Kathryn Bernardo’s mom cries foul over Kapamilya star’s fake nude photos

Mim Bernado, actress Kathryn Bernardo’s mother, hits back at her daughter’s bashers who edited photos to come up with fake nude photos of the Kapamilya actress.


Naghayag ng kanyang saloobin ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo, sa pamamagitan ng Twitter, nitong Miyerkules, May 27, dahil sa usap-usapang pagkalat diumano ng fake nude photos ng kanyang anak.

Maging si Karla Estrada, ina ng ka-loveteam ni Kathryn na si Daniel Padilla, ay nag-post din ng mensahe laban sa bashers ng aktres.

Bumuhos din ang words of encouragement at suporta ng fans ni Kathryn sa social media hinggil sa nasabing isyu.


MOMS TO THE RESCUE. Sa kanyang Twitter account (@min_bernardo), nag-tweet si Mommy Min laban sa bashers ni Kathryn.

Sinabi rin niyang sana ay huwag makarma ang mga kritikong ito sa kanilang ginagawa.

Nakiisa naman si Karla sa pagtatanggol ng KathNiel fans tungkol sa bagong intrigang ibinabato sa Pangako Sa 'Yo stars.

May mensahe rin si Karla sa mga “naiinggit” na bashers ng KathNiel:

Ni-retweet din ng ina ni Daniel ang tweet ng isang KathNiel fan tungkol sa pagiging labag sa batas ng pag-e-edit ng pictures.

Binalaan din ni Karla ang mga nasabing kritiko tungkol sa pagkakaroon ng karma.

KATHNIEL FANS SUPPORT KATH. Tiniyak naman ng KathNiel fans na buung-buo nilang ibibigay ang kanilang suporta sa kay Kathryn sa isyung ito.

Ayon pa sa isang fan na nag-comment sa Instagram, napag-alaman niyang dinibdib ni Kathryn ang pagkalat ng fake nude photos, pero susuportahan at ipagdarasal nila ang aktres sa pinagdadaanan nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN