Marian Rivera denies rejecting talk show with Regine Velasquez and Ai-Ai delas Alas

Marian Rivera says a daily variety show is not possible in her condition, and it’s not true she rejected Regine Velasquez and Ai-Ai delas Alas for a proposed Sunday talk show.


May lumulutang na balitang isa si Marian Rivera sa ikinukunsiderang maging co-host ni Willie Revillame sa bagong variety-game show nito sa GMA Network na Wowowin.

May ipinost kasi si Marian sa Instagram account niya na parang teaser na inakala ng iba na siya ang co-host ni Willie.

Paglilinaw ng Kapuso Primetime Queen, "Ano ba, buntis na nga ako, magku-co-host pa ako?"

Ang nasabing Instagram post niya ay para raw sa ini-endorse niyang Talk 'N Text.

Kahit once a week na show ba kung sakali ay hindi rin niya tatanggapin?

“May gagawin ako ng Sunday, pero hindi pa sure,” sabi ni Marian.

Ito ay ang napabalitang talk show nila nina Ai-Ai delas Alas at Regine Velasquez.

Nagkaroon pa nga ng intrigang inayawan daw ni Marian si Regine.

Ngunit ayon kay Marian, “Wala akong tinatanggihan at wala akong karapatang tumanggi sa kahit na sinong artista.

"Wala, wala akong tinanggihan, at kahit kailan wala akong tatanggihan na katrabaho."

Lalo pa nga raw si Regine na ninang nila ni Dingdong Dantes sa kasal.


NOT FINAL YET. Sabi pa ni Marian, exciting na magkaroon ng isang talk show na kasama sina Regine at Ai-Ai.

“Oo naman, lalo na kung makakasama ko sila Ai-Ai, si Kambal [tawagan nila ni Ai-Ai].

“'Tsaka si Ate Reg, ano ba, ninang ko yun, katsokaran ko yun!

“Kabaklaan ko yun, bakit ko naman tatanggihan yun?”

Sa tingin ba ni Marian ay kaya niyang maging isang talk show host?

“Na-experience ko naman yun sa Marian, e,” pagtukoy ni Marian sa dance show niya dati sa GMA.

Pero sa ngayon daw, wala pang malinaw na plano tungkol sa sinasabing talk show.

“Actually, hindi pa inilalatag sa akin ng management ko pa kung anong istilo, kung paano ‘to gagawin.

“Pero nasabi sa akin na may ganitong balak pa lang, balak pa lang naman.

"Wala pa kasing sit-down sa akin ang management na, ‘O, Marian, ha, may gagawin ka, meron kang ganito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa kasi kaming ganun.”

Kung sakali nga?

“Every Sunday? Why not? Hindi naman ako mapapagod dun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa launch niya bilang pinakabagong celebrity endorser ng ladies' shoes ng Mario D’boro noong Huwebes, May 21, sa Relish restaurant sa Quezon City.

Ginanap ang presscon pagkagaling ni Marian sa presscon naman ng The PEP List Year 2 sa Luxent Hotel.

GLAIZA DE CASTRO. Sa kabilang banda, sa isang panayam kay Glaiza de Castro ay sinabi nitong malaki ang utang na loob niya kay Marian.

Ipinaglaban daw kasi siya ni Marian na mapasama sa cast ng The Rich Man’s Daughter.


Read: Glaiza de Castro reveals Marian Rivera fought for her inclusion in The Rich Man’s Daughter

Ano ang masasabi ni Marian tungkol dito?

Saad niya, “Minsan may mga bagay na ginagawa mo dahil meron kang tiwala sa tao, naging maganda yung pakikitungo sa iyo.

"At si Glaiza kasi ang isa sa mabait na artista talaga sa akin, e.

“Wala akong masasabi kay Glaiza... every time na iinterbyuhin siya, wala siyang sinasabi kundi puro papuri talaga sa akin.

"At thankful ako na naa-appreciate niya yun."


MARIAN'S PREGNANCY. Tungkol naman sa kanyang pagdadalantao, hindi raw kailangang uminom ng vitamins ngayon si Marian kahit buntis siya dahil yun daw ang sabi ng doktor niya.

Kuwento niya, “Baka sa month ngayon wala na inumin, baka sa susunod na punta ko, itong visit ko may ibigay na siya.

“Pero nung nag-ano kasi ako wala talaga, e.

"Kumbaga, healthy lang sa pagkain lang talaga."

Pagkapanganak ni Marian sa Nobyembre, paplanuhin na ba agad nila ni Dingdong ang kasunod na anak nila o magpapahinga muna siya?

“Hindi ko alam! Sabi ng asawa ko, ‘Ano gusto mo ba?’

“Sabi ko, ‘Ranasan [maranasan] ko muna!’

“Inisip ko din, halimbawa nanganak ako, kung mabubuntis uli ako, baka hindi ko maalagaan yung anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aalagaan ko muna, after nun, pag feeling ko okay na siya, ‘tsaka na lang uli.”

Ilang taon ang balak nilang pagitan?

“Mga two [years], 'tapos dire-diretso na uli.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN