Jake Cuenca on relationship with girlfriend Sara Grace Kelly: “Sinasabi ng puso ko na iba ‘to…”

Jake Cuenca on backing out from his guesting on Gandang Gabi Vice after seeing ex-girlfriend Chanel Olive Thomas in the audience: "Ginawa ko lang ang tama para sa isang lalaking may prinsipyo at dignidad. At nandoon pa rin ang respeto ko sa ex-girlfriend ko na hindi siya ilagay sa alanganin. For me, I just did what a gentleman should have done and, at the end of the day, you get to sleep at night."


Hindi lamang sa pag-arte passionate ang aktor na si Jake Cuenca kundi maging sa pag-ibig.

Sa Instagram posts nga ni Jake ay kita kung gaano siya ka-passionate, katulad na lamang ng mga kuha nila ng kasalukuyang girlfriend niya na si Sara Grace Kelly, isang American international model.

Kumusta na ang relasyon nila?

“Super-saya!” sambit ng Kapamilya actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng bagong ABS-CBN series na Pasion de Amor noong May 22.

Dagdag niya, “I mean, masayang-masaya ako sa relationship ko ngayon.

“For me, parang I consider myself to be the luckiest guy having my girlfriend... Her name is Sara.

“Pero nakakalungkot lang naman na nawala siya, pero sabi nga nila, parang for me, if you want something, you work for it.

“Para sa akin, tinatrabaho ko rin ang panahon na magkasama kami.”

Based sa U.S. ang girlfriend ni Jake kaya long-distance relationship na matatawag ang kanilang set-up ngayon.

Ayon sa 27-year-old actor, “Willing din naman siyang bumalik dito, so salitan kaming dalawa.

“She’s a worldwide model, she’s a model around the world.

“So, baka bumalik siya end of June.

“After ng show [Pasion de Amor], ako naman ang pupunta dun… give and take.”


IS SHE THE ONE? Marami na ring pinagdaanang relasyon si Jake. Pero sa palagay ba niya ay si Sara na ang babae para sa kanya?

Mabilis niyang sagot, “Parang sa palagay ko, yun na ang nararamdaman ko.”

Ano ang meron kay Sara Grace Kelly para masabi niya yun?

“Iba, iba… masasabi kong sobrang noong una ko siyang nakilala, hindi niya alam na artista ako.

“Alam niyo yung parang uuwi ako ng bahay at ang una naming pag-uusapan, trabaho.

“At nakaka-relax yun. It’s good, it’s refreshing.

“Especially in showbiz, ibinibigay mo ang buong buhay mo sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakapanibago na kapag umuwi ka, kasama mo yung taong mahal mo.

“Sinasabi ng puso ko na iba ‘to…”

Ibig sabihin ba nito ay hindi “iba” ang mga nakaraang niyang nakarelasyon?

Paliwanag ni Jake, “This time kasi, may willingness.

“Hindi madali ang long-distance relationship, pero this time, nagtitiwala ka kung ano ang meron sa inyo.

“Ibig sabihin, iba yun.”

Mahirap at kadalasan ay hindi nagtatagal ang long-distance relationships.

Pero sabi ni Jake, “Hindi naman siya mahirap, kaya ko naman.”

JAKE’S EX-GIRLFRIEND. Ang ex-girlfriend naman ni Jake na si Chanel Olive Thomas ay isa sa mga kandidata sa Miss Earth-Philippines 2015.

Ano ang masasabi niya rito?

“That’s good, that’s good,” nakangiting sagot ni Jake.

“I think it’s good that she’s finding her own identity and, I think, she really wants to be a beauty queen.

“Para sa akin, that’s good for her.

“Well, bago kami maghiwalay, nasabi niya sa akin yun.

“I wish her all the best.”

Muntik nang magkrus muli ang landas nina Jake at Chanel sa studio ng ABS-CBN.

Dapat ay maggi-guest si Jake sa programa ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice, kasama ang co-stars niya sa Pasion de Amor na sina Joseph Marco at Ejay Falcon.

Pero nag-backout siya nang makita niyang nasa audience si Chanel, kasama ang iba pang mga kandidata ng Miss Earth-Philippines 2015.

Lahad ni Jake, “Nagulat ako, nagulat ako…

“Siyempre, bago tawagin ang mga pangalan namin, pagsilip ko sa pintuan, nakita na nandoon kasi ang mga candidates ng Miss Earth.

“And I don’t wanna put my ex-girlfriend in that situation.

“Hindi nila naiintindihan yun, kasi hindi sila artista.”

Hindi niya kayang makita o makasabay ang ex-girlfriend niya sa isang show?

“Hindi sa hindi ko kaya...

"For me, naging gentleman lang ako na huwag ilagay sa alanganin yung tao, lalo na at moment niya ngayon na mag-Miss Earth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, for me… nag-apologize ako kay Vice.

“Wala namang harm done kasi naintindihan naman niya kung bakit ko ginawa yun.

“And, at the end of the day, nakatulog ako nang maayos, kasi I did what a gentleman should have done in that situation.

“Kasi, hindi ko naman sila puwedeng paalisin or hindi naman puwedeng…

“Paano ko ipu-promote nang maayos ang capabilities ko?

“Nagulat ako nang makita ko na nandoon ang ex ko.”

Na-appreciate kaya ni Chanel ang naging desisyon niyang huwag na lang tumuloy sa guesting niya kahit na nandoon na siya?

Sagot ni Jake, “Hindi ko alam kasi hindi naman kami nagkakausap.

“But I hope na kung malaman man niya, well, it doesn’t really…

“Kung na-appreciate niya, okey. Kung hindi niya man na-appreciate, okey lang.

“Basta ang para sa akin lang, ginawa ko lang ang tama para sa isang lalaking may prinsipyo at dignidad.

“At nandoon pa rin ang respeto ko sa ex-girlfriend ko na hindi siya ilagay sa alanganin.

“For me, I just did what a gentleman should have done and, at the end of the day, you get to sleep at night.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN