Luis Manzano on proposing to Angel Locsin: “Basta ayokong magsalita kasi makakasira ng momentum.”

Luis Manzano explains why he doesn’t want to talk about his wedding plans: “Yung gusto ko, unexpected. Ayoko nung palaging napag-uusapan, siyempre lahat ng tao nandun yun sa utak nila. Ang gusto ko, when everyone least expects it, dun mo gagawin.”


Naging usap-usapan at nag-trending sa social media ang naging surprise announcement ni Luis Manzano na malapit nang mauwi sa kasalan ang relasyon nila ng girlfriend na si Angel Locsin.

Dahil halos kaliwa't kanan ang kasalan ngayon sa showbiz, ang pag-iisang-dibdib nina Luis at Angel ang isa sa mga inaabangan ng publiko.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Luis, ipinaliwanag ng TV host na sa mga interviews naman niya ay naging bukas siya na nasa plano na talaga nila ang magpakasal pero ang gusto lang niya ay gawin itong pribado at hindi dahil dikta ng ibang tao.

Paliwanag niya, “Ito nga ang problema kasi sa lahat naman ng interviews, yun naman ang sinasabi ko.

“Ang hirap din kasi siyempre 'pag nag-propose ako.

“Yung gusto ko, unexpected.

"Ayoko nung palaging napag-uusapan, siyempre lahat ng tao nandun yun sa utak nila.

“Ang gusto ko, when everyone least expects it, dun mo gagawin.

“Totoo namang sinabi ko soon naman talaga pero sana nga, gusto ko 'pag walang nag-uusap para mas maganda yung dating.

“In all interviews naman, sinasabi ko yun, kasi 'di na kami bata.

“It’s bound to happen. Nandun naman yung feelings namin, nandun yung foundation ng relationship namin. It’s bound to happen very soon.

“Basta ayokong magsalita kasi makakasira ng momentum.”

Ibinahagi rin ni Luis ang naging pagseselebra nila ng magkasunod na kaarawan nila ng kasintahan kunsaan nag-birthday ang aktor nung April 21 samantalang April 23 naman si angel.

“Nakikita naman nung nag-surprise siya sa akin sa ASAP na we’re both smiling, we’re both very happy. Everything is going extremely well.

“Siya, kasama niya ang family niya pero nag-Batanes kasi siya mag-isa, nag-solo trip siya.

“Gumawa kasi siya ng bucket list for herself. Isa yun sa gusto niyang magawa, pumunta sa Batanes mag-isa.

“Nung birthday ko naman, nag-party ako with friends. Tumulong din siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING PROPOSAL. Nang tanungin namin kung katulad ba ng ibang showbiz couples ay isasa-publiko niya kung saka-sakaling magpu-propose siya kay Angel, para kay Luis ay depende pa ito sa maiisip niyang ideya.

“Oo, mayroon pero gusto ko nga kung kailan relaxed lahat ng tao.

“Depende, titingnan ko. To each his own.

“Siguro 'pag may nakita ako, may naisip ako na kaunting may pagka-public o may naisip ako na may pagka-intimate."

MOVIE. Nagsimula na rin ang shooting ng pelikula na pagsasamahan ng ina niyang si Gov. Vilma Santos at Angel kasama si Xian Lim. Ang gusto nga ni Luis ay magkaroon siya ng cameo role dito.

“Nagsimula na sila, naka-ilang shooting days na sila, so hopefully, tuluy-tuloy na ‘yan. Yung shoot pa lang niya, siya pa lang mag-isa.

“Wala pa namang napag-uusapan pero sana maganda rin kahit dumaan nga lang sa likod, maganda yun,” lahad niya tungkol sa inaasam na cameo role.

Kinumpirma rin ni Luis na malapit na palang matapos ang Deal Or No Deal pero may kapalit naman siya agad na show pagkatapos nito.

“Okay naman, sobrang daming ginagawa tuluy-tuloy.

“Sobra-sobrang saya kami, maraming salamat sa mainit na pagtanggap, sa tuluy-tuloy na suporta.

“Nag-e-enjoy lahat ng tao dun sa lucky stars, yung kulitan, yung batuhan. Thank you very much talaga, pinagpaguran talaga.

“Nung pinitch sa akin yung Deal Or No Deal, maikli lang kasi mayroon kaming pinaghahandaan na bagong show.

“Alam namin from the very start, kahit nung presscon pa lang medyo maikli yung magiging season niya kasi may kailangan nang simulan na bago. 'Di pa naman, pero nalalapit na rin.”

POLITICAL PLANS. Sa ngayon ay napapanood na ang ads ng maraming pulitiko na tatakbo sa eleksiyon sa 2016. Kaugnay nito, nakapagdesisyon na ba si Luis kung papasok ito sa pulitika tulad ng kanyang ina.

“Wala pa, I haven’t made up my mind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga tinatanong sa akin ang mga tao kung tatakbo ba ako.

“Mga ganun pero offer ng kahit na anong partido, magulang ko, wala.

“Sila mismo ang maghihintay kung ano ang desisyon ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN