Mariel Rodriguez on husband Robin Padilla’s plan to leave the Philippines: “Tuloy pa rin, pero not now.”

Mariel Rodriguez on supporting husband Robin Padilla’s decisions: "In our marriage, he’s the boss, I’m the follower. Kung ano yung sinabi niya, doon ako."


“Tuloy pa rin, pero not now.”

Ito ang sagot ni Mariel Rodriguez nang tanungin sa deklarasyon ng kanyang mister na si Robin Padilla na iiwan na nito ang Pilipinas dahil sa kanyang disgusto sa pamamalakad ng ating gobyerno, partikular na ang justice system.

Read: Robin Padilla appalled by QC RTC decision to grant bail to Maguindanao massacre suspect Sajid Islam Ampatuan

Robin Padilla appalled by QC RTC decision to grant bail to Maguindanao massacre suspect Sajid Islam Ampatuan

Read more at: http://www.pep.ph/news/49731/robin-padilla-appalled-by-the-decision-of-qc-rtc-to-grant-bail-to-maguindanao-massacre-suspect-sajid-islam-ampatuan
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kay Mariel sa press launch ng Happy Truck ng Bayan ng TV5 kahapon, May 27, sinabi nitong hindi nagbabago ang plano ng asawa niyang manirahan na lang sila sa ibang bansa.

Pero si Mariel ay sigurado rin ba?

Sagot ng TV host, “Siyempre, sasama ako, ‘di ba?

“Pero for as long naman… alam ko naman na…

“Like ngayon, kasi pinayagan pa niya ako na gawin ito, ibig sabihin, alam na niya.”

Ang tinutukoy ni Mariel ay ang Truck Ng Bayan, ang bagong Sunday variety-game show ng TV5.

Patuloy niya, “Hindi naman siya yung tipo na bibitbitin ka niya agad, gagawin mo ito, tapos aalis na agad. Hindi naman siya ganun.

“So, alam ko na we’re still here.”

NEW LIFE. Hindi ba siya natatakot na harapin ang panibagong buhay kapag natuloy ang pagma-migrate nila ni Robin sa ibang bansa?

Sagot ni Mariel, “Hindi ba nga, nung nagpakasal ako, iniwan ko lahat? Ngayon pa ba ako matatakot?”

Pero ibang lugar naman ang pupuntahan nila at doon na sila maninirahan.

Sabi ni Mariel, “Excited ako siyempre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi lahat naman ‘yan, basta if it’s God’s will, it will happen.”

Sang-ayon ba si Mariel sa pagkadismaya ni Robin sa ating bansa?

“E, siyempre… kayo ba hindi? Kayo ba happy?

"Nakaka-Happy Wife, Happy Life ba ang bayan?" pagbanggit ni Mariel sa isa pa niyang show sa TV5.

Dugtong niya, “Alam mo, nakikita ko yung sobrang poverty.

“Lalo na ngayon, ha, kasi umiikot ako talaga sa Happy Wife. Mas lalo na kapag nasa Happy Truck ako.

"Ramdam na ramdam ko talaga yung poverty, and I’m sad for our country.”

Paano niya sinusuportahan ang mga paniniwala at adbokasiya ni Robin?

Ayon kay Mariel, “Sasama nga ako sa kanya, ‘di ba?

“Kung hindi ko siya sinusuportahan, dapat kinukontra ko, ‘di ba?”

Hindi niya kinukumbinsi ang kanyang mister na manatili na lang dito sa Pilipinas?

“Kasi, like I said, in our marriage, he’s the boss, I’m the follower.

“Kung ano yung sinabi niya, doon ako.”

TRIP TO SPAIN. Ibinalita ni Mariel na aalis sila ni Robin patungong Spain, pero nilinaw niyang hindi pa “for good” ang biyahe nilang ito.

“Kasi minove ko na ito, kasi dapat May kami aalis.

“Una, dapat April. Tapos, dapat May.

“Eto talaga, aalis na kami ng June.

“Hindi naman for good… I’m going on a vacation kasi, e.

“So, I’ll leave June 15 for Spain.

“Pero while I’m doing the show [Happy Truck ng Bayan], I’ll be absent in the show.”

Ano ang gagawin nila sa Spain?

“We’ll trace his roots. Kasi nakaplano na talaga yun.

“I’m really thankful, ang bait ng TV5.

“Kasi before nila ibigay yung show, lagi ko namang sinasabi na, ‘Paano na ‘yan, I’m leaving?’

“Ang bait nila na kahit aalis ako, kinunsider pa rin nila ako for the project.”

Kaya nga nagbabangko ngayon ng episodes si Mariel para sa Happy Wife, Happy Life, para kahit mawala siya ay mayroon pa ring maipalalabas sa ere na kasama siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat daw ay dalawang taping days lang ang shoot niya para sa show. Pero ngayong aalis siya, apat na beses sa isang linggo ang trabaho niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN