Martin Escudero open to reconciliation with former manager Popoy Caritativo

Matapos ang halos dalawang taon, bukas na raw ang TV5 star na si Martin Escudero na makipag-ayos sa dati niyang manager na si Popoy Caritativo. Sabi pa niya, “At saka wala namang dapat ihingi ng tawad dahil wala namang away o pang-iisa na nangyari. Ano lang talaga, siguro yung sama ng loob na hindi matanggap na nagkanya-kanyang daan na kami.”


Wala na raw hinanakit o poot sa puso ni Martin Escudero laban sa dati niyang talent manager na si Popoy Caritativo.

“Sa totoo lang, hindi na kami nagkita,” sabi ng 25-year-old actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Wattpad Presents: How To Break Up With A Bad Boy noong Huwebes, May 21.

May sama pa ba siya ng loob sa dating manager?

Tugon ni Martin, “Hindi. Alam mo, kilala mo naman ako, mapagmahal ako.

"Ayoko nung may kasamaan ng loob, may kaaway.

"Ayoko yung liliit ang mundo ko kasi. Sa akin, wala na yun.

"Alam mo, nag-work tayo sa isa’t isa ng ilang taon, okay na yun.

"Malay mo, sa future, baka maging siya pa rin ang manager ko... maraming puwedeng mangyari."

Dalawang taon na ang nakalilipas nang kumalas si Martin mula sa pangangalaga ni Popoy pagkatapos ng pitong taon nitong pagiging talento sa ilalim ng Luminary Talent Management.

Read: PEP EXCLUSIVE Martin Escudero finally speaks out about dropping Popoy Caritativo as manager; Popoy's camp responds to Martin's allegations


NO INTIMATE RELATIONSHIP. Usap-usapan noon pa man na diumano'y may relasyon ang dalawa at nauwi raw sa matinding away kaya kumalas si Martin kay Popoy.

Hindi pa ito tuwirang nasagot ni Martin kaya naglakas-loob ang PEP na usisain siya tungkol dito.

Medyo nagulat ngunit nakangiting sagot ng 25-year-old actor, “Ha?!

“May relasyon kami bilang manager and talent... Hindi.

“Ang masasabi ko lang kay Popoy bilang manager ay napaka-professional niya.

“Wala, wala, wala.... sa aming dalawa, walang ganung namagitan.”

So, hindi malayong magkapatawaran silang dalawa?

Sagot ni Martin, “Siyempre hangga’t maaari ay gusto nating maayos para kapag magkita man kami one day, maluwag sa kalooban namin na magbabatian kami.

“At saka wala namang dapat ihingi ng tawad dahil wala namang away o pang-iisa na nangyari.

"Ano lang talaga, siguro yung sama ng loob na hindi matanggap na nagkanya-kanyang daan na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre emosyunal, yun lang naman talaga.”


ACTIVE SEX LIFE. Sa kabilang banda, kahit hindi masyadong visible ngayon sa telebisyon, may dalawang upcoming comedy shows si Martin sa TV5—ang Tanod at Ang Boyfriend Kong Nosebleed.

Nag-aaral din siya ngayon ng kursong Hotel and Restaurant Management sa STI Alabang. Nasa second year college na raw siya ngayon.

Ayon kay Martin, "Bukod sa in demand ang HRM ngayon, yun lang yung course na kahit saan magagamit mo.

"Sa tingin ko, magagamit ko talaga siya pagdating ng araw."

Pagdating naman sa kanyang lovelife, ayon kay Martin ay hanggang pakikipag-date lang muna siya ngayon.

Pero inamin ng aktor na aktibo pa rin ang kanyang sex life.

“Okay na okay!

"Ikaw rin ang sumabog sa tanong mo, hindi mo kinaya?" natatawang sabi niya sa amin.

Ngunit seryosong dugtong ni Martin, “Sa edad natin ngayon, lumalakas na ang prostate cancer, alam mo ‘yan, kaya kailangan nating i-exercise, pangalagaan ang pagkatao at pangangatawan natin.

“With partners? Oo naman.

"Siyempre sa edad natin, sawa na rin tayo sa maryang-palad, pero normal at likas sa lalaki na ginagawa yun.

“Gusto mo may bago naman, hindi bagong partner na ganun, yung ibang experience naman.”

Kailan ang huli niyang pakikipagtalik?

“Weeks? Months... hindi ko binibilang, e.

"Pero kailangan maging active kahit once a month or twice a month.

“Para sa kalusugan 'yan, required din ng mga doctor din naman..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN