Marlo Mortel overwhelmed by success of his tandem with Janella Salvador and his group Harana Boys

ABS-CBN talent Marlo Mortel is getting more than what he bargained for in showbiz and he couldn’t be any happier. He says, "Simple lang kasi ang gusto ko, ang mapasama sa show at laging magkaroon ng show. Nung nagsisimula ako, feeling ko wala nang mangyayari sa career ko."


Feeling blessed ang ABS-CBN talent na si Marlo Mortel sa dami ng blessings na dumarating sa kanya ngayon.

Bukod sa daily morning teleserye na Oh My G! ay kasama rin siya sa song album na Harana under Star Music.

Gumagawa rin siya ng pelikula under Regal Films, kasama ang co-star niya sa Oh My G! na si Janella Salvador.

Sabi ni Marlo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Sobrang saya kasi hindi ko ini-expect na mangyayari ito sa akin.

“Unang-una, naka-focus ako noon sa singing, hindi ko akalain na sa acting pala ako makikilala.

"Malaking pasasalamat ko sa Be Careful With My Heart, dun talaga ako nakilala.

“Yun ang nag-open sa akin ng mas maraming opportunity.

“Nasundan ng Oh My G! na maganda rin yung ratings, kaya sobrang saya talaga.

“Kasi yung mga sumuporta sa amin sa Be Careful , sila rin yung sumusuporta sa Oh My G!."


FIRST LOVE. Masaya raw si Marlo dahil nakasama siya sa all-male singing group na Harana Boys, kasama sina Joseph Marco, Bryan Santos, at Michael Pangilinan.

Mayroon na rin silang first album na ang title ay Harana.

Saad ni Marlo, "Yun talaga ang first love ko, ang kumanta.

"Kaya nga dream come true ang pagkakasama ko sa Harana, kasi yung singing side ko naman ang ipinapakita ko dito.

"Under Star Music yung album namin at yung carrier single namin yung 'Number One.'

“Kami din yung kumanta ng theme song ng movie nina Coco Martin at Toni Gonzaga [You're My Boss], yung song na 'Baby I Need Your Lovin.'"

Paano nabuo yung grupo nila?

"Walang audition na nangyari, bale handpicked kami lahat.

“Tinawagan kami ng mga handler namin, sinabi na may bubuuin daw na boyband.

“Dun na lang namin nakita yung isa’t isa nang pinatawag kami, ‘tapos nakalatag na yung gagawin.

"After mag-meeting at naging okey ang lahat, nag-start na ng recording."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Marlo, "Sana nga maging maganda ang response sa tao, although ‘pag nagmu-mall show kami, maganda naman.

“Marami naman ang bumibili, para may second album pa na susunod.

"Nag-number one na yung album namin sa Astroplus.

"Maganda naman ang takbo ng grupo kahit ‘di kami madalas magkita-kita dahil busy at may kanya-kanya kaming ginagawa."

Excited ding ibinalita ni Marlo na sila ang napiling maging front act sa concert sa Pilipinas ng '90s Irish boy band na Boyzone.

"Sobrang excited na ako na mag-perform at ma-meet in person ang Boyzone.

“Lumaki ako na fan ng mga boy bands at bata pa ako, kilala ko na ang Boyzone, yung Westlife, 'N Sync, at New Kids On The Block."

Gaganapin ang concert ng Boyzone ngayong Martes ng gabi, May 26, sa Araneta Coliseum.

Wish din daw ni Marlo na magkaroon ng solo album.

“Pero alam ko naman na kapag para sa akin na yun, kusang darating na lang.

"Hihintayin ko na lang siya."


TANDEM WITH JANELLA. Ikinatutuwa rin daw ni Marlo ang launching movie nila ni Janella, ang Retreat House ng Regal Films.

“Ang saya kasi may TV show, may album, at ngayon may movie.

"Excited ako kasi first big movie ko to with Janella, kami yung bida.

"For me kasi, mas gusto ko na siya muna yung maka-partner…

"Okey naman yung tandem namin at okey naman sa mga manonood.

"Although na-experience ko na rin naman na makipagtrabaho sa iba, like kay Jane [Oineza] sa MMK [Maalaala Mo Kaya]."

Gusto rin daw makatrabaho ni Marlo ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

"Kasi magaling siya kumanta at noon pa, crush ko na siya.

“And alam naman natin na magaling din siya umarte.

"Hopefully, mabigyan ako ng chance na makatrabaho siya."

Hanggang ngayon daw ay hindi pa lubos maisip ni Marlo na magkaka-pelikula siya na siya ang bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Simple lang kasi ang gusto ko, ang mapasama sa show at laging magkaroon ng show.

“Yun lang, happy na ako.

"Kaya nga thankful talaga ako kay Lord dahil sa dami ng blessings na ibinibigay Niya sa akin.

"Naalala ko nga nung nagsisimula ako, feeling ko wala nang mangyayari sa career ko.

“Kaya naisipan ko na mag-study na lang, ‘tapos dumating yung Be Careful, at dun nagsimula yung lahat.

"Kaya sobra-sobra talaga ang kasiyahan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN