Diva Montelaba prefers non-showbiz guy after failed relationship with Steven Silva

Diva Montelaba is choosing a non-showbiz guy this time. "Na- realize ko… mahirap pala talaga magkaroon ng karelasyon sa parehong trabaho, lalung-lalo na sa showbiz. Ang dami lang nakisawsaw... mapa-fans, mapa-lahat.”


"I’m happy! I am not in a relationship, but I am dating somebody."

Ito ang pagbubunyag ng Kapuso actress na si Diva Montelaba nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang lovelife.

Noong una ay ayaw pa sanang magsalita ni Diva tungkol sa non-showbiz guy na nagpapasaya sa kanya ngayon, ngunit kalaunan ay pumayag na rin siya.

Banggit niya, “Sing-edad ko, he has a profession, he’s working, he’s working in a company.”

Mas guwapo ba ito sa dati niyang karelasyon na si Steven Silva?

“Yes, of course! Sabeeeh?! Joke lang!” tawa ni Diva.

Ayaw na ba niya ng boyfriend na artista?

“If given a chance, I choose not to.

“Na-realize ko… mahirap pala talaga magkaroon ng karelasyon sa parehong trabaho, lalung-lalo na sa showbiz.”

Saang aspeto siya nahirapan sa relasyon nila ni Steven?

“Nahirapan ako… ang dami lang nakisawsaw. Hindi natin maiiwasan iyon, mapa-fans, mapa-lahat.

“Kahit gaano mo siya inaalagaan, kapag madami ang nakikialaga sa kung anumang meron kayo, hinding-hindi siya magiging successful.

“Not unless ganun kayo ka-strong para sa isa’t isa.

“Kaya lang, medyo nagkaroon lang ng time na nag-doubt kami kung kaya pa ba.”


CHOICE. Matagal na ring nagwakas ang relasyon nila ni Steven, pero ngayon lang nagsalita si Diva tungkol dito.

“It’s been so long, pero ini-explain ko lang po kasi ang daming nagtatanong.

"So, once and for all… nagulo na lang siya.

“And we let go na lang din. Meron lang kaming piniling ibang option.

“Yung pinili namin, hindi iyon yung i-maintain yung relationship, mas pinili namin yung trabaho.”

Magkaibigan ba sila ni Steven ngayon?

“We’re okay.

"We’re not good friends, we’re not close, but we are okay.

"We say hi-hello, we’re casual."

Kasama si Diva sa cast ng bagong teleserye ng GMA Network na My Mother’s Secret.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Tampok din siya sa episode ng Magpakailanman na “Rehas Ng Pag-ibig” ngayong Sabado ng gabi, May 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN