Coleen Garcia says Billy Crawford is "the exact opposite" of her ex-boyfriend

Coleen Garcia on importance of having a boyfriend that’s supportive of her career: “Alam mo, hadlang iyon kung meron kang boyfriend na hindi supportive sa iyo. Sobrang laking hadlang nun, alam ko yung feeling na iyon. Ako kasi, pinagdaanan ko nang bongga iyon, as in grabe!”


Na-flatter daw si Coleen Garcia sa naging pahayag ng kapareha niyang si Joseph Marco sa presscon ng kinabibilangan nilang upcoming primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Pasion de Amor.

Ayon kasi kay Joseph, “Kung wala lang boyfriend ito…,” na ang nais ipakahulugan ng aktor ay posible niyang ligawan ang aktres.

Pero alam naman ng lahat na boyfriend ni Coleen si Billy Crawford.

Sabi ni Coleen, “Flattering, pero si Joseph kasi napakabuting tao kasi nun.

“Sobrang mabuting tao si Joseph and he’s really such a good guy.

“Ang dami kong nakikilala sa industriya, even friends outside the industry, and isa talaga siya sa pinakamabait, pinaka-thoughtful, pinaka-sweet na taong nakilala ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coleen sa presscon ng Pasion de Amor noong May 22 sa 9501 restaurant, sa loob ng ABS-CBN compound.

BILLY WILL NOT BE JEALOUS. Hindi kaya maging dahilan ang sinabing ito ni Joseph ng pagseselos ni Billy?

“No, hindi naman,” sagot ni Coleen.

“Alam niya na naman na, at the end of the day, siya pa rin ang boyfriend ko.

“Sa lahat ba naman ng pinagdaanan namin, ‘di ba?

“I mean, we have a strong level of commitment because of everything that we’ve been through.

“After everything that we’ve been through, even before and after we became officially a couple, talagang nakatulong iyon sa pagpapatibay ng relationship namin.

“Even after all of that, marunong na kaming panindigan yung relationship at ipaglaban yung relationship.

“So, it will take a lot for us to crumble.”

HANDLING INTRIGUES. Paano nila hina-handle ni Billy ang mga intriga at paninira sa relationship nila?

Ayon kay Coleen, “Well, iniisip na lang namin…

“Actually, you know what, process yun, e, and once you get to that, kapag na-master mo yung art of shutting everybody out when it comes to your relationship…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not when it comes to your life, kasi you need people in your life, you need people to give you opinions, you need critics.

“But when it comes to your relationship, you really need to shut everybody out.

“And when you master that art of shutting everybody out, parang hindi ka na babalik sa duda, hindi ka na babalik sa malulungkot ka sa mga naririnig mo.

“So, once nakarating ka na sa point na iyon, hindi ka na babalik doon.

“And nakarating na kami sa point na iniisip namin na lahat ng nangyayari outside the relationship shouldn’t affect what’s within the relationship, which is me and him only.

“Kasi bakit ako magagalit ako sa kanya, bakit ko siya aawayin sa sinasabi ng ibang tao, ‘di ba?”

Paano niya ide-describe ang relationship nila ngayon?

Saad ni Coleen, “Very strong, very happy, and very totoo for me.

“I feel like it’s so genuine, it’s so effortless.

“But, at the same time, we still try our best to be the best for each other.”

Confident din si Coleen na magtatagal ang relasyon nila.

“I know it’s gonna last.”

SUPPORTIVE BOYFRIEND. Sa tingin ba ni Coleen ay magiging hadlang sa pag-grow niya as an actress ang pagkakaroon ng boyfriend dahil baka may mga restriction sa tatanggapin niyang roles?

Sagot niya, “Not at all.

“Alam mo, hadlang iyon kung meron kang boyfriend na hindi supportive sa iyo.

“Sobrang laking hadlang nun, alam ko yung feeling na iyon.

“Ako kasi, pinagdaanan ko nang bongga iyon, as in grabe!”

Ngunit ayaw nang pangalanan ni Coleen kung sinong past boyfriend niya ang hindi naging supportive sa kanya.

Kaya naman masaya si Coleen dahil ibang-iba raw si Billy sa ex-boyfriend niya.

“So, now, nagpapasalamat talaga ako because Billy is the exact opposite.

“But at the same time, he shows to me that he cares.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman niya ipinapakita na, ‘A, bahala ka sa buhay mo,’ hindi ganun.

“Parang, ‘I’m here for you. I support you.’

“Kasi alam niya na yung taping, sobrang hirap nun.

“First of all, it’s a waiting game.

“Minsan nakakauwi na ako ng 8 A.M., tapos pupunta ako ng Showtime and everything. That in itself is very hard.

“The fact na mayroon ka pang relationship that you have to care of, kailangan mong alagaan ang relationship, you now, I’m very thankful because he’s considerate enough to actually think na ayaw na niyang dumagdag doon.

“Yung iniintindi niya na lang ako na, on my own, nahihirapan na ako sa aspetong iyon ng buhay ko, kasi siyempre napupuno yung schedule.

“Tapos may mga scene din na very challenging, na ako mismo nahihirapan.

“So, instead of adding on to it, he supports me.

“At saka he’s there for me, kunwari tatawagan ko siya, ‘Love, I’m having a hard time with this and that,’ parang nandiyan siya for encouragement, instead of having some kind of resentment towards me for accepting this project.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN