Steven Silva airs grievances at GMA Network; mulls quitting showbiz

Hindi na nagpigil si Steven Silva sa kanyang nararamdamang tampo sa dating home network, ang GMA, dahil sa hindi raw magandang nangyari sa kanyang career sa loob ng limang taon. Ayon kay Steven, hindi na-maximize ang kanyang talento at hindi rin daw siya nabigyan ng mga akmang proyekto para sa ikagaganda ng kanyang showbiz career.


Naglabas ng hinanakit ang actor-singer na si Steven Silva laban sa home network niyang GMA-7.

Nagtapos na ang kontrata ni Steven sa Kapuso network noong February 2015, limang taon matapos niyang manalo bilang Ultimate Male Survivor sa fifth season ng reality-based artista search na StarStruck.

Pero ngayon ay may negosasyon pa kung magre-renew siya ng kontrata rito.

Isa sa mga himutok ni Steven ay nang natanggal siya sa reformatted weekly musical-variety show na Sunday All Stars.

Pahayag niya, “Siyempre I was very sad kasi nakasama ako sa show na yun [Sunday All Stars].

"Kahit sa ano, e, nag-guest kami ni Sarah Lahbati, dun sa last episode nun na SOP.

"Hanggang sa Party Pilipinas until sa Sunday All Stars, 'andun kami.

“Then, parang pagkasabi sa akin na nawala ako sa show, parang sobrang bigla lang.

"So, medyo may konting tampo...

“Konting guesting, pero hindi tulad dati na regular ako.

"So, I was really sad. And, at the same time, sa totoo lang, I really like that show.

"Kasi yung every Sunday may performance ka, iba-iba yung ginagawa mo, ang saya lang.

“So, ako... nakakalungkot, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Steven sa presscon ng Wattpad Presents: Maid for Korean Boys ng TV5 ngayong Miyerkules ng hapon, May 27.

Ginanap ang presscon sa Max’s Restaurant sa Roces Avenue, Quezon City. Kasama rin sa cast sina Eula Caballero at Carl Guevara.

(Photo by Noel Orsal.)

SUNDAY ALL STARS. Bukod kay Steven, nawala rin sa Sunday musical-variety show ng GMA sina Jay-R, Yassi Pressman, at marami pang iba.

Hinampo pa nito, “Kasi close din ako kila Jay-R 'tsaka Yassi, [mga] ibang talents na biglang nawala.

“Si Jay-R din, e, parang sumama ang loob namin dun, kasi biglaan lang. No warning.

"Parang one day, may meeting ako sa GMA, then sinabi lang na, ‘By the way, iba ang direction ng SAS ngayon. So, after today, baka hindi ka na magiging regular.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, ‘Okay, after four years, ganun lang?’

“So ako, parang kailangan nilang tanggalin halos half ng staff ng SAS?

"Siguro mga half ng SAS ang nawala after one year.

"So, I really don’t know."

Patuloy pa ni Steven, “Ako, ang point ng SAS is to compete with ASAP, e.

"Paano kayo mag-compete sa isang show if you take out the artists there?

“Nagbawas din sila ng oras. Dati, SAS is two to three hours, ngayon halos one and a half hour lang.

"So ako, siyempre I was really sad.

"At the same time, na-confuse din ako na, ‘Anong gagawin n’yo? Anong plano n’yo?’”

Bali-balitang malapit na raw magsara ang Sunday All Stars. Ano ang masasabi ni Steven dito?

Aniya, “I don’ think so.

"Kasi ang tingin ko sa isang network, ang main staple is Sunday variety show.

"So, if ever, tulad ng dati na tatanggalin ang SAS, baka ang gagawin nila is ire-repackage.

"Kasi dati sa Party Pilipinas, ni-repackage to Sunday All Stars.

"So, parang imposible na mawala ang isang Sunday variety show sa isang network."

Papayag kaya siya if ever na kunin siya ulit sa SAS?

Sagot ni Steven, “Yes. Pero sana if ibabalik ako is more sa singing.

"Sana consistent na.

"Tsaka ayoko magiging dancer, tapos na ang dancing days ko.

"Gusto ko talaga kumanta."


GMA ARTIST CENTER. Nagtapos ang kontrata ni Steven sa GMA Artist Center noong Pebrero ng taong kasalukuyan.

Sabi pa niya, “We’re still working out ano yung renewal. So ngayon, ang status ko is freelance.”

Pero na-offer-an ba siya ng new contract? May option to renew kasi ang networks sa kanilang talents pagkatapos mapaso ang mga kontrata nila.

Tugon ng 28-year-old actor-singer, “Sa GMA, may renewal.

"Pero noong nag-meeting kami sa GMA, ang sinabi ko sa kanila, ‘I had to think about it.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka ang gusto ko, maging co-managed.

"Kasi napansin ko nung nasa Artist Center ako, medyo magulo, e.

"Hindi consistent ang pag-line up ng projects sa mga talent. Gusto ko sana pa-co-managed.

“Ang sa akin, gusto ko magkaro’n ng sense of security. So, I want to be co-managed.

"Para at least [kahit[ nasa Artist Center ako and mawala ang focus sa akin, may voice ako through my other manager."

Ang mga sentimiyento niya bang ito ang dahilan kung bakit siya nagdadalawang-isip na mag-renew ng contract sa GMA?

Sagot ni Steven, “Yes, kasi ang naisip ko nung nag-offer sila ng renewal is ayoko na ulit maulit yung nangyari sa last five years na nasa GMA ako.

“Kasi, if ever, ang ibinibigay nila sa akin is a three-year renewal.

"Siyempre sa loob ng three years na yun, I’m gonna be thirty.

“Pagkatapos ng three years renewal, I’ll be thirty-one.

"So sana, by then, mas malinaw ang direction ng career ko.

“That’s why I’m really taking my time, I’m really thinking about it.

"Sinabi ko rin sa kanila na I’m not… hindi ako katulad ng mga bagets na nineteen or twenty.

“I’m twenty-eight, I’m not young anymore.

"I think they understand naman, understanding naman ang GMA.

"I told them na I’m committed to them and I just need time."

Ano ba ang naka-stipulate dun sa panibagong kontrata kung saka-sakali?

Lahad ni Steven, “Isang concern ko kasi sa renewal, wala siyang guarantee.

"So, halimbawa lang magpirma ako, management lang, at the worst puwede akong mag-antay ulit.

"Siyempre, ayaw kong mangyari yun.

"So, it’s really the hardest thing to do."


QUITTING SHOWBIZ? Nabanggit ni Steven na gusto niyang magpa-co-manage, at nakipag-meeting na raw siya kay Audie Gemora ng Stages.

Saad niya, “Kasi, ever since sa StarStruck pa, ang gusto ko talaga ma-push is sa singing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang feeling ko kasi, sa GMA, nawala ang direction na papunta doon sa singing.

"Even sa Sunday All Stars, noong regular pa ako doon, laging pinapagawa sa akin is dancing.

"So ako, it’s kind of hard.

"Paano ko ipapakita yung singing ko if all I’m doing is dancing?"

Naghayag na rin daw ng disgusto ang mga magulang ni Steven tungkol sa takbo ng kanyang career sa GMA.

“Last month, dumating din ang parents ko from US, pinag-usapan din namin yun [contract].

"If it’s up to my mom, gusto ni Mommy umuwi ako [sa US].

"Kasi siyempre, si Mom, ang tingin niya sa GMA, parang wala silang gaano mabigay na project.

"Pag-antayin lang ako, parang hindi raw fair yung treatment.

“So, kung nasa kay Mommy ang decision, siguro babalik na ako ng States.

“Sinabi ko kay mom, ‘Sayang naman, sayang naman yung career ko.

"Parang yung pinaghirapan ko for the last five years [sayang].

"I’m here for a reason," saad ni Steven.

Naisip ba niyang sundin na lang ang gusto ng kanyang mga magulang na bumalik na ng Sacramento, California?

Aniya, “Yeah, there were times na sabi ko, ‘Anong ginagawa ko? Siguro I’ll just go home, start over again.'

“But at the same time, if I start over, parang ano yun, e, back to zero.

"Puwede ako magtrabaho ulit sa States, but hindi ako mag-enjoy.

“Nag-enjoy ako dito, nag-enjoy ako sa Philippines, and I really enjoy what I do.

"So, parang sayang.

"I really have good opportunity here in the Philippines."

Minsan din ba ay pumasok sa isipan niyang mag-quit sa showbiz dahil sa kakulangan ng proyekto mula sa GMA?

Pag-amin ni Steven, “Oo, there were times na standby lang ako.

"Tapos, at the same time, nakikita ko yung mga kasabay ko sa StarStruck na parang [maganda ang career].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May konting inggit din, ‘di ba, na sana may ganun din ako.

"Pero at the same time, I’m still here, after five years, andito pa rin ako.

"So I keep praying and hoping for the best."


HAPPY SA HAPPY NETWORK? Ikinalulungkot ba niya ang sitwasyon na mas nabibigyan pa siya ng oportunidad sa ibang istasyon kaysa sa home network niya?

Pahayag ni Steven, “Medyo nakakalungkot din, e, na parang mas nakakakuha ako ng projects sa ibang network.

"Ang difference kasi sa GMA, ever since nung first guesting ko sa Wattpad, wala akong contract sa kanila.

“Thankful ako sa TV5 kasi ito yung second time ko na lumabas ako sa Wattpad.

"Nag-enjoy ako sa Wattpad actually. Masaya siya, very light lang yung material and set.

"Kasi GMA talent ako, so nakakatuwa na they reached out to me to do Wattpad."

If ever mag-offer ang TV5, tatanggapin ba niya?

Sagot ni Steven, “I would have to think about it.

"Basta ang focus ko now is having a co-manager.

"I had a few meetings and nag-suggest din sila na, ‘Are you open na if ever lumipat tayo sa ibang network?’

“Sabi ko sa kanila, ‘If they think it’s the best for my career, kung makakatulong naman sa career ko, puwede naman.’

“Pero sa ngayon, committed pa rin ako sa GMA.”

Humingi na ang PEP ng statement mula sa GMA Network, ngunit babasahin muna raw nila ang mga naging pahayag ni Steven bago sila magbigay ng pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN