Andrea Torres finds Cambodians more conservative than Filipinos

Andrea Torres is considered to be lucky because of her project with Mikael Daez mostly shot in Cambodia.


Bihira lang sa local artists na magkaroon ng pagkakataong makagawa ng anumang proyekto sa ibang bansa.

Kaya masasabing masuwerte ang Kapuso stars na sina Andrea Torres at Mikael Daez dahil sila ang napili ng CTN (Cambodia TV Network) na maging bida sa Blood In Dispute, ang international project nila na ang karamihan ng mga eksena ay kinunan sa Cambodia.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa taping ng Blood In Dipute sa Himlayang Pilipino noong May 19.

Ayon sa aktres, ibang-iba ang karanasan nila ng pagte-taping dito at sa Cambodia.

Tatlong lengguwahe raw ang ginamit nila sa Blood In Dispute—Tagalog, English, at Khmer.

Dahil kilala na ng mga Cambodian si Andrea, dahil na rin sa mga teleserye nila ni Mikael na ipinalabas doon, kumusta naman ang “beauty at kaseksihan” niya sa mga ito?

Ayon kay Andrea, “Sabi nila sa akin, may hawig daw sa mga Cambodian.

“Sabi sa akin noong nagpunta kami sa Entertainment Tonight, sabi nila, may resemblance daw.”

Nakapag-guest daw sila ni Mikael sa ilang shows ng CTN.

Wala bang Cambodian guys na nagpakita ng motibo sa kanya?

“Mas conservative sila dun!” natawang sabi ni Andrea.

Nang magsayaw nga siya ng isang show, pinabawasan ang ginagawa niya.

“Sinilip daw nila, na-appreciate naman daw nila.

“Pero tiningnan muna nila kung paano yung sayaw natin, so ipinakita ko.

“Sabi nila, ‘Less, less!’” natatawang kuwento niya.

Ang sayaw raw na ipinakita niya ay parang mga ginagawa lang niya sa Sunday All Stars.

BIRTHDAY IN CAMBODIA. Sa Cambodia na rin inabot ng kanyang 25th birthday si Andrea noong May 4.

Pagkatapos ng taping nila noong araw na yun, sinorpresa siya ng mga kasamahan nila sa Blood In Dispute sa tinutuluyan nilang hotel.

Kuwento ni Andrea, “Masaya, ang daming nagpunta.

“In-invite namin yung mga taga-CTN, at siyempre sila, yung DOP namin, nakapunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos yung mga performers sa bar, halos mga Pinoy rin.”

Wala ba siyang na-miss noong birthday niya?

“Wala naman!” natatawang sabi ng aktres.

Kumusta na ba ang lovelife niya?

“Ganun pa rin, non-existent!” tawa pa rin ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN