Vin Abrenica admits crying over The Baker King role that went to Mark Neumann

Vin Abrenica on loving himself: "Kinakausap ko ang sarili ko sa salamin. Sinasabihan ko ang sarili ko na magaling ako at mahal ko ang sarili ko. So, iba ang value ko sa sarili ko over others. Kasi you have to love yourself first before you give love."


Pinaninindigan ni Vin Abrenica na wala siyang tampo o hinanakit kay Mark Neumann.

“Never naman akong nagtampo kay Mark. Nagtampo ako sa TV5,” sabi ng Kapatid actor.

Nag-ugat ang tampo ng Artista Academy winner sa Kapatid Network dahil sa pagkakapili kay Mark para magbida sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang The Baker King, gayong noong una ay napabalitang si Vin ang first choice para sa naturang proyekto.

Siya ba talaga ang unang choice?

“That’s what I heard,” sabi ni Vin

Nang nalaman niya na kay Mark ibinigay ang The Baker King, ano ang naramdaman niya?

Sagot ng nakababatang kapatid ni Aljur Abrenica, “Open ako, aaminin ko na nasaktan talaga ako. Nasaktan ako.

“Dahil matagal ko nang… iba kasi kapag matagal mo nang inaantay, e.

“Sobrang tagal kong inantay at hindi lang yun, pinaghandaan ko kasi yun, ginagalingan ko sa lahat ng role ko.

“Napanood ko partly yung original, nakita ko kung gaano kahirap yung role nung lalaki at paano siya naramdaman ng mga tao.

“Iyon ang magiging challenge kung sino man ang makakakuha.

“So, ako, the whole time na nalaman ko yun, pinaghahandaan ko na siya ever since na narinig ko yun.

“Tapos siyempre, yung pinapangarap mo, biglang nawala sa iyo.

“Natural lang naman sa akin na malungkot ako.”

Maraming gabing hindi raw nakatulog si Vin dahil dito.

Inamin din ng Kapatid actor na iniyakan niya ang hindi pagkakabigay sa kanya ng The Baker King.

“Lalaki kasi ako, e. Pero lalaki ako, nag-e-express talaga ako ng damdamin ko everytime.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin kahapon, sa presscon ng Wattpad Presents How To Break Up With A Bad Boy ng TV5, Huwebes ng hapon, May 21.

Makakasama niya rito sina Mich Liggayu at Martin Escudero.


LIKE A BROTHER. Honestly, masasabi ba niya na kahit ba kaunti ay hindi siya nagtampo kay Mark?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala!” bulalas ni Vin.

Inggit?

“Wala, wala, wala.

"Kasi ang sa akin kasi, alam naman ni Mark kasi na... kahit tanungin niyo siya.

“Sa lahat ng aspeto, kung sa pagsayaw, tanungin niyo siya, hindi siya magsisinungaling sa inyo.

“'Sino nagturo sa iyo? Tinuturuan ka ba ni Vin sumayaw?' 'Yes!'

“'Tinuturuan ka ba ni Vin kumanta?' 'Yes!'

"'Tinuturuan ka ba ni Vin maggitara?' 'Yes!'

“'Tinuturuan ka ba ni Vin pumorma?' 'Yes!'

"Alam niya lahat yun. Ang trato ko sa kanya, kapatid.

“Kasi kung tinatrato ko siya ng may inggit ako o anumang sama ng loob sa kanya, e, di sana hindi ko siya tinutulungan.

“Mahal ko yun bilang kapatid ko.”

WHAT IF. May ginawa ba siyang aksiyon tungkol sa tampo niya sa TV5 para maayos ang mga bagay-bagay?

Sabi ni Vin, “Actually, sila yung gumawa ng move for me, nagkaroon ng bagong show, tapos kasama ako sa bagong show na yun.”

Ito ay ang Happy Trak Ng Bayan.

“Dun ko at least malalabas yung kung anuman yung gusto kong ilabas.

“For example, makakakanta ako, makakapagsayaw ako. Variety show kasi iyon.”

Sa presscon ng The Baker King, sinabi ni Mark na may isa pang solo show na nakalaan ang TV5 para kay Vin.

“May show din na gagawin para sa akin? Ito talagang kapatid ko, mahal ko talaga yun,” reaksiyon ni Vin sa sinabi ni Mark.

Totoo ba iyon, na may show rin siyang sarili?

“Wala pa akong naririnig about it.

"'Tsaka after my hurt, why would I expect? Mahirap kasing masaktan.”

Kung meron nga?

“Siyempre magiging masaya ako at ako naman kasi, as long as mailabas ko.

“Kasi malaki yung risk na ipinalit ko dito sa kung nasaan man ako ngayon, e.

“I always have a fallback with my family.

“Before ako nag-artista, nagtapos talaga ako [ng pag-aaral], at pinili ko yung showbiz world over my dad’s feelings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Over kung anong pinag-aralan ko nang matagal, so kapag dito nasasaktan ako, madalas, kung masaktan ako, masakit talaga.

“Kasi kung iniiisip ko, what if hindi na lang ako pumasok.

“What if ako ang may hawak ng family business namin at kasama ko yung daddy ko, ‘di ba.”

“Wala, hindi ako masasaktan, boss pa ako.”

Noong una raw kasi ay tutol ang ama ni Vin mag-artista siya at ang Kuya Aljur niya.

“Ang daddy ko, against sa lahat, against ang daddy ko sa pag-aartista ng kuya ko.

“Dun ako saludo sa kanya, sa kuya ko!

"Iba ang lakas ng loob niya, maniniwala ka kung paano nakapag-artista yun.

“Parang fate, parang tadhana talaga na maging artista talaga siya.”

Si Vin ay ganun din, sinuway rin niya ang ama dahil nag-artista siya.


LOVE YOURSELF FIRST. Going back to Mark, sa tingin ba ni Vin ay naungusan na siya nito bilang artista?

Sagot niya, “Hindi. Para sa akin, naniniwala ako sa kakayahan ko talaga.

“Ayoko, mayabang kasing sabihin, pero kung sasabihin ko kung gaano ko kamahal at kung gaano ako kabilib sa sarili ko, mataas!

“Maniniwala ba kayo, ako kinakausap ko ang sarili ko sa salamin.

"Sinasabihan ko ang sarili ko na magaling ako at mahal ko ang sarili ko.

“So, iba ang value ko sa sarili ko over others. Kasi you have to love yourself first before you give love.

“Natutunan ko lang yun actually na masayang-masaya ako, six months ago.

“Nag-attend ako ng mga seminars with Kuya, e, about it.

“Seminars na, alam niyo ba yung Ike Pono, si Bruce? Basta nag-attend kami sa Davao.

“Ang ganda ng mga naituro nila about self-improvement and self-love, spiritually, and sa mundo. Love and respect.”

Ang Ike Pono ay isang self-discovery, self-empowerment and visioning seminar created by Bruce Conching, isang world-renowned personal success coach for the past 30 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN