Mich Liggayu wants to meet and talk to her bashers: "Para malaman ko kung bakit po sila may ganun sa akin."

Aminado si Mich Liggayu na nasasaktan siya sa masamang sinasabi laban sa kanya sa social media, pero hindi na lamang daw niya ito pinapansin. Sabi niya, "Kasi ’pag pinuproblema po natin yung mga problema, mas mahihirapan po tayo, e. Kahit papaano, tina-try kong tingnan yung brighter side ng lahat."


Aminado si Mich Liggayu, ang kalahati ng YouTube sensation na JaMich, na marami talaga siyang bashers ngayon, lalo na nang pumanaw ang kanyang nobyong si Jam Sebastian.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes ng hapon, May 21, sinabi ni Mich na epekto lamang ito ng social media.

"Pinagpi-pray ko na lang po talaga, kasi yun na lang po talaga yung pinaka-answer sa lahat.

"Kasi sa generation po ngayon, lahat naman po may masasabi sa mga tao, lalo na sa social media.

"Kasi yun yung way para madali kang makapagsabi ng opinyon natin, e.

"So, ayun po, iniintindi ko na lang talaga na may ganung klaseng tao na hindi natin maiiwasang may mga masasabi sa atin."

Nakausap ng PEP si Mich bago magsimula ang presscon proper ng pinagbibidahan nitong Wattpad Presents episode ng TV5 na How to Break Up With A Bad Boy, kaninang hapon, sa Limbaga 77 Restaurant, sa Quezon City.

Kasama ni Mich dito sina Martin Escudero at Vin Abrenica.

MEET AND TALK. Kabilang sa mga isyung ikinagalit ng maraming netizens sa aspiring actress ay ang pagmi-makeup daw niya nang sobra ilang minuto matapos pumanaw ang nobyo, ang pagkanta nito sa loob ng hospital room ni Jam habang nakaratay ang nobyo, at ang napabalitang ugnayan nila ng baguhang singer na si Neo Domingo.

Pareho nang itinanggi nina Mich at Neo ang pag-uugnay sa kanila.

Nasasaktan ba si Mich sa mga pambabatikos sa kanya?

Pag-amin niya, "Opo, nasasaktan po, kasi tao po tayo.

"Normal po na kapag may sinasabi sa ating masama, magiging apektado po tayo.

"Pero yun nga po, sinusubukan kong positive po ang lahat."

Ayon pa kay Mich, nais niyang makakuwentuhan o makausap ang kanyang haters.

"Naiintindihan ko po sila.

"Hindi naman ako nagsasarado ng pintuan and sobrang welcome pa rin po sila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko po silang ma-meet and makakuwentuhan para malaman ko kung bakit po sila may ganun sa akin.

"Kasi kapag may mga taong negative, may mga pinagdadaanan din po 'yan.

"And gusto ko mapalitan yun ng love."

MOMMY MARICAR. Ilang linggo matapos ilibing si Jam, nagsimula nang magpa-interview ang ina nitong si Maricar Sebastian upang ilahad ang kanyang saloobin laban kay Mich.

Nang tanungin tungkol sa alitan nila ng ina ni Jam, sinabi ni Mich na ayaw na niya itong sagutin.

"Yung mga ganyang personal questions, gusto ko sanang i-lift up na lang kay God.

"Gusto ko po sana mag-focus sa career po, sa positive po.

"Ngayon po, gusto ko pong sabihin sa lahat, base na rin sa mga naunang interview ko, na nirerespeto ko po ang nanay ni Jam.

"Kaya wala po akong sinasabing kahit ano pong against sa kanya.

"Kaya pinapabayaan ko na lang po kung ano ang mga pangyayari at ipinagdadasal ko na lang po."

Totoo ba ang mga akusasyon ni Maricar laban sa kanya?

Sagot ni Mich, "Wala po akong ikinakatakot.

"Wala po akong itinatago, like kunyari may hinihingi sila, ibinibigay ko naman po. Hindi ko naman ipinagdadamot.

"Although may mga issues po, lalung-lalo na sa financial po, wala po... hands-off po ako dun.

"Kasi, ever since po, alam naman ni Jam na hindi po issue sa akin yun."

Ipinagkikibit-balikat na lang daw niya ang lahat.

"Masakit po siyempre, and inhale-exhale na lang po, and dasal na lang po yung sagot sa lahat," sabi ni Mich.

Sa ngayon ay sinusubukan na raw niyang mag-move on.

"Trying to move forward lamang po.

"Trying to make baby steps at a time.

"Sa lahat po ng bagay, tina-try ko na lang mag-stay sa positive side.

"Kasi 'pag pinuproblema po natin yung mga problema, mas mahihirapan po tayo, e.

"Kahit papaano, tina-try kong tingnan yung brighter side ng lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN