Gloria Romero shows no signs of slowing down: “Imbes na mabawasan ang trabaho ko, mas dumami pa.”

Queen of Philippine Movies Gloria Romero remains thankful for the many work opportunities that still come her way: “Siguro nga ay ayaw pa akong pagpahingahin ni Lord dahil kaya ko pa raw. Kaya I thank the Lord for still giving strength to memorize my lines. Ano nga naman ba ang gagawin ko when I retire, ‘di ba? Baka hanap-hanapin ko pa rin ang umarte sa TV at pelikula.”


Marami ang bilib sa movie queen na si Ms. Gloria Romero dahil sa kanyang edad ngayon na 81, sunud-sunod pa rin ang kanyang mga trabaho at mukhang matagal pa siyang magreretiro sa pag-arte.

Naikuwento ni Tita Glo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa press launch ng The Rich Man’s Daughter kamakailan, na inakala niya na noong mag-80 years old na siya ay doon na siya magre-retire sa showbiz.

Katuwiran ng veteran actress, ayaw niyang dumating ang puntong hindi na siya maka-memorize ng kanyang mga linya.

Pero imbes na magbawas siya ng trabaho, lalo pa raw nagkasunud-sunod ang mga proyekto niya.

“Imbes na mabawasan ang trabaho ko, mas dumami pa.

“Since I turned 80 last year, I did one teleserye after another.

“Wala naman akong reklamo dahil nag-e-enjoy naman ako sa ginagawa ko.

“For the past 60 years ay ang pag-arte lang ang alam kong gawin.

“Siguro nga ay ayaw pa akong pahingahin ni Lord dahil kaya ko pa raw.

“Kaya I thank the Lord for still giving strength to memorize my lines.

“Ano nga naman ba ang gagawin ko when I retire, ‘di ba? Baka hanap-hanapin ko pa rin ang umarte sa TV at pelikula,” nakangiting pahayag ng veteran actress.

Bago mapasama sa cast ng The Rich Man’s Daughter, ginagawa rin ni Tita Glo ang The Half Sisters.

Kinailangan lang tapusin ang character niya roon para maipasok siya sa primetime teleserye ng GMA Network.

The Rich Man’s Daughter is my ninth show na with GMA-7.

“I started pa with Munting Heredera, then sumunod ang Makapiling Kang Muli, Forever, Akin Pa Rin Ang Bukas, Niño, and The Half Sisters.

"I also did Andres de Saya and One Day, Isang Araw," pag-alala pa ni Tita Glo.


EARLY CUT-OFF TIME. Nagpapasalamat naman si Tita Glo na napagbigyan siya sa kanyang hiniling na cut-off time sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang 10 P.M. lang siya puwedeng magtrabaho at pack-up na siya.

“The production understands na kailangan kong magpahinga pagdating ng 10 P.M.

“I have vertigo kasi at kapag napagod ako nang husto, sumusumpong siya.

“Kaya thankful ako sa GMA-7 for always being concern sa akin at sa kalusugan ko.

“Ever since naman I did Munting Heredera with them in 2011, yung hiling kong cut-off time ay ibinigay naman nila.

“And every time naman, they check on me kung nakakain na na ako or if I need anything.

"They really take care of me on the sa set."


GOOD WORDS FOR MARIAN AND RHIAN. Nanghinayang naman si Tita Glo na hindi natuloy ang pakikipagtrabaho niya kay Marian Rivera, na originally ang siyang bida ng The Rich Man’s Daughter.

Pinalitan siya ng Kapuso actress na si Rhian Ramos dahil sa maselang pagbubuntis nito ngayon.

Saad ni Tita Glo, “I was really looking forward to working with Marian.

“Hindi ko pa kasi siya nakakasama sa kahit anong teleserye sa GMA-7.

“When they cast me as Marian’s lola in this teleserye, natuwa naman ako, kasi it’s my chance to work with her.

“Nakapag-pictorial na kami with her and we already taped lots of scenes together.

"Until nga she decided to not continue anymore because she got pregnant.

“We understand her situation and we all wish her a happy and successful pregnancy.”

Okey naman daw ang replacement ni Marian na si Rhian dahil mabilis daw silang nagkasundo nito.

“Rhian was a good replacement for Marian.

“She’s not just beautiful but also a very good actress.

“Yung mga scenes namin ni Marian na we had to reshoot, nagawa naman nang maayos ni Rhian.

“We already bonded on the set and Rhian is such a nice girl.

"Masaya siyang kasama and we really treat one another as lola and apo," saad ni Tita Glo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN