Angelica Panganiban creates "copycat" dubsmash featuring Marian Rivera and Heart Evangelista

Naging sentro ng espekulasyon ang dubsmash ni Angelica Panganiban kung saan ginaya niya ang sikat na "copycat" movie quote habang ipinapakita ang mga larawan nina Marian Rivera at Heart Evangelista.


Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang dubsmash ni Angelica Panganiban ng sikat na linya mula sa pelikulang Bituing Walang Ningning.

Ito ay ang mga katagang “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat” na tinuran ni Cherie Gil nang kumprontahin niya si Sharon Cuneta sa isang eksena mula sa 1985 film.

Ngunit mas naging kapansin-pansin sa naturang dubsmash ang ipinakita ni Angelica na larawan ng showbiz rivals na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Napanood ito sa episode ng Banana Split kagabi, May 23, kung saan nagbigay ng makahulugang komento si Pooh patungkol sa dubsmash ni Angelica.

“Kung i-analyze mo nang maayos, ano, kung sino si Ms. Cherie Gil at si Ms. Sharon,” sabi ni Pooh, na tila ang tinutukoy ay sina Marian at Heart.


MARIAN, HEART FANS REACTION. Base sa ginawang dubsmash ni Angelica, una niyang ipinakita ang larawan ni Marian na kunwari ay siyang nagsasabi ng mga katagang “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat.”

Nang tinuran ni Angelica ang salitang “copycat,” tiyempong ipinakita ng Banana Split actress ang larawan ni Heart.

Kaugnay nito, bumuhos ang iba’t ibang reaksiyon ng netizens sa comments thread ng Instagram ni Angelica.

Hindi umano kasi maiwasang magkasagutan ang kanya-kanyang fans nina Marian at Heart sa social media.

Kasabay nito ay dinepensahan din ng ibang netizens si Angelica na marahil ay parte lang ng script ng Banana Split ang ginawa nitong dubsmash.


ANGELICA, HEART CRYPTIC SOCIAL MEDIA POSTS. Ito ang Instagram photo na ibinahagi ni Angelica pagkatapos ng Banana Split episode kagabi, May 23, kung saan nagsugatan ang netizens hinggil sa isyu.

Kalakip nito ang caption na nagsasabing: "Be crazy. Be stupid. Be silly. Be weird. Be whatever. Because life is too short to be anything but happy. (Cto)"

Be crazy. Be stupid. Be silly. Be weird. Be whatever. Because life is too short to be anything but happy. (Cto)

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onMay 23, 2015 at 8:30am PDT

Samantala, hindi malinaw kung nakarating na kay Heart ang tungkol sa pagkakadawit niya sa dubsmash ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit kapansin-pansin din ang tila makahulugang Twitter post ni Heart bandang 11 P.M. nitong Sabado, May 23.

Bukod dito ay mayroong Instagram post si Heart na may kalakip na caption na nagsasabing "Without saying a word...He already knows."

Base sa comments thread, mayroong isang netizen na nagpayo kay Heart na iwasang mag-post ng mga larawang maaaring maging basehan ng pagkukumpara sa kanila ni Marian.

Sagot ni Heart sa komento ng naturang netizen: "I don't live my life according to what they post."

Heto ang clip ng kontrobersiyal na bahagi ng Banana Split kunsaan ipinakita ang dubsmash video ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN