Arci Muñoz recalls freak accident that temporarily delayed taping for Pasion de Amor

Arci Muñoz recalls the freak accident that resulted in facial injury: “May gig yung boyfriend ko, ’tapos in-invite niya ako to jam with him onstage for one song, his last song. And then super dark. E ’di ba ’pag rock and roll, head bang? Hindi ko nakita na may mic pala in front of me


Feeling blessed si Arci Muñoz ngayong isa na siyang Kapamilya.

Unang proyekto niya sa ABS-CBN ang Philippine adaptation ng worldwide telenovela sensation na Pasion de Amor, kung saan kasama niyang bida sina Ellen Adarna, Coleen Garcia, Ejay Falcon, Joseph Marco, at Jake Cuenca.

Nakatakda itong umere sa Hunyo 1 bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida.

“I’m very happy and very grateful.

“I feel so blessed to be given such a great opportunity. 'Di ba ang tagal kong nawala?

"And then 'eto yung ibinigay sa akin na napakalaking project ng ABS-CBN.

“Kaya sobra akong thankful kina Direk Ruel Bayani [business unit head], Direk Eric Quizon, sa ABS-CBN siyempre.

"This is a dream come true, alam mo yun, never sumagi sa isip ko na magiging Kapamilya ako,” pag-amin ni Arci.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arci sa presscon ng Pasion de Amor noong May 22, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Ipinakilala rin si Arci doon bilang bagong Kapamilya.

Masasabing inikot na ni Arci ang tatlong malalaking networks sa Pilipinas. Una kasi siyang nakilala nang maging finalist sa StarStruck ng GMA-7 noong 2005. Matapos ang ilang taon ng pagiging Kapuso, lumipat siya sa TV5 noong 2010. Huling quarter ng 2014 nang maging Kapamilya naman siya.

Pero wish nga ni Arci na sana ay last stop na niya ang ABS-CBN.

“Sana 'eto na talaga yung last stop ko.

“Alam mo yun, ipinaramdam talaga sa akin ng ABS na I am really welcome, inaalagaan talaga nila ako, pinu-push talaga nila ako.

“So doon lang, sobra akong na-touch, and I’m really, really grateful. I don’t know how to thank them enough, but I’m really, really happy.”

Anong achievement para sa sarili ang nakuha niya nang tumuntong niya sa bakuran ng ABS-CBN?

“Madami. Alam mo, hindi pa nga nagsisimula yung show, yung natutunan ko lang dito, they’re very professional, and masarap katrabaho lahat ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magaan silang katrabaho, at talagang ipinapakita nila sa iyo 'pag talagang seryoso sila at ipapakita nilang love ka nila, welcome ka. Yun ang naramdaman ko na talagang welcome ako.”

FREAK ACCIDENT. Binigyang-linaw naman ni Arci ang isyung diumano’y naging cause of delay siya sa pagsisimula ng taping ng Pasion de Amor dahil sa pagkakasangkot niya sa isang freak accident noong October last year, kung saan kinailangan niyang sumailalim sa facial surgery.

Lahad niya, “Actually, nasakto din na Jake went to New York to study for a month.

“So sakto, like the day before he leaves to New York, naaksidente ako.

“Actually, I still have the scar, but it’s healing. It’s okay na, kita mo pa rin siya sa screen, pero ganun e nandiyan na siya.

“Siguro tanggapin ko na lang siya na trademark ko, 'di ba?”

Ano ba talaga ang nangyari at naaksidente siya?

Kuwento ni Arci, “May gig yung boyfriend ko, 'tapos in-invite niya ako to jam with him onstage for one song, his last song.

“And then super dark. E 'di ba 'pag rock and roll, head bang? Hindi ko nakita na may mic pala in front of me.

“And 'pag nag-head bang kasi ako, pak, ganun.

“Nung tumama ako, nag-blackout na ako, e.

“I’m still singing 'tapos duguan na raw ako. So they had to carry me out of stage to the hospital.

“They had to rush me to the hospital. Nagising ako tinatahi na yung mata ko.

“Sabi ko, ‘Anong ginagawa niyo? Is it bad?’ Hindi sila sumasagot, yung mga friends ko. ‘No, no.’

“Alam mo yung parang sa telenovela, ganun. E kasi, accident-prone ako, e.”

Ikinuwento pa ni Arci kung gaano kahirap ang pinagdaanan niyang operasyon.

Aniya, “Mahirap kasi talagang grabe, para akong binugbog ni Pacquiao, yung first few days.

“So tinahi yung eyelid ko, talagang wide open.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They don’t have to stitch the nose naman, pero talagang malala, so dinikit nila iyan.

“Now I’m still undergoing laser treatment. So mahaba-habang proseso din yung pagtanggal ng scar, actually yun ang mas matagal.

“Yun ang worry ng mga doktor, na parang, ‘You really need a very good cosmetic surgeon.’”

SCARED OF LOSING JOB. Natakot ba siya na baka hindi na maibalik sa dati yung mukha niya?

Pag-amin niya, “Opo, at hindi lang iyon, baka mawalan ako ng trabaho.

“I’ve been given this rare opportunity 'tapos ganito pa yung nangyari. Kaya alam mo yun, nung time na iyon sobra akong depressed, hindi ko alam ang gagawin ko.

“Sa isip ko, ‘Ano ba? Para sa akin ba talaga?’ Nung time na iyon naisip ko na, ‘Hindi na ba ako mag-aartista?’

“Kasi ang haba ng pinagdaanan ko, like I went through two auditions.

“Kasi bago pa ang Pasion, I auditioned for Two Wives, as in yung time na iyon ang tagal kong walang work, e.

“Sabi ko, ‘Baka hindi talaga para sa akin yung pag-aartista. Baka I need to stop na.’

“And then they called me for audition sa Two Wives. And during that time blonde yung hair ko, kasi mahilig akong mag-color ng hair ko.

“So the next day tinawagan nila ako, ‘Arci, they saw your audition for Two Wives, pero hindi ka nakuha doon.

“But this show [Pasion de Amor], we want you to audition for this one.’ Tapos bumalik ako after one week, and then my hair matino na.

“Kaya nung nakuha ako, I really can’t believe it, hindi ako makapaniwala na nakuha ko yung ganito kalaking role.”

SUPPORTIVE PRODUCTION CREW. Nangyari raw ang aksidente nang matanggap siya sa Pasion de Amor.

Pakli pa niya, “Opo, alam mo yung ongoing na ang lahat, nag-workshop na kami. 'Tapos bigla akong naaksidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Buti na lang din si Jake, naka-set na yung pagpunta niya sa New York.”

Nakuha niya ba yung assurance noon mula sa production na hihintayin siya hanggang sa mag-heal ang operasyon niya?

Saad niya, “No, no, not really.

“So nag-worry din ako sobra. But still, very supportive pa rin sila na parang, ‘Ikaw talaga ang gusto namin.’

“Doon pa lang, alam niyo, hindi ko alam yung gagawin ko.

“Sabi ko sa isip ko, ‘Jake, tagalan mo pa diyan [sa New York].’ Kasi kailangan ko talaga ng mahabang oras para magpagaling. Pero yun, thank God nandito pa rin ako.”

LESSON LEARNED. Ano ang natutunan niya sa accident na iyon?

“Na mag-iingat na, titignan ko na yung harapan ko kung may mic stand sa susunod.

“Hindi ko naman kasi puwedeng i-give up yung music ko kasi love ko iyon.

"Aside from acting, yun talaga ang ano ko, gusto kong i-pursue.

“So 'yon, itse-check ko na lang muna yung surroundings ko kung may mga danger,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN