Angel Locsin says she has no plans of entering politics in 2016

Angel Locsin is not interested in joining politics: “Pakiramdam ko mas magpa-function ako na nagpa-follow kaysa sa pagiging leader. Being a leader, mas iba yung power na kailangan mo talaga din," says the 30-year-old Kapamilya actress.


Nilinaw ni Angel Locsin na wala siyang interes na pasukin ang mundo ng pulitika.

Nabuo ang ispekulasyong ito dahil isa si Angel sa mga local celebrities na nakikitang aktibo sa pag-organisa ng charity activities at relief operations sa panahon ng sakuna.

“Ako po? Siyempre po hindi. Hindi ko ho kasi nakikita yung sarili ko [sa politics].

“Pakiramdam ko, mas magpa-function ako na nagpa-follow kaysa sa pagiging leader.

“Being a leader, mas iba yung power na kailangan mo talaga din.

“Kailangan napapasunod mo talaga yung mga tao.

“I think I'm more of a follower.

“At saka may pagka-pasaway po ako,” pag-amin ni Angel.

Nakausap si Angel ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters sa presscon ng ini-endorso niyang Avon Tropical Paradise make-up collection na ginanap sa Amber Ultra Lounge sa Taguig City noong May 21.

LUIS'S POLITICAL PLANS. Samantala, aminado si Angel na matagal na niyang naririnig ang haka-haka tungkol sa posibilidad na kakandidato sa 2016 national elections ang boyfriend niyang si Luis Manzano.

Sinasabing hindi malayong mangyari ito dahil mismong ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos at stepfather niyang si Senator Ralph Recto ay matagal nang naninilbihan sa bayan bilang government officials.

Maging ang ama ni Luis na si Edu Manzano ay dating aktibo sa pulitika.

Sabi naman ni Angel ukol dito: “Speaking of mga ganyan, susuportahan ko siya [Luis].

“Pero wala pa naman siyang sinasabi talaga po [na plano niyang pasukin ang pulitika].

“Pero ako, puwede ka naman tumulong sa ibang paraan.”

Hiningan din ng isa pang entertainment reporter ng reaksiyon si Angel tungkol sa pahayag umano ni Governor Vilma na mayroong potensiyal ang Kapamilya actress na maging isang public servant.

Natatawang paniniguro ni Angel, “Baka ikaw lang nagsasabi nun! Baka 'pag tinawagan ko siya, hindi [pala niya sinabi].”

Hirit naman ng reporter, mismong si Governor Vilma umano ang nagsabi na puwedeng maging public servant si Angel dahil likas itong matulungin sa kapwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sagot ulit ni Angel, “Galing siyempre kay Ate Vi, na Tita Vi ko, maraming-maraming salamat.

“Lahat naman tayo, ginagawa natin kung anong tingin natin ay dapat.

“Pilipino ako, e. So may dugo lang siguro ako na mapagpakialam sa ibang Pilipino.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN