Richard Gutierrez on marrying Sarah Lahbati and having another baby: "Tingnan natin..."

Richard Gutierrez on reconciliation between his mom and Sarah Lahbati’s mother: "We’ve been trying to patch things up. Kumbaga, ilang beses naming plinano na magkabati sila. Kung kailan hindi namin plinano, doon pa sila nagkabati. So, we’re very thankful and, you know, timing lang talaga. It was the right time, pareho na silang relax, pareho na silang naka-move on."


Natawa si Richard Gutierrez nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference para sa It Takes Gutz To Be A Gutierrez kahapon, May 26.

Sa teaser kasing ipinalabas ay tila may kasalang magaganap.

Tuloy, marami ang nag-aakalang baka ikakasal na si Richard sa girlfriend niyang si Sarah Lahbati.

Lalo na't dalawang taong gulang na ang kanilang anak na si Zion.

Pero sabi ni Richard, “Alam mo, parang nag-regret tuloy ako na yung teaser na yun, kasi parang lahat kayo, yun ang tinatanong sa akin.

“Meron ngang magaganap na kasalan sa Season 3 ng It Takes Gutz to Be A Gutierrez, pero hindi ako yun.”

Paliwanag niya, “Si Elvis [Gutierrez, his elder brother] ang ikakasal.

"Sila muna ni Alexa, because Elvis proposed to Alexa.

“And they’re getting married first and, hopefully, malalaman na rin kung ano ang mga susunod na kabanata.”

Posible kayang sila na ni Sarah ang susunod na ikakasal pagkatapos nina Elvis at Alexa?

“Tingnan natin, by that time, malalaman niyo rin,” nakangiting sagot ni Richard.

ANOTHER BABY? Maayos din daw ang pagsasama nilang dalawa ni Sarah.

Sabi ni Richard, “We’re okay, we’re very stable.

“After all the years, a lot of challenges we’ve been through, we’re communicating well right now.

“Our communication is good and, you know, Zion is really our angel and he’s really the core of our relationship.”

Nangiti naman si Richard nang tanungin ng PEP kung wala pa silang plano ni Sarah na sundan si Zion.

“Well, maraming nagsasabi... noong makasama namin si Manny Pacquiao sa L.A., sinuggest niya na sundan na raw namin si Zion dahil daw two years old na, para raw magkaroon ng kalaro.

“So, marami ang nagsasabi.”

Siya ba, gusto na rin niyang bigyan ng kapatid si Zion?

“Ako, to be honest, enjoy ako na ini-enjoy lang namin si Zion ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung may blessing na dumating na isa pang baby, I’ll be happy also.

“Pero tingnan muna natin, kailangan siguro to iron the formalities first.”


MOMMY ISSUES. Samantala, pagkatapos ng naging alitan noon ng ina ni Richard na si Annabelle Rama at ng ina ni Sarah na si Esther Lahbati, ngayon ay tila nagkaayos na ang dalawa at nakikita pang magkasama.

Sabi naman ni Richard, “Yes, finally, nasa season three rin yun [ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez] kung paano sila nagkabati.

“And we’re very thankful na nagkabati na sila.

"We’ve been trying to patch things up. Kumbaga, ilang beses naming plinano na magkabati sila.

“Kung kailan hindi namin plinano, doon pa sila nagkabati.

“So, we’re very thankful and, you know, timing lang talaga.

“It was the right time, pareho na silang relax, pareho na silang naka-move on.

"So, we’re very happy right now.”

Nagkakasama-sama na sila?

“Oo, nagkakasama na kami, and si Zion din ang susi dun.

"Zion really has a very positive effect on the whole family."

Mahalaga raw talaga sa relasyon nila ni Sarah na okey ang relasyon ng kanilang mga magulang.

Sabi ni Richard, “Yes, mahalaga talaga yun, kasi for a few months or for a year yata yun, there was a lot of tension.

“Hindi sila nagkikita, bawal silang magkita. Naghahati sila ng oras kay Zion.

“That was causing a lot of stress.

"Pero all throughout the challenges, talagang kaming dalawa si Sarah lang yung nag-stick together."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN