Martin Escudero says he’s happy being single; admits he is not the marrying type "sa ngayon"

Martin Escudero is under contract for two more years with TV5, and unless the network changes its programming, the young actor will not be seen in any teleserye anytime soon, "Marunong naman akong maghintay. Nabibigyan naman nila ko ng mga sitcoms kaya busy pa rin ako.”


Hanggang sa 2017 pa raw ang kontrata ni Martin Escudero sa TV 5.

Kaya naman, wala raw nagiging problema rito kahit na wala pa rin siyang manager, at mga magulang ang tumatayong manager niya.

Kasalukuyang kasama si Martin sa Wattpad: Presents How To Break-up With A Bad Boy.

Matagal na rin simula nang umalis siya sa poder ng dati niyang manager na si Popoy Caritativo, pero hindi pa rin siya kumukuha ng kapalit nito.

Sabi ni Martin, tatlong taon na rin daw. May epekto ba ito sa career niya?

“Okey naman, wala namang pagkakaiba,” sabi niya nang makausap namin sa presscon ng Wattpad sa Café 66 Limbaga Street noong May 21.

“Wala lang akong manager, pero wala namang pagkakaiba.”

Wala na siyang balak kumuha ng talent manager na tututok talaga at mangangalaga sa career niya?

“Hindi naman po sa ayaw, pero sa Singko ngayon, okey naman ako.

"Yung mga trabaho, sa kanila pa rin nanggagaling tulad dati kaya ganundin.

“Kung lilipat man ako, siguro dun na lang ako kukuha ng manager.”

Nabanggit na rin lang ni Martin ang paglipat kaya naisipan naming itanong dito kung nagbabalak ba siyang lumipat ng network.

Sabi naman niya, “Matagal kasi, e. Two years pa.”

Sa ngayon, wala munang mga teleseryeng ginagawa ang TV5, okay lang sa kanya yun?

“Ako naman, marunong naman akong maghintay. Nabibigyan naman nila ko ng mga sitcoms kaya busy pa rin ako.”

HAPPY BACHELOR. Love triangle sina Martin at Vin Abrenica at ang nag-aartista na ring si Michelle Liggayu sa bagong episode ng Wattpad: Presents na magsisimulang mapanood ng 9 p.m. sa Lunes, May 25.

Pero sa totoong buhay, tahasang sinasabi ni Martin na 2009 pa raw ang huli niyang relasyon. At ito ay si Jennica Garcia.

Bakit ang tagal na hindi siya nag-girlfriend?

“Siguro ano lang, napaka-metikuloso ko lang. Choosy ako, e,” nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung sabihin na anim na taon na, baka hindi pa lang siya nakaka-move on, “Ah, hindi, talagang wala pa lang.”

Nakakapag-date naman daw siya, pero hanggang ganun lang daw, "Gusto ko lang talagang i-enjoy ang pagiging single," sabi niya.

Dugtong pa ni Martn, “At saka mahirap kasi kapag nagka-girlfriend ako, tutok at saka mahabaan. Ayoko ng papalit-palit.”

Si Jennica nga, magiging nanay na.

“Oo nga,” nakangiti niyang sabi. “Masaya 'ko para sa kanila. At least, naging sila ni Alwyn [Uytingco], kinasal na.”

Wala yung pakiramdam na parang nahuhuli na siya?

“Hindi, ang bata ko pa naman. Nakikita ko kasi, mahaba pa ang puwedeng mangyari sa akin.”

Sabay biro niyang, “Magpapayaman muna ko.

“O siguro, may pagka-Western na rin ang ugali ko. Parang ayokong magpatali.”

Hindi na ba siya yung marrying type?

“Parang ganun, sa ngayon,” natawa niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN