Marian Rivera not wishing for any gender for her first baby: "May susunod pa naman."

Despite easing her television workload, Marian Rivera is keeping herself busy with cross-stitch, magazine pictorials, and product endorsements.


Sa isang linggo ay malalaman na nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang gender ng panganay nilang anak.

Pero wala muna raw silang planong ihayag ito. Posibleng sa baby shower na lang daw nila i-announce kung ano ang kasarian ng kanilang magiging anak.

Pero ayon kay Marian, mapa-lalaki o babae man, okey lang sa kanya.

“Sabi ko nga, kahit ano, okey ako.

“Kasi, babae man ‘yan o lalaki… may susunod pa naman.”

Gaano siya ka-excited ngayong magiging mommy na siya?

“Ano ka ba, pangarap ko kayang maging nanay! Mahilig ako sa bata, e,” sabi niya.

Magiging spoiler kaya siya?

“Siguro gayahin ko ang pagpapalaki ng lola ko, spoiled but in a nice way.”

Ang sigurado raw, sa Pilipinas siya manganganak dahil kahit dito sa bansa o sa Spain man siya manganak ay dual citizen naman siya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon ng bago niyang endorsement na Mario D’ Boro kahapon, May 21, pagkatapos niyang manggaling sa press launch ng The PEP List Year 2.

Sina Marian at Dingdong ang nanalong Newsmakers of the Year sa PEPsters' Choice category.


CRAVINGS. Ayon kay Marian, hindi siya naglihi.

“Lihi, wala talaga, e.”

Pero nabanggit ni Dingdong sa isang interview na may mga morning sickness daw ang kanyang misis.

Pagkumpirma naman ni Marian, “Oo, gigising ako sa umaga, nasusuka ako.

"Tapos, tutulog ulit, paggising ko, suka na naman ako.

“Ngayon, nao-overcome ko siya. Pero may mga araw na talagang nasusuka ako.

“Halimbawa, nag-shoot kami sa Alabang, matagtag ang daan, susuka ako. May baon akong plastic sa sasakyan.”


Sinabi noon ni Marian na ngayong buntis siya ay nakahiligan niya ang ilang candies, katulad ng White Rabbit at Haw Haw.

Hanggang ngayon, gusto pa rin niya ang mga ito?

Sagot ng Kapuso actress, “Oo, actually nakakatuwa, kasi yung assistant ni Dong sa NYC [National Youth Commission], binigyan niya ako ng isang pack na White Rabbit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Grabe naman ‘to, bakit ang dami?’

"Sabi niya, ‘Kasi po, Ma’am, narinig ko na favorite niyo raw ang White Rabbit.’

“Nakakatuwa, ang sweet ng assistant ni Dong.”

Ano pa ang iba niyang nagugustuhan?

“Si Dong lang!” natatawang sabi ni Marian.

SWEETER DONG. Hanga naman si Marian sa kanyang mister dahil kung dati ay sweet na ito sa kanya, mas dumoble pa raw ang pagiging sweet nito sa kanya.

Bukod dito, alagang-alaga raw siya ni Dingdong.

“Maalaga talaga siya.

"Alam niyo, kung meron talagang sa salitang maalaga, siya na yun.

"Minu-minuto halos, 'O, kumain ka na ba? Uminom ka ba ng maraming tubig? Vitamin C?'

“E, wala akong iniinom or tine-take na gamot para sa vitamins, more on pagkain ako, e.

“Kapag sa bahay, walang trabaho, nood-nood kami ng TV, loving-loving pa rin.

“Usap-usap ng mga pangarap sa buhay, yung mga ganun.”

Nabanggit ni Dingdong na nagko-cross-stitch na raw siya.

“Nakakabagot kasi!” natawang sabi ni Marian.

“Minsan, wala akong trabaho, nagku-cross-stitch ako.

"Kapag wala lang talagang magawa dahil nakakabagot.

“Nasanay kasi ako na trabaho ako nang trabaho, so may bakante akong oras, cross-stitch.

"Hindi ako kasi sanay na parang wala lang, yung walang ginagawa. Gusto ko palaging may ginagawa.”


ENDORSEMENTS. Kahit na nagdadalantao ay sunud-sunod pa rin ang product endorsements ni Marian, at halos kalahati pa lang ng taong 2015 ay nasa isang dosena na ang bilang nito.

Pinaka-latest nga ay ang Mario D’ Boro shoes, kunsaan limang taon ang nakararaan ay ang mister niyang si Dingdong ang kinuhang celebrity endorser nito.

Saad ni Marian tungkol sa kanyang endorsements, “Sabi ko nga, napakabait ng Panginoon sa akin dahil hindi ko ine-expect.

“Akala ko nang mabuntis ako, rest na ako.

"Unexpectedly, nag-shoot ako ng men’s magazine pa.

“Nakakatuwa na nandoon pa rin ang pagtitiwala nila.”

Mahilig talaga ang Kapuso Primetime Queen sa sapatos at bags.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayong magkakaroon na sila ng baby si Dingdong, nabawasan na ba ang hilig niya sa mga bagay na ito?

“Hindi, bakit naman mababawasan?” sambit niya.

Baka kasi mga gamit na sa baby ang mas hilig niya ngayon?

Saad ni Marian, “Siguro ganito na lang, nag-asawa ako na buo ang desisyon ko na gusto kong mag-asawa.

“Ngayon, nagdesisyon akong magkaanak, ibig sabihin, buo ang desisyon ko at ibig sabihin, pasasa na ako sa pagka-dalaga.

“At sabi ko kay Dong, hindi darating sa punto na porke’t nag-asawa na ako, porke’t nagkaanak na ako, hindi ko bibigyan ng reward ang sarili ko.

“Hindi ganun… kailangan kung ano ang ginagawa ko sa sarili ko, ganun pa rin.

“Pero siyempre, iisipin ko pa rin, papantayin ko na. Hindi na yung selfish na ako lang, ako lang.

“Siyempre, magkakaanak na ako, so iisipin ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN