Gerphil Flores fulfills dream of singing with Regine Velasquez; insists she has no grudge against Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas

Gerphil Flores on entering showbiz: "Sa ngayon, mas gusto kong mag-focus muna sa singing. And then maybe, eventually, I can venture into acting."


Naka-duet ng Asia’s Got Talent finalist na si Gerphil Flores ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Sunday All Stars kahapon, May 24.

Kinanta nila ang "Where Do I Begin?" na mula sa pelikulang Love Story (1970).

Look: Regine Velasquez and Gerphil Flores singing "(Where Do I Begin) Love Story" is everything!

“Dream come true talaga. Siyempre, Ms. Regine Velasquez!” bulalas ni Gerphil nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ni Cata Tibayan ng 24 Oras pagkatapos ng kanilang performance.

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, ang dami-daming na-contribute ni Ms. Regine sa music industry.

“Actually, hindi lang dito sa Philippines, sa buong Asia. Kaya nga siya Asia’s Songbird.

“Dream ko na talagang maka-duet siya, and it happened!”

Nagkaroon ba sila ng chance na mag-usap ni Regine? Humingi ba siya rito ng advice?

Ayon kay Gerphil, “Backstage, hindi kami magkasama, pero dun sa may side ng stage.

“Mabait siya. Makikita mong napaka-down to earth niya na tao.

“Ang dami na niyang na-accomplish as a musician.

“Hangang-hanga po ako talaga sa kanya.”


KRIS & AI-AI. Samantala, iginiit ni Gerphil na wala siyang sama ng loob o tampo kina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas, mga judge noon ng Pilipinas Got Talent Season 1 (2010) kung saan siya unang sumali.

Nakaabot ng semifinals si Gerphil ngunit na-eliminate siya pagkatapos mag-No sa kanya nina Kris at Ai-Ai; tanging ang isa pang judge na si Freddie M. Garcia ang nag-Yes sa kanya.

Diin ni Gerphil, “Paulit-ulit ko nga pong sinasabi sa media, sabi ko, wala po akong sama ng loob kay Ms. Kris at saka kay Ms. Ai-Ai.”

Nilinaw rin ni Gerphil na wala siyang kinalaman sa hate comments na ipinupukol kina Kris at Ai-Ai pagkatapos niyang pumuwesto sa Asia’s Got Talent.

“Tapos yung mga comments, yung mga bashers, nanggagaling sa mga followers, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung iba, hindi ko naman kakilala at wala akong kinalaman.

“Ang sinasabi ko po sa kanila [bashers], alam ko na sila [Kris and Ai-Ai], bilang mga hurado, meron silang karapatan na magbigay ng sarili nilang komento tungkol sa performance dati ng mga contestants sa Pilipinas Got Talent. At nirerespeto ko ‘yon.

“In fact, ang dami-dami kong natutunan sa journey ko sa Pilipinas Got Talent.

“Sabi ko, hindi ko pa siguro panahon. Hindi ko pa ‘yon time kaya ganun.”

If ever, okay sa kanyang makatrabaho ang Philippine Comedy Queen?

“Yes, definitely!” mabilis niyang sagot.

“Alam mo, isa ‘yan sa mga pinapanood kong actress.

“Ang bait-bait niya at nakikita ko na she’s very down to earth.

“Sabi ko nga, kung magkakaroon kami ng chance na mag-meet, I will grab the opportunity.

“Para din matigil na yung isyu na baka may sama ako ng loob sa kanila ni Kris].”

DAVID FOSTER. Samantala, matapos ang announcement na ang El Gamma Penumbra ang nanalo sa Asia’s Got Talent, nahuli ng camera na may ibinubulong kay Gerphil ang isa sa judge na si David Foster.

Ano ba ang ibinulong nito sa kanya?

Paglilinaw ni Gerphil, “Ang dami-daming nag-iisip na baka daw nag-offer na ng contract… recording contract.

“Pero hindi naman, more on encouragement lang naman.

“Positive feedbacks from him after na-announce na yung grand final winner.”

May mga offers ba sa kanya to perform abroad?

“Meron na rin po, may mga offers na rin.

“Merong offer from Singapore. Merong offer from Australia.”

Initially, what does she plan to do?

“Hopefully magkaroon ng album, if given a chance. Sana!

“Uhm… sa ngayon po, tina-try kong i-balance yung schedules ko.

“Siyempre, nandidiyan yung school.

"I’m taking up Music sa UP [University of the Philippines].

“So, tinitimbang ko lang po muna kung ano ang mas ipa-prioritize ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INTERNATIONAL CAREER. But does she wish to get work abroad as an artist and show her talent?

“Of course! Talagang isa po sa mga goals ko yung mai-represent ko ang Philippines around the world.”

Ibig bang sabihin nito ay mag-o-audition siya sa mga Broadway o West End musicals?

Sagot ni Gerphil, “Why not? I’m a huge fan of Broadway musicals, so if given a chance, talagang magta-try din ako.

“Gusto ko yung Phantom of the Opera, mga ganun.”

Sinong Pinoy singer na sumikat sa abroad ang gusto niyang sundan ang yapak?

“Sina Lea Salonga… si Ms. Regine Velasquez.

“Sila ang mga ultimate idols ko po talaga.

“Kasi talagang pinanindigan nila yung pagiging singer, na hindi lang pang-Pilipinas ang Filipino talents kundi pang-around the world talaga.”

May plano ba siyang sumali sa ibang international competitions o talent search?

“Sa ngayon, wala pa po sa plano ko.”

Marami ang bilib sa mataas na timbre ng boses ni Gerphil, kaya naman tinanong siya kung ano ang sikreto niya para ma-maintain ito.

Sagot ng classical singer, “Ang masasabi ko lang po, regardless kung ano ang genre ng kinakanta ng isang singer, napakaimportante na meron siyang disiplina sa sarili niya.”

Ano ang restrictions? Bawal ba sa kanya ang malalamig na drinks o okey lang na uminom siya nito?

“Kahi ano naman… umiinom naman ako ng malalamig.

“Pero minsan, before singing, iyon ang medyo delikado. Kailangang maingat sa mga kinakain before singing.

“After singing, puwede na. Kahit anong kainin mo.”

ENTERING SHOWBIZ. Bukod sa kanyang magandang boses ay artistahin din ang hitsura ni Gerphil.

Will she be willing to enter showbiz o subukan ang acting halimbawa?

Sabi ni Gerphil, “Ang dami pong mga nagtatanong, meron pong mga nag-o-offer.

“Pero sabi ko, sa ngayon, mas gusto kong mag-focus muna sa singing.

“And then maybe, eventually, I can venture into acting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

If ever na mag-artista siya, sinong aktor ang gusto niyang makapareha o makatrabaho?

“Ay, kahit sino po!” bulalas niya.

“Kahit sino po. Ako, talagang hindi ako choosy. Kahit sino... kahit sino.

“Alam natin ang mga Filipino actors, magagaling.

“So, bukas ako para sa ganyan, yes.

“Eventually… maybe.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN