Betong Sumaya wishes to do a teleserye with Megan Young

Betong Sumaya wishes to work with Miss World 2013 Megan Young in a teleserye. He teases, “Sana nga maisipan nilang isama ako sa cast ng Marimar ni Megan Young. Kahit na anong role doon okey lang sa akin, basta makasama ako. Kung role ni Sergio Santibáñez ang ibigay nila sa akin, bakit ko naman tatanggihan, ‘di ba?”


Matutuloy na rin ang pag-alis ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya kasama ang ilang Kapuso stars para sa kanilang show sa Vancouver, Canada on May 29 at sa Anaheim, California, U.S.A. on May 31.

Makakasama ni Betong sa mga shows na ito sina Christian Bautista, Alden Richards, Jonalyn Viray, at Ms. Ai-Ai delas Alas. Para ito sa promotion ng GMA Pinoy TV.

“Ito yung show na dapat noong April pa at si Marian Rivera ang kasama namin.

“Pero bigla ngang nag-reschedule dahil hindi na makakasama si Marian.

“Kaya si Ms. Ai-Ai na ang kasama namin at natuloy na kami.

“Mukhang masaya nga itong grupo namin kasi first time kong makakasama si Ms. Ai-Ai na matagal ko nang hinahangaan na komedyante sa TV at pelikula,” sabi ni Betong nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last May 22 sa Zipang Modern Japanese Cuisine, along 11thJamboree Street near Timog Avenue, Quezon City.


WELL-LOVED CHARACTER. Bukod sa dalawang shows na ito sa North America, lilipad din ang comedian patungong Middle East para sa Philippine Independence Day celebration sa June naman.

In-demand si Betong para sa mga shows abroad dahil napapanood nga ang kanyang nakakatuwang character na si Antonietta sa gag show na Bubble Gang.

“Malaki ang pasasalamat ko kay Antonietta. Dahil sa kanya, nakailang beses na akong mag-show abroad.

“Sa dalawang shows na pupuntahan namin, si Antonietta rin ang request nilang makita.

“Kaya may mga hinanda na kaming mga bagong litanya ni Antonietta at pati mga costumes niya ay pang-jetsetter.

"Ibang level na kasi si Antonietta!" natatawa niyang pagmamalaki.


NO TIME FOR LEISURE. Very tight daw ang schedule ng shows nila kaya wala rin siyang magiging time para mamasyal.

“After nga po sa Canada, diretso kami sa California naman. 'Tapos lilipad na ako for the Middle East.

“Kailangan makabalik ako ng Pilipinas on June 2. May naka-schedule na kasi akong taping for Sabado-Badoo, Bubble Gang, at Ang Pinaka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gustuhin ko mang mag-extend ng stay ko para makapagbakasyon, hindi talaga puwede kasi kailangan makabalik agad ako, or else, wala na akong babalikan na trabaho sa GMA-7.

“Kaya hanggang selfie na lang siguro tayo.

“Yung shopping naman, baka sa Duty Free na lang sa airport!” sabay tawa ni Betong.


WISHES TO WORK WITH MEGAN YOUNG. Kulang na lang daw mga shows ngayon ni Betong ay teleserye. Natapos na kasi noong nakaraang buwan ang sinalihan niyang teleserye na Once Upon A Kiss.

“Gusto ko ngang magkaroon ulit ng teleserye.

“Kahit inuumaga kami ng taping, enjoy akong gumawa ng teleserye.

“Gusto kong umarte na iba sa ginagawa ko sa Bubble Gang."

Dagdag pa ni Betong, “Sana nga maisipan nilang isama ako sa cast ng Marimar ni Megan Young.

“Kahit na anong role doon okey lang sa akin, basta makasama ako.

“'Tsaka gusto kong makatrabaho ang ating Miss World na si Megan Young.

“Kung role ni Sergio Santibáñez ang ibigay nila sa akin, bakit ko naman tatanggihan, ‘di ba?” tawa pa niya sa kanyang maambisyong pangarap.


TOO BUSY FOR LOVE. Dahil sa tila walang pahinga si Betong sa kanyang mga trabaho ngayon, hindi na raw niya naiisip pa ang magkaroon ng sarili niyang lovelife.

“Parang ang hirap pong magkaroon ako ng lovelife.

“Sa totoo lang po, happy na ako na yung pamilya ko ang inaasikaso ko.

"Sila nga ang masasabi kong inspirasyon ko ngayon. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa kanila.

“Kaya malayong magkaroon ako ng lovelife talaga.

“Kapag nauso na ulit siguro ang hitsura natin, baka sakaling magkaroon na tayo ng lovelife!” natatawang pahabol ni Betong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN