Bagong experience ‘to, matuwa na lang tayo sa mga mangyayari, anuman ang mangyayari.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press sa taping ng Blood In Dispute sa Himlayang Pilipino noong May 19.


WORKING IN CAMBODIA. Twenty days daw sila sa Cambodia at araw-araw ay may trabaho sila.

Lahad ni Mikael, “Siyempre, may mga light days at heavy days.

“Halos every day, nagti-training ako ng Bokator four, six hours a day.

“Kung sa Thailand, it’s a Muay Thai; sa kanila, Bokator.

“At yung fights, three rounds. Kinunan talaga three rounds at may choreography kami sa taping.”

Kilala na nga sa Cambodia sina Mikael at Andrea dahil sa mga teleserye nilang nag-hit sa naturang bansa, tulad ng Sana Ay Ikaw Na Nga at ngayon naman daw ay ipinapalabas doon ang With A Smile.

Nilinaw ni Mikael na ipapalabas muna ang Blood In Dispute bilang pelikula sa August bago ito gawing teleserye.

“Ipapalabas muna siya sa Cambodia as a movie, then parang a month later, ipapalabas naman siya as TV show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit kami, nagulat kami, kaya sabi namin, ‘Wow, okay yun, a!”

Sa GMA Network naman daw ay ipalalabas ito bilang isang mini-series.

Bakit daw sila ang napili ng co-producer ng GMA Network na Phum Pich Films at CTN na magbida sa Blood In Dispute?

Ayon kay Mikael, “Nagustuhan nila yung Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Tapos when we were there, kinakausap namin yung GM ng Cambodia TV Network [CTN]. E, yung asawa niya, Pinay.

“So, parang nakikisama siya sa amin, magaling siyang mag-English, marunong siyang mag-Tagalog.

“So, parang nag-uusap kami, napag-uusapan namin, ‘Okey kaya yung may co-production?’

“Then, yun na nga, two years later, meron na nga.

“Siyempre, parang usap-usap lang noong time na yun, tapos ngayon, heto na nga.”


IMPRESSION ABOUT CAMBODIANS. Pareho naman ang impresyon nina Mikael at Andrea na may pagka-conservative ang Cambodians.

Pero nagbiro si Andrea na mabenta raw si Mikael doon.

Natatawang sagot naman ng Kapuso actor, “Makulit lang ako dun!

“Kasi sila, very laid back, relax lang sila.

“So, konting ingay, parang natutuwa na sila. Kahit hindi ka naiintindihang masyado.”

Nakapag-extend daw ng isang araw sa Cambodia si Mikael bago umuwi ng Pilipinas kaya nakapasyal pa siya sa beach.

Kuwento niya, “Yung pangalan ng beach, Kohrong, para siyang Boracay ng 1990.

“Nagulat ako… yung Instagram ko nga, sabi ko, akala ko walang tatalo sa mga beach sa Pilipinas, pero ngayon, nagdududa na ako.

“Hindi pa siya commercialized, puro bahay-kubo, walang aircon, de-bentilador lang lahat.”

Bakit hindi man lang niya isinama si Andrea?

“Inimbitahan ko siya, kaso umuwi na siya, nag-SAS [Sunday All Stars] siya,” sabi ni Mikael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN