Vin Abrenica admits to being intimidated by girlfriend Sophie Albert being a Cojuangco

Vin Abrenica on older brother Aljur, "Tahimik yun, tahimik si Kuya. At yung kapag may lumabas sa bibig niya kasi, automatically, nakukuha naming lahat. Ganun kami sa family, ang tingin namin sa kanya."


Girlfriend ni Vin Abrenica ang kapwa niya winner sa Artista Academy, ang artista search ng TV5, na si Sophie Albert.

Hindi ba siya intimidated na ang girlfriend niya ay galing sa mayaman at kilalang angkan ng mga Cojuangco?

Ang ina ng ama o paternal grandmother ni Sophie ay kapatid ni yumaong President Corazon Aquino.

Kaya lumalabas na si Sophie ay pamangkin ni Pangulong Noynoy Aquino at ng Queen of All Media na si Kris Aquino; pati na ng dating athlete-actress na Mikee Cojuangco.

Sabi ni Vin sa pagiging Cojuangco ng kasintahan, “Intimidated ako ever since, since we started.

“Kasi head over heels naman talaga ako sa kanya…

"Nung nalaman ko yun, na-shock lang talaga ako.

“At first, hindi namin alam yun for a long time, kalagitnaan na lang or hinintay niya actually matapos yung Artista Academy.

“After namin sa Artista Academy, hindi pa naging kami, after Never Say Goodbye, hindi pa naging kami.

“Matagal muna kaming naging mag-best friend bago ko siya niligawan, sobrang tagal.”

Kahit nalaman niyang Cojuangco si Sophie, at kahit nga na-intimidate ay nanligaw si Vin sa dalaga.

Sa dalas ng pagsasama nila at sa closeness nila bilang magkaibigan ay masasabing na-develop sila ni Sophie sa isa’t isa.

Saad ni Vin, “Naano kasi kami... isipin mo, araw-araw kaming magkasama sa Artista Academy.

“After that, pagkapanalo namin, nagkaroon agad kami ng teleserye na Never Say Goodbye.

“Every day na naman kaming magkasama, sobrang every day.

“After nun, nung bakasyon na yun na nagkaroon ako ng trabaho, mawawala ako for two weeks.

“Kasi malaki sa amin yun, ang malaki lang na hiwalayan namin was yung Christmas break nun.

“Every day nasanay kami ng more than a year magkasama kami, ‘tapos bigla akong mawawala ng three weeks.

“Nung ginawa ko yung Misibis Bay, wala ako ng tatlong linggo.

“Ganun ako katagal nawala at dun namin na-appreciate yung isa’t isa lalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At pagbalik ko, dun ko na siya niligawan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin sa presscon ng Wattpad Presents How To Break Up With A Bad Boy noong Huwebes, May 21.


TO THE ALTAR. Si Sophie na ba ang nais mapangasawa ni Vin?

Sagot niya, “Ako kasi, kung sino minamahal ko, ibinubuhos ko lahat.

"At ang sagot sa tanong mo, yes!”

Twenty-two years old ngayon si Vin. Ano ang ideal marrying age niya?

“Nung bata ako, hindi ko alam na magiging artista ako, ang ideal age ko na magpakasal is twenty-three, twenty-four.

“Iyon ang dati. Pero ngayon, kung kailan ako magiging at my best.

“Financially, understanding and, at heart, kung kailan ako ready, and my soul, too!”

Sa ngayon daw ay hindi pa siya handa. Kailan sa palagay niya siya magiging handa?

Ayon kay Vin, “Hindi ko alam, e, pero I’ll give it five years.

“Siyempre andun na tayo sa edad na yun, ako nagse-set na ako actually.

“Actually, last year pa ako nag-start na ibi-build ko na, ire-ready ko na yung sarili ko.

“Mabilis lang yung five years, parang isang kontrata lang yun.

“Nire-ready ko na actually last year pa.”


KUYA ALJUR. Tinanong ng PEP si Vin kung ano ang malaking kaibahan nila ng kuya niyang si Aljur Abrenica.

Tugon niya, “Siguro maybe I talk too much.

"Tahimik yun, tahimik si Kuya.

“At yung kapag may lumabas sa bibig niya kasi, automatically, nakukuha naming lahat.

“Ganun kami sa family, ang tingin namin sa kanya.

“Bihira lang siyang magsalita, pero pag nagsalita siya, buo na may ibig sabihin, at kuha namin.”

Ang pagkakapareho nila ni Aljur?

“Kung paano kami magmahal sa pamilya namin.

“Kung gaano niya kami kamahal, ganun ko din sila kamahal.”

BETTER BREAK. May mga nagtataka kung bakit kahit si Vin ang male winner sa Artista Academy, tila mas nabibigyan ng magagandang breaks ang runner-up niyang si Mark Neumann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Vin tungkol dito, “Ako, sinasabi ko sa kanila, huwag na.

"May mga tao din kasi na affected and, of course, I am also.

“Sila nga affected, ako pa? So, ako kasi, nagpapasalamat nga ako.

“Iniiisip ko, sila sinasabi nila, ‘Bakit hindi ka bothered that much kasi kami sobrang bothered kami?’

“Ako kasi, I believe in what I can do, e.

"Sinasabi ko sa kanila, ‘Huwag na kayo. If iyon yung hindi napunta sa akin, there’s a reason for that.’

“May dahilan, and I’m sure na si God, mas maganda pa yung plano Niya for me.

“Ako, ang focus ko actually is work and love... ang focus ko is life.

“Totoo, yung role ko dito sa Wattpad, happy-go-lucky lang ako, pero before I decide, I think talaga, a lot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN