Jake Cuenca admits to walking out on Gandang Gabi Vice taping

Jake Cuenca says he just tried to be a gentleman to his ex-girlfriend, that is why he walked out on the set of Gandang Gabi Vice. Jake’s ex, Chanel Olive Thomas, was part of the audience when the said incident occurred.


Inamin ni Jake Cuenca na nag-walkout siya nang mag-guest siya sa taping ng Gandang Gabi Vice kamakailan, at idinetalye niya ang dahilan sa likod ng nasabing pagwu-walkout.

“Nagulat ako. Siyempre bago tinawag ang mga pangalan namin, pagsilip ko sa pintuan, nakita ko yung ex ko.

"Nandoon kasi lahat ng candidates ng Miss Earth.

“I just didn’t want to put my ex-girlfriend in that situation.

“Hindi sa hindi ko kaya [na nandoon ang ex-girlfriend ko],” sabi ni Jake sa ulat na lumabas sa ABS-CBN News Online nitong May 25, Lunes.

Ang tinutukoy ni Jake na ex-girlfriend niya ay si Chanel Olive Thomas, isang Filipina-Australian na kabilang sa 41 candidates ng Miss Philippines-Earth 2015.

May bago nang girlfriend si Jake sa katauhan ng modelong si Sara Grace Kelley.

Depensa pa ni Jake sa kanyang pagwu-walkout, “Naging gentleman lang ako na ayaw ko ilagay sa alanganin yung tao, lalo na moment niya ngayon na mag-Miss Earth.”

Naunawaan naman daw ng host ng programa na si Vice Ganda kung bakit nag-walkout si Jake.

Saad ni Jake, “Nag-apologize ako kay Vice.

"Wala namang harm done kasi alam niya kung bakit ko ginawa yun.

"At the end of the day, nakatulog ako nang maayos, kasi I did what a gentleman should have done in that situation.

“Hindi ko naman sila puwede paalisin.

"Paano ko ipu-promote nang maayos sa capability ko na nagulat ako na nandoon yung ex ko?

"Paano ko mapu-promote yung show ko?" pahayag ng Pasion de Amor actor.

Diin pa ni Jake, ginawa lang niya kung ano ang sa tingin niya ay tama at pagpapakita ito ng respeto sa kanyang dating girlfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN