Ellen Adarna reveals split with Gwen Zamora’s ex before she even admitted the relationship

Ellen Adarna on being a sexy actress: “Whatever is required, you should be able to deliver. It’s not just kaya mong magpa-sexy, yun lang ang kaya mong gawin."


Nasorpresa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media nang aminin ni Ellen Adarna na break na sila ni Raymund Romualdez.

Si Raymund ay dating boyfriend ng matalik na kaibigan ni Ellen na si Gwen Zamora, at sinasabing dahilan kung bakit nasira ang kanilang friendship.

Sa press conference ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Pasion de Amor noong Biyernes, May 22, ay tinanong si Ellen kung aaminin na ba niya ang relasyon nila ni Raymund.

Ngunit hindi pa man niya naaamin na nagkaroon nga sila ng relasyon, sinabi ng Kapamilya star na tapos na ang anumang namagitan sa kanila may isang linggo na ang nakararaan.

“Yes, and I’d rather not talk about it,” pag-iwas agad ni Ellen sa isyu.

Gaano katagal ang naging relasyon nila?

“A, malabo, malabo... let’s just say na malabo yung relationship and we’re better off as friends.

“Pero let’s not talk about it na,” pakiusap niya muli.

Nilinaw ng PEP kay Ellen kung hindi ba parang naging rebound ang relasyon nila ni Raymund dahil pareho silang nanggaling sa breakup noon.

Sagot niya, “Hindi naman, we’re still very good friends.

“Kasi, when we’re together, we’re always fighting.

"But we’re still friends, we still talk.

“We’re actually neighbors, so there’s no reason for us to fight.”

Kumusta naman sila ngayon ni Gwen?

“Okey naman, we’re still friends, but I don’t see her that much.”

Walang nabago sa friendship nila ni Gwen?

“I’d rather not talk about it also!” natawang sagot ni Ellen.


DELIVERING THE ROLE. Sa kabilang banda, sa Pasion de Amor ay kasama ni Ellen sina Arci Muñoz at Coleen Garcia, na gumaganap bilang mga kapatid niya.

Leading men nila rito sina Jake Cuenca, Joseph Marco, at Ejay Falcon na gumaganap din bilang magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa cast ay inaasahan na si Ellen ang magpu-provide ng sensuality.

Pero aniya, “Hindi naman, kasi iba-iba ang story namin, e.

“But sa amin ni Ejay, kami yung mas passionate, mas intense ang eksena namin, kasi kami yung naglalaruan.

“Bale we started as like playmates. At first, walang love.”

Kinakausap ba siya nina Arci at Coleen tungkol sa paggawa ng sexy scenes?

Sagot ni Ellen, “Hindi naman, kasi as an artist, you should be able to do anything.

“Whatever is required, you should be able to deliver.

“It’s not just kaya mong magpa-sexy, yun lang ang kaya mong gawin.

“I mean, artista ka, e. Kailangan mong gawin kung ano ang kailangan mong gawin.”


ANYTHING’S POSSIBLE. Nakikita naman daw ni Ellen na may chemistry sila ni Ejay.

“Actually, kami ni Ejay, palagi kaming nag-aasaran!” natawa niyang sabi.

Wala naman daw imposible kung sakaling mauwi offscreen ang onscreen tandem nila ni Ejay.

“Anything is possible, pero hindi ko pa iniisip.

“I mean, ini-enjoy ko pa ang pagiging single ko.

“Last time I was single, I was 18, and it’s been ten years... almost magti-thirty na ako.

“I think, this is the time that I have to focus on myself and be free.”

Sa palagay niya, matatagalan siyang single ngayon?

“Yes,” mabilis na sagot ni Ellen.

“Dahil may trabaho naman ako and happy naman ako with my friends.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN