Ellen Adarna on easily moving on after a breakup: “Kasi confident naman ako na I will still find love.”

Ellen Adarna on falling in love again: “Actually, ngayon wala akong ganang mag-isip about guys. Sa totoo lang, wala akong gana, parang whatever. So, ano if it comes, it comes, ganun. It will find me.”


Aminado si Ellen Adarna na single siya ngayon at kabe-break lang nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Raymund Romualdez.

Kaya naman tinutukso sila ni Ejay Falcon, ang kapareha niya sa upcoming primetime teleserye ng ABS-CBN na Pasion de Amor. Lalo na nga’t open pa si Ejay sa pagsasabing attracted siya kay Ellen.

Kaya naman agad tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ellen kung sa tingin niya ba ay boyfriend material si Ejay.

Sagot niya, “Yeah, boyfriend material siya, kasi he is very responsible and he takes care of his family.

“He works hard, he’s a gentleman, napakabait. Natitiis niya ako kahit maldita ako sa kanya.

“The fact na natitiis niya ako, I think, yeah, masuwerte siguro ang magiging girlfriend niya,” sabi ni Ellen.

Nakausap ng PEP si Ellen sa presscon ng Pasion de Amor noong May 22 sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Nilinaw naman ni Ellen ang inamin nila ni Ejay sa presscon na pag-bully nila sa isa’t isa.

“Ano lang iyon, kulit-kulitan lang iyon. That’s how I…”

Yun ba ang lambingan nila sa set?

“Oo, ganun lang. Hindi naman siya away.

“Asar-asaran lang iyon para maging magaan din.

“Hindi naman puwedeng magiging serious palagi, ‘di ba?”

Kung sakaling totohanin ni Ejay ang panliligaw sa kanya, sasagutin ba niya ang aktor?

Tugon ni Ellen, “Focus na lang muna kami sa work, ‘di ba?

“Kasi nga, ‘di ba, ang sabi nila, pag may lovelife ka, hindi masyadong ano [maganda] yung career mo.

“Baka pagkatapos ng soap, baka magkaka-develop-an, baka!”

BONDING WITH CO-ACTORS. Hindi lang daw si Ejay ang naging ka-close ni Ellen sa cast ng Pasion de Amor.

Naging kaibigan niya raw ang iba pa nilang co-actors na sina Coleen Garcia, Arci Muñoz, Joseph Marco, at Jake Cuenca.

Sa katunayan, nakakapag-bonding daw sila kahit wala sa trabaho o sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, nakakalabas kami. Minsan nag-o-O-Bar [dance club] kami, nagba-bonding kami.

“Lumalabas kami as a group, even yung staff and crew. Masaya kaming lahat.

“Yung stylists namin, nag-aano kami… nag-a-aura-aura lang kami!” sabay tawa ni Ellen.

Malaking tulong daw ang paglabas-labas nila para mas maging comfortable sa isa’t isa.

“Oo, para mag-bond and then, sa set, magaan kaming lahat.

“Kasi mahirap, e, magdamag kayong magte-taping, minsan pagod.

“So, okay na rin iyan, parang they’re like family na to me.”

Wala rin daw paistaran o paseksihan na nangyayari lalo na sa kanilang tatlong aktres.

Sabi ni Ellen, “Secure kami sa sarili namin and walang ganun [paistaran].

“Minsan nga, ‘Coleen, ano ba, nakakainis ka na, tigil-tigilan mo na iyong abs mo, ha!’

“Ganun lang, biruan lang.

“At saka we also… ini-encourage namin yung sarili namin, I mean we don’t bring each other down.”

BIDA VS. KONTRABIDA. Nasubukan na ni Ellen na gumanap bilang bida at kontrabida. Saan siya mas nag-e-enjoy?

Aniya, “Masarap mang-away ng tao [bilang kontrabida].

“Actually, na-compare ko iyon, e, noong Moon of Desire [kung saan kontrabida siya ni Meg Imperial], when I was still with my ex-boyfriend.

"Siyempre pagod ka na, pagod ka tapos kontrabida ka, so lahat ng negative energy mo, nabubuhos mo sa eksena.

“Pagdating mo ng bahay, mabait ka na, hindi ka na nang-aaway, kasi pagod na pagod ka na sa pang-aaway.

“Eto naman yung failed relationship ko ngayon, ang bait ko dito [Pasion de Amor].

“Siya [Raymund] yung inaaway ko sa bahay, kaya away kami nang away!

"Hiwalay na kami, yun na lang yun.”

EASY TO MOVE ON. Parang ang bilis niyang maka-move on?

“Kasi confident naman ako na I will still find love,” sagot ni Ellen.

Pero siya ba yung tipong iniiyakan pa rin niya ang isang failed relationship?

“My last, the latest, iniyakan ko every corner in Cebu nung umuwi ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero iniyakan ko iyon ng two days lang.

“After two days, naging okay na ako, smile na ulit, confident na ako ulit.”

Kahit saglit lang tumagal ang relationship nila, iniyakan pa rin niya?

“Oo, of course nag-invest din ako ng feelings.

“Hindi naman yun joke, e, I mean, minahal ko rin siya.”

Lahat naman daw ng naging relasyon niya ay winish niyang tumagal.

“Oo, yes. Although we’re still good friends, we’re neighbors.

“Naghiwalay kami because we were better off as friends.

“But it’s not a bad breakup at all.

“We still talk because we have the same group of friends.”

Sa ngayon ba naghahanap siya ng bagong pag-ibig?

Sagot ni Ellen, “Actually, ngayon wala akong ganang mag-isip about guys.

“Sa totoo lang, wala akong gana, parang whatever.

“So, ano if it comes, it comes, ganun. It will find me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN