Maegan Aguilar clarifies relationship with 56-year-old musician

“He’s 20 years older so marami akong natututunan sa kanya. He guides me, ’yon nga mentor, ganyan,” says Maegan Aguilar about her 56-year-old “special friend.”


Nilinaw ni Maegan Aguilar na 56 years old lamang at hindi 61 ang musikerong nali-link sa kanya ngayon.

Sa panayam ng Startalk sa anak ng Pinoy music icon na si Freddie Aguilar kahapon, May 23, pinabulaanan din niyang may relasyon na sila ng naturang lalaki.

Paliwanag ni Maegan, “There is a, let's just say, special friendship for now, that's it.

“He's involved now with my life, pero it's all kasi on the music side talaga.

“He's 20 years older so marami akong natututunan sa kanya.

"He guides me, 'yon nga mentor, ganyan."

Dagdag pa niya, “He's very charming. He's very funny.

"And that's important, na yung kausap mo napapatawa ka, napapawi ang luha mo.

“Kahawig siya ni John Lennon. Mahusay din siyang gitarista, mahusay siyang arranger.”

Subalit nag-aalala raw si Maegan dahil, “He never got married, so nakakatakot din 'yon.

“He's never been married, so baka talagang bachelor for life, 'di ba?”

Gayunman, mensahe ni Maegan sa kanyang 'special friend': “Sana humaba pa yung time natin together to play music, to share our life's moments, sana mas mahaba pa.”

Sa kabilang banda, sa naunang panayam ng Startalk, nagbigay ng suporta ang ama ni Maegan na si Freddie Aguilar sa kung anumang relasyon mayroon sila ng 56-year-old musician.

“Okay lang 'yon, basta maligaya siya, 'di ba?" sabi ng legendary folk singer.

"Hindi yung kasing edad nga niya, tapos hindi naman maligaya.

“Wala namang problema. Basta ang hangad ko sa anak ko, si Maegan, ay kaligayahan.”

Dagdag ni Freddie, "Hindi na natin sila mapipigilan kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay nila.

“Nandodoon na tayo, ginabayan na natin sila, so sila na ang bahala pagdating ng wastong edad kung ano'ng pipiliin nila."

SINGLE PARENT. Samantala, aminado si Maegan na hirap siya ngayon sa buhay, lalo pa't hiwalay na siya sa kanyang longtime boyfriend na si Alexander “Ali” Sanchez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I stand alone. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko.

“Panay lang ang prayers ko. I am at a very trying stage of my life.

“I don't know yet how to get up, nangangapa pa rin ako,” sabi ng 36-year-old singer.

Si Maegan ay may dalawang anak mula sa nakaraan niyang relasyon.

Wala bang balak si Maegan na makipag-ayos na sa kanyang ama?

Mangiyak-ngiyak na sagot si Maegan, “Tatay, siguro tatawag siguro ako sa inyo kapag ready na ako.

"Kasi, hindi ko pa alam kung paano.

“Ayaw kong makipag-ayos na hindi 100 percent.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN