Nora Aunor’s birthday wish: Kuya Germs’s full recovery

During her birthday last May 21, Nora Aunor was able to chat with longtime friend and mentor Kuya Germs via phone patch over the latter’s radio show. She said, “Na-miss talaga kita, Kuya Germs. Isa ka sa laging nandiyan sa tabi ko kaya naman sobra-sobrang nalungkot ako nung nagkasakit ka. Kaya naman hindi ko maipaliwanag yung kasiyahan ko dahil naririnig na kitang tumawa ulit at alam kong masayang-masaya ka.”


Nagdiwang ng kanyang ika-62 kaarawan ang Superstar na si Nora Aunor, at isa sa mga birthday wishes nito ay ang tuluyan nang maka-recover ang kanyang matalik na kaibigang si German “Kuya Germs” Moreno mula sa pagkaka-mild stroke nito.

Kaya naman labis-labis ang katuwaan ni Nora nang makausap niya sa mismong kaarawan niya last May 21 ang Master Showman, via phone patch, sa Walang Siyesta radio program ni Kuya Germs sa dzBB 594.

Sabi ni Ate Guy, “Sa wakas, nakausap din kita Kuya Germs!

“Natupad na rin ang isa sa wish ko—ang makausap ka at malaman na okey na okey ka na.

“At ngayon nga na naririnig na kita sa radyo, masaya na ako.

“Basta alam kong masaya ka na, masaya na rin ako Kuya Germs."

Dagdag pa ni Nora, “Na-miss talaga kita Kuya Germs.

"Isa ka sa laging nandiyan sa tabi ko kaya naman sobra-sobrang nalungkot ako nung nagkasakit ka.

“Kaya naman hindi ko maipaliwanag yung kasiyahan ko dahil naririnig na kitang tumawa ulit at alam kong masayang-masaya ka.

“Wish ko na magtuluy-tuloy na ang paggaling mo dahil madami pang mga kabataan at mga artistang tulad ko na matutulungan mo...

“At ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan nang sa gayon ay mas marami pa akong magawa.”


REKINDLING HER SINGING CAREER. Masaya ring ibinalita ni Nora na malapit na raw siyang makaawit muli.

“Isa pa 'yan sa wish ko—ang makakantang muli.

“Hopefully this year, makakanta na ako ulit.

“Alam niyo naman na first love ko ang singing bago ako umarte, kaya naman wish ko talaga na maayos na lahat para makakanta muli.

“Gustung-gusto ko na ulit kumanta sa harap ng mga tagahanga ko at magkaroon muli ng concert.

“Katulad noon na binigyan mo ako Kuya Germs ng pagkakataong makapag-concert sa isang malaking venue at makatungtong sa Araneta Coliseum.

“Yun yung kauna-unahan kong concert sa malaking venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako'y umiyak noon sa nerbiyos dahil sobrang laki talaga ng venue at napakaraming tao.”

Masaya rin daw ang Superstar sa takbo ng kanyang career dahil sa patuloy na dating ng trabaho.

“Happy naman ako kasi kahit papaano nakakaraos naman sa mga konting pagsubok.

“Nagpapasalamat nga ako at nakakayanan ko pa.

"Iniisip ko na lang yung kasabihan na hindi ito sa 'yo ibibigay ng Diyos kung hindi mo kaya.

“Basta dasal lang talaga ang kailangan at mao-overcome mo rin yung mga problema.

“Masaya din ako kasi hindi ako nawawalan ng trabaho. Laging may mga trabahong dumarating sa akin.”


MESSAGE TO FANS. Taos-puso pa rin ang pasasalamat ng Superstar sa kanyang mga loyal fans.

Saad niya, “Unang-una sa lahat, nais kong magpasalamat sa mga nagmamahal at kahit yung mga hindi nagmamahal sa akin.

“Nawa'y magmahalan tayo nang totoo, yung nasa puso, dahil yun naman talaga ang kailangan.

“Salamat sa mga Noranian na laging nandiyan sa tabi ko kahit ano mang mangyari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN