Aljur Abrenica on status of his lovelife: "Makulay… naglalakbay."

Aljur Abrenica on working with fellow Kapuso Rocco Nacino: "Ibang klaseng experience na makatrabaho si Rocco. Dedicated siya sa craft niya at marami akong natututunan sa kanya. At kapag kasama ko siya sa set, magaan na lang, e. At the same time, natututo ako."


Mula nang ‘nagbalik-loob’ si Aljur Abrenica sa kanyang home network na GMA-7 ay mukhang nanunumbalik na rin ang sigla ng kanyang showbiz career.

Maliban sa regular stint niya sa weekly musical-variety show na Sunday All Stars, may ginagawa ring pelikula ngayon si Aljur.

Ito ay ang indie film na Mabalasik, kung saan kasama niya ang kapwa-Kapuso at co-alumnus sa StarStruck na si Rocco Nacino.

Mula ito sa direksiyon ni Ato Bautista at ang producer naman ay si Jason Marpalas.

Matagal na silang magkabigan at magkakilala ni Rocco, pero ito raw ang unang pagkakataong magkakatrabaho sila.

Ayon kay Aljur, “Ibang klaseng experience na makatrabaho si Rocco.

“Dedicated siya sa craft niya at marami akong natututunan sa kanya.

“At kapag kasama ko siya sa set, magaan na lang, e. At the same time, natututo ako.

“Kasi magkaibigan nga kami… matagal na, e.

“At saka nakita ko yung… basta kapag lagi kaming nasa ano, biruan lang, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa parking area ng GMA Network Center kahapon, May 24, pagkatapos ng Sunday All Stars.

MABALASIK. Sabi pa ng Kapuso actor tungkol sa pelikulang Mabalasik, “Itong movie na ito, seryosong side.

“Actually, suspense siya.

"Sobrang ganda ng pelikulang ito kasi ikinukuwento dito ang normal na buhay ng mga Pilipino.

“Kulad ng sa character ko, normal na Plipinong laborer. Tapos si Rocco naman ay isang pulis.

“Ang istorya ng character kong si Elias, galing siya sa Tacloban at nagpunta siya sa Maynila sa pag-asang magkakaroon ng magandang buhay.

“Kaso lang, napaiba ang direksiyon ng buhay niya, kasi kinailangan niya talaga ng pera. Hanggang sa naging hired killer na siya.

“Nataon lang na nagkabulilyaso, ang napatay ko ay ang ninong ni Rocco, kaya hinanap niya ako at dun na umikot yung istorya.”

Sabi pa ni Aljur, “Bukod dito, may iba pa akong uumpisahang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakaganda ng mga projects na ito at excited na akong ma-finalize ang mga ito, na mapagkasunduan na lahat ng dapat mapagkasunduan para magawa ko na.

“May mga detalye nang sinabi sa akin tungkol sa mga pelikulang ito. pero hindi pa puwedeng pag-usapan.”


NEW ALBUM. Mayroon din daw bagong album si Aljur.

Sabi niya, “It’s a great album kasi it speaks everything about me, e.

“Though selected by the company [MCA Records] yung mga kanta, medyo naka-relate ako dun sa mga kanta.

“Tapos ang maganda pa dito sa album na ito, yung isa ay kinompose ng tatay ko. Ang title, ‘Bakit Gano’n?’

“Ang mensahe ng lyrics nito, parang may mahal kang iba, pero yung mahal mo may minahal ding iba.

“Meron ding akong sarili kong composition, ‘I Surrender’ naman ang title.”

ALJUR’S LOVELIFE. Ang pamagat ng kanyang bagong album ay Aljur Abrenica, Mahal Pa Rin Kita.

Biro naming tanong: Patungkol ba ito sa ex-girlfriend niyang si Kylie Padilla?

“Marami itong pinatutungkulan,” sambit ng Kapuso actor.

Pagkatapos nito ay nakiusap si Aljur na huwag na siyang tanungin patungkol sa mga personal na bagay.

Pero nasaang estado ngayon ang puso niya?

“Ibig kong sabihin, makulay… naglalakbay,” nakangiting sagot ni Aljur.

Sakaling hindi na zero ang lagay ng kanyang lovelife, gugustuhin ba niya itong ilihim na talaga?

"Hindi, hindi naman. Siyempre hindi maitatago ‘yon..."

Ano ang nasa likod ng kaligayahang nakamarka sa mukha niya ngayon?

Sabi ni Aljur, “Para sa akin, yung personal na matter na ‘yan, sa akin na lang.

“Mas mabuting pangalagaan ko na lang ang privacy ko.

“Wala namang dahilan para hindi ako maging masaya sa buhay ko ngayon.

“Lagi kong kasama ang aking family at mga kaibigan.

“Nag-iba ako ng direction, e, at happy naman ako ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN