Angel Locsin says she is emotionally and financially ready to settle down with Luis Manzano anytime soon

Angel Locsin on the possibility of getting pregnant first before marriage: “Wala naman akong issue kung magka-baby man. E, di go! Kung hindi, e, di siguro may mas magandang plano. But ako, mas gusto ko ikasal muna.”


Inamin ni Angel Locsin, 30, na natuwa siya nang malamang hayagan ang pagsasabi ng boyfriend niyang si Luis Manzano, 34, na malapit na siyang mag-propose ng kasal.

Ganunman, ayaw rin ng Kapamilya actress na magmukhang “assuming” pagdating sa usapang paglagay sa tahimik.

Nakangiting pahayag ni Angel, “Well, yes, I’m kilig.

"Pero sa akin kasi, kung mangyayari, mangyayari.

“Hindi naman ako nagra-rush.

“Kung ganun yung sinasabi niya, nakakakilig naman talaga.

“Pero wala namang pressure. Relax-relax lang.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Angel sa media launch ng Tropical Paradise makeup collection ng Avon, na ginanap sa Amber Ultra Lounge sa Taguig City, Huwebes ng gabi, May 21.

Hindi kaila sa publiko na mismong ang ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos at mister nitong si Senator Ralph Recto ay panay ang hirit na simulan na ng TV host-actor ang pagbuo ng sariling pamilya.

Sa parte ni Angel, madalas din umano siyang biruin ni Governor Vi tungkol dito.

“Umaabot kami sa point na habang nagdya-judge kami ng singing contest, kinakalabit nila ako ni Tito Ralph, habang may kumakanta, [sumesenyas sa akin], may hawak na dog.

“‘See? I have to get a dog kasi wala pang baby.’

“Sabi ko, ‘Ah, kasalanan ko po? Kasalanan ko, Tito? Ayun po si Ryan o, walang ginagawa. Hindi naman po sa amin lang.’

“[Tapos sabi ko sa kapatid ni Luis] ‘Ryan, magka-baby ka na!’ Tapos tatawa lang si Ryan.

"Pero lambing lang nila yun. Kasi siyempre, of course, kailangan ready talaga," pagbabahagi ni Angel.


FINANCIALLY READY. Kung emosyunal at pinansiyal na aspeto ang pag-uusapan, agad na sinabi ni Angel na handa na siyang magpakasal anumang oras.

Hindi tulad noong nasa early 20s siya na marami pa siyang ibang prayoridad kaysa pagpapakasal.

Sabi ni Angel, “Honestly, yes [I am emotionally ready]. I just turned 30 [years old].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nung mga nasa 19 years old pa lang ako, ‘Kapag nag-22 na ako, magpapakasal na ako.’

“Tapos nung nag-22 na ako, sabi ko, ‘Kapag nag-25 ako, magpapakasal na ako.’

“Tapos sabi ni Tita Malou [Santos, Star Cinema head], ‘No, Angel. ‘Pag nag-27 ka, saka ka magpakasal.’

“Wala naman. So far, hindi ko naman naisip na, ‘Naku, 27 na ako, magpapakasal na ako!’

“Pero ngayong 30 na ako, I feel [I am] emotionally [ready], siguro ha.

“Sa savings, okay rin, financially okay naman na ako.

“Nahanap ko na rin naman siguro yung gusto ko makasama buong buhay ko.”

Ngunit iginiit ni Angel na sa ngayon ay ayaw niyang pangunahan ang isang bagay na hindi pa naman nangyayari.

“Siyempre ang Diyos pa rin ang makakapag-decide niyan. Umaasa na lang ako.

“Kaya siguro hindi na ako nagpapa-pressure or nagmamadali kasi alam kong may magandang plano sa akin si God talaga kahit na anong mangyari.

“Lord’s timing is always perfect. Antayin lang natin,” nakangiting saad ni Angel.


BABY BEFORE MARRIAGE? Kung saka-sakali, pakiramdam ni Angel ay handa na rin siyang bumuo ng sarili niyang pamilya, lalo pa’t likas daw siyang mahilig sa bata.

Sa katunayan, madalas umano niyang “kidnapin” ang three-month-old baby ng matalik niyang kaibigan na si Dimples Romana.

“Sana sa akin na lang siya!

“Bini-brainwash ko yung bata na mas sa akin sumama kaysa sa nanay niya!” natatawang biro ni Angel.

Bunsod nito, tinukso si Angel ng press na bakit kailangan pang manghiram ng anak ng iba kung puwedeng gumawa na lang sila ng sarili nilang baby ni Luis.

Kasabay nito ay tinanong din si Angel kung payag siyang mauna ang pagkakaroon ng baby bago ang pagpapakasal.

Sagot ng 30-year-old actress: “Mas gugustuhin ko sana ikasal muna bago mag-anak.

“Yun yung tingin ko mas magwo-work for me.

“Wala naman akong issue kung magka-baby man. E, di go!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi, e, di siguro may mas magandang plano.

“But ako, mas gusto ko ikasal muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN