Neri Naig pregnant with first child with husband Chito Miranda

Neri Naig is more or less one-month pregnant based on the pregnancy test that her husband Chito Miranda showed via Instagram today, May 27.


Kumpirmadong buntis si Neri Naig, 29, sa unang anak nila ng mister niyang si Chito Miranda, 39.

Ito ay makalipas lamang ng limang buwan mula nang maikasal ang dalawa sa isang civil wedding ceremony sa Taguig City noong December 2014.

Si Chito ang unang nag-anunsiyo tungkol sa pagdadalantao ng kanyang misis sa pamamagitan ng pagbahagi ng larawan ng pregnancy test result nito.

Dito ay makikitang “two to three” weeks pregnant na si Neri, base sa ginamit nitong pregnancy test na mayroong "weeks estimator."

Sabi pa ni Chito sa caption ng naturang IG photo: “Taken 2 weeks ago. #babyMiranda”

Taken 2 weeks ago.😁👍🏼 #babyMiranda

A photo posted by Chito Miranda (@chitomirandajr) onMay 26, 2015 at 11:42pm PDT

Pagkalipas lamang ng isang minuto ay si Neri naman ang nag-post sa sarili niyang Instagram account ng larawan ng kanyang pregnancy ultrasound result.

Kalakip nito ang isang simpleng caption na nagsasabing: “Hello #babyMiranda”

Hello #babyMiranda 👶

A photo posted by Neri Miranda (@little_lulu___) onMay 26, 2015 at 11:42pm PDT

Tatlong taong naging magkarelasyon sina Chito at Neri bago sila nagpakasal noong December 13.

Kinabukasan, December 14, nagsagawa sila ng isa pang garden ceremony sa Angelfields Nature Sanctuary sa Tagaytay City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN