Mich Liggayu wants to put a stop to issue with Jam Sebastian’s mother

Mich Liggayu on negative issues hurled against her: “Siguro hayaan ko na lang po. Kasi ako naman po, wala naman akong ginagawang mali. Wala naman akong inaapakang tao. Hahayaan ko na lang po siguro ang mga pangyayari na ma-prove na wala naman akong maling ginagawa.”


Nilinaw ni Mich Liggayu na bago pa man pumanaw ang kanyang boyfriend na si Jam Sebastian ay plano na talaga niyang pumasok sa showbiz.

Saad niya, “Mga two years ago pa po. Before po, bumibisita na kami ni Jam…

“Pero nalaman nga po namin na may condition na siya noon, hindi po ako nakapag-focus sa sarili ko noon.

“Lahat po talaga ng time ko noon, ibinigay ko kay Jam.

“Talagang lately lang po noong medyo nadi-depress na po ako, naghanap po talaga ako ng way.

“Kaya doon na lang po ako nag-focus, sa career po.”

Bilang girlfriend, saang sitwasyon mas nahirapan si Mich: noong nakikita niyang naghihirap si Jam o ngayong wala na ang kanyang boyfriend?

Sabi ng baguhang artista, “Magkaiba po, e.

“Noong nakikita kong nahihirapan po siya, nahe-hurt po ako.

“Pero ngayong alam ko po na at peace na siya, medyo mas magaan nang konti ngayon.

“Pero every day, may part pa rin na kulang talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Mich sa presscon ng Wattpad Presents: How To Break Up With A Bad Boy ng TV5 noong May 21.

ISSUE WITH JAM’S MOTHER. Sa presscon proper ay halatang iwas na pag-usapan ni Mich ang nababalitang alitan nila ng ina ni Jam na si Maricar Sebastian.

Pero kumusta na sila ngayon?

Sagot ni Mich, “Kami po nila Yexel [Sebastian, kuya ni Jam], okey po kami.

“Pati yung ibang friends, nakakausap ko po.

“Si Tita Maricar lang po ang hindi namin nakakausap.

“Pero before po, nagri-reach out talaga kami.”

Sinong “kami” ang tinutukoy niya?

“Yung parents ko po, kasi kasama ko palagi. Nagri-reach out po kami.

“Kasi, noong libing po ni Jam, nag-dinner po kami.

“And then, the following day po, doon kami nagulat, kasi doon na siya parang naghi-hysterical.

“Nagulat kami kung bakit siya nagalit, e, hindi pa naman po niya kami kinakausap sa kahit saan, tapos bigla po siyang magagalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very willing naman po ako na makipag-usap sa kanila.”

Ang lumalabas na dahilan ng alitan nila ni Mrs. Sebastian ay usaping pera.

“Yes po,” pagsang-ayon naman ni Mich.

Nandiyang pinalitan daw kasi ni Mich ang password ng YouTube channel nila ni Jam, kung saan pumapasok ang income para sa videos nila.

Paglilinaw naman ng dalaga, “Ni-log out ko lang po sa phone ni Jam.

“Kasi yung phone po ni Jam, nasa brother niya po.

“Ni-log out ko lang po, kasi po account po namin yun.

“Parang ano pa po ang purpose… at saka iniiwasan ko lang din po na baka ma-hack.

“Kasi, napakabilis pong mag-hack sa generation ngayon.”

Ano ang plano niya sa YouTube channel nila ni Jam?

“Iki-keep ko pa rin po siya.

“Hindi ko po siya idi-delete dahil siyempre naging part na po yun.

“Siyempre, parang respeto na rin po kay Jam.

“Kapag dinilete ko po siya, parang binalewala na rin natin siya.

“Ang gagawin ko po ngayon, gagawa na lang ako ng sarili ko.

“Iko-continue ko pa rin po ang paggawa ng music video.

“Pero kung before, gumagawa kami for fun lang, ngayon, gusto ko, every time na gagawa ako, may lesson po.”

Dahil kumikita pa rin ang YouTube videos nila ni Jam, saan mapupunta ang bahagi ni Jam dito?

Ayon kay Mich, “Iko-consult ko muna po sa lawyer ko ‘yan para legal ang lahat.”

Ano ang reaksiyon niya sa balitang may commercial na raw ang ina ni Jam?

Nakangiting sabi ni Mich, “Hindi ko nga po alam.

“Pero ‘eto po, walang halong kaplastikan, I’m very happy for her kung yun po ang gusto niya.

“Kung saan po siya masaya.”

DEFENDING HERSELF. Paano idedepensa ni Mich ang kanyang sarili sa mga negatibong impresiyon sa kanya ng netizens?

Sagot niya, “Siguro hayaan ko na lang po.

“Kasi ako naman po, wala naman akong ginagawang mali. Wala naman akong inaapakang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hahayaan ko na lang po siguro ang mga pangyayari na ma-prove na wala naman akong maling ginagawa.”

Nasasaktan ba siya kapag sinasabing ginagamit niya masyado si Jam?

“Opo, kasi hindi naman po talaga yun ang intensiyon ko.

“At saka, hindi po natatahimik…

“Gusto ko na po sanang matahimik si Jam. Ayokong ma-include pa ang name niya sa mga gulo.

“Nasasaktan po ako kapag may mga ganun, pero ipinagdarasal ko na lang po.”

Ano ang reaksiyon niya sa paratang sa kanya ng ilan na pera lang ang habol niya at gusto lang niyang sumikat?

“Sobrang hindi po totoo yun,” diin ni Mich.

“Kasi, kung titingnan niyo po actually sa Facebook ni Jam, siya mismo ang nagsasabi at mararamdaman niyo po ang sincerity niya kung gaano po ako magbigay ng love sa kanya.

“And, ever since po talaga, hands-off po ako sa pera.

“At kapag kunwari may mga projects po kami ni Jam, si Jam po yung pinagha-handle ko ng financial na part.

“Kasi, kapag pera po talaga, ayoko po talaga na sa akin yun.”

Ayon kay Mich, dumadalaw pa rin siya sa puntod ni Jam pero hindi pa sila nagkakasabay ng pamilya nito.

“Nakakalungkot lang kasi, kapag kunwari po, magbibigay ako ng flowers, naririnig ko na lang, ikinukuwento sa akin ng parents ko na pinapaalis daw po.

“Nakakalungkot lang, pero ipinagdarasal ko pa rin at palagi silang part ng prayer ko na sana, maging okey sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN