John Lloyd Cruz on replacing Dingdong Dantes in Honor Thy Father: “Naku, ’di ko alam na nai-offer din sa kanya."

John Lloyd Cruz says marriage is not yet the priority of his relationship with Angelica Panganiban: “Wala pa, maski siya, sobrang excited kaming magtrabaho ngayon."


Naging bukas noon si Dingdong Dantes sa sentiyemento niya na wala siyang kaalam-alam na nagshu-shoot na pala ang pelikulang Honor Thy Father kunsaan pinalitan siya ni John Lloyd Cruz.

May titulong Ponzi noong una, balita na dapat ay magiging co-producer dito ang film outfit ni Dingdong, ang Agosto Dos Pictures, kasama ang Reality Entertainment na pag-aari naman ni Dondon Monteverde. Ang direktor ng pelikula ay si Erik Matti.

Sila rin yung grupo sa likod ng Aswang Chronicles na parehong pinagbidahan ng aktor ang original (Tiktik) at sequel (Kubot) nito.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay John Lloyd sa Biogesic event noong Miyerkules, May 20, sa Isla Ballroom ng Edsa Shangri-La, nagbigay siya ng pahayag tungkol dito.

“Naku, 'di ko alam na nai-offer din sa kanya.

"I guess I’m in no position to tell you kung ano yung naging pag-uusap.

"Just like him, in-offer lang din sa amin."

Dagdag niya, “Matagal na siyang tapos, 'di lang namin alam kung kailan ang magiging playdate, pero tapos na siya.

"Actually, we're gonna have a private screening soon, pero para sa mga creators and colleagues."


PLANS TO PRODUCE FILMS. Sa ilang interviews kay John Lloyd ay nabanggit nitong gusto rin niyang pasukin ang pagpu-produce ng pelikula.

Pero hindi raw ito nangangahulugang napapagod na siyang umarte kaya gusto na niyang maging producer.

Sabi niya, “Na-express ko lang, more than directing, parang mas interesado akong mag-produce.

“Unang-una, parang mas lumalawak ang horizon para sa iyo kasi 'di ka limited lang dun sa contribution mo bilang actor.

“With producing, definitely more challenging... pero iba rin yata yung satisfaction being able to produce a movie, a film, isang buo."

Dagdag pa ng Kapamilya star, “Ang trato ko sa trabaho ko is very organic. Gusto ko yung part na pagka nangyayari siya, kahit naman sino sa atin gusto mo, gusto mo ang ginagawa mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


HONORED BY AWARD. Sa nilabas na list of winners ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation para sa 46th Box Office Entertainment Award ay si John Lloyd ang napili bilang Film Actor of The Year.

Nagpasalamat naman ang Kapamilya actor sa bagong karangalang ipinagkaloob sa kanya.

“Maraming salamat sa mga tao sa likod ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation para parangalan ako ng Film Actor of the Year.

“Maraming salamat po sa lahat ng mga taong naka-appreciate sa ginawa ko sa The Trial."


Pero hindi raw ang pagkakaroon ng awards ang motivation ni John Lloyd sa tuwing umaarte.

“Hindi siya source ng hard work.

"It is something very inspiring, pero kasi once na nagtrabaho ka para sa award, parang medyo delikado yatang track yun.

“Hindi dun nanggagaling ang energy to do more and to be more.

"Pero malaking bahagi siya, para siyang the ultimate pat on the back para sa hard work mo, para sa dedication mo.

“After all, kung walang pinanggagalingang something good, ano pang point, 'di ba?

"Kaya nagpapasalamat ako everytime na nabibigyan tayo ng recognition."

Kahit regular siyang napapanood sa Home Sweetie Home, matagal na rin mula noong huling napanood sa isang teleserye ang aktor.

Kaya masayang ibinalita ni John Lloyd na isang programa ang hinahanda nila para sa telebisyon.

“Mayroon kaming niluluto something for TV, pero 'di teleserye.

"Hindi ko kasi alam kung dapat ko nang sabihin pero dapat nilang abangan sa TV very soon.

"Sana mai-mount namin as soon as possible," sabi niya.


ANGELICA'S DUBSMASH VIDEO. Naging viral sa social media ang Dubsmash video nina John Lloyd at Angelica, kung saan ginaya ng aktor ang mga linya ni JM de Guzman sa pelikulang That Thing Called Tadhana.

Aniya, “Thank you, ano ba dapat ang reaction ko dun?

“Salamat pinanood ninyo, binigyan ninyo ng time.

“Hindi, totoo ‘yan, kasi sinasabi 'di ba sa Instagram, sa social media, you have to be careful and picky dun sa mga pina-follow mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo, kuwentahin mo sa isang araw ilang minuto ang ginugugol mo sa pagtingin sa Instagram or sa Facebook.

“Parang you have to be careful kung ano ang gusto mong papasukin sa sistema mo, 'di siya dapat na lahat na lang.

“I mean, para marami ang maka-appreciate sa ginawa namin, parang, 'Wow! Worth your time,' thank you.

“Simple lang naman kaming tao. Masuwerte kami na mayroon kaming trabaho na gustung-gusto namin, na mahal namin ang ginagawa namin.

“Tapos minamahal pa kami ng maraming tao, how do you complain with that?”


PROUD OF ANGELICA'S URIAN NOMINATION. Proud at masaya rin si John Lloyd sa nomination ni Angelica as Best Actress sa 38th Urian Awards.

Aniya, “That’s very exciting. Para sa akin, yun ang sini-symbolize ng mga competition, yung mga awards.

“Although mahirap din talagang magsalita 'coz art is very subjective.

"Pero para makapasok siya sa selection ng Urian, malaki yun."

Masaya rin si John Lloyd dahil kasali si Angelica sa Pangako Sa 'Yo bilang si Madame Claudia Buenavista.

“You know I’m very excited for her... fantastic character actress, e.

"Marami siyang maibibigay na alam kong 'di pa niya naibibigay nang buo.

“Who knows, baka itong bersiyon na ito maging mas successful pa at malagpasan pa ang naging tagumpay ng original, 'di ba?

"Actually, we’re recreating history here, so that’s a great privilege, ha?”


NO WEDDING PLANS YET. Dahil sunud-sunod ang kasalan ngayon sa showbiz, tinanong din si John Lloyd tungkol dito.

Aniya, “Wala pa, maski siya [Angelica], sobrang excited kaming magtrabaho ngayon.

“We’re very excited and sobra kaming thankful sa opportunities na dumarating sa amin ngayon work-wise.

“Maraming arista ngayon, maraming bagong artista, pero marami ring trabaho ang naghihintay.

“Para mabigyan ka ng opportunity na maging part ng sistema, actually create a difference.

"Kasi siyempre, very personal naman ang ibibigay mo, 'di naman kami parang makina lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung anuman ang magiging proseso namin, we opt to make it worthwhile.

“Wala naman akong maku-complain sa buhay ko ngayon, wala naman akong maisip na problema.

“Life is good so enjoy lang.

"Nagpapasalamat lang ako sa mga walang katapusang opportunities na dumarating. Salamat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN