Eula Caballero reacts to Vin Abrenica??s tampo with TV5: "Bago magreklamo, dapat naming gawin what's expected from us."

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Eula Caballero, nararapat lang namang suriin minsan ng isang artista ang kanyang sarili kung bakit hindi siya nabibigyan ng proyekto ng istasyong kinabibilangan. Aniya pa, kahit gustung-gusto mo ang isang proyekto pero hindi naman bagay sa iyo, maghintay na lamang dapat ng tamang proyekto dahil darating at darating din daw ito.


Isa sa mainit na usapin ngayon sa bakuran ng TV5 ay ang tampo ng Artista Academy male winner na si Vin Abrenica sa kanyang home network.

Inasahan kasi ni Vin na sa kanya mapupunta ang lead role sa Philippine adaptation ng Korean hit series na The Baker King, ngunit sa halip ay ibinigay ito kay Mark Neumann.

Si Mark ay runner-up ni Vin sa artista search ng Kapatid network.

Read: Vin Abrenica admits crying over The Baker King role that went to Mark Neumann

Bilang isa sa talents at grand winner din ng isang artista search ng TV5, ang Star Factor, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula Caballero tungkol sa tampo ni Vin sa kanilang home network.

Sabi ng 20-year-old actress, “I think Vin had his time din, e, sa Never Say Goodbye.

"May binabagayan talaga yun [Baker King].

"Like kami ni Ritz [Azul], ang daming napunta kay Ritz na, ‘Ay, gusto ko ‘yan!’

“Alangan namang ako ang mag-Misibis Bay, ‘di naman bagay sa akin yun. Mas bagay talaga kay Ritz yun.

“So, may mga binabagayan talaga kada role.

"Like itong Korean series, mukha kasing… mas pasok si Mark sa features… yung kutis ng Korean.

“For sure naman na may darating kay Vin, he’s a good actor.

"Alam niya na talaga, natahi na niya yung ano niya... mahusay na siya.

"So, meron at meron ‘yan."

Masaya naman si Eula sa unti-unting pagkinang ng bituin ni Mark.

“I’m very happy for him, kasi yung batang yun, talagang gustung-gusto niya yung ginagawa.

"Siya yung tipong, ‘Pagod na pagod na ako, wala pa akong tulog, may rehearsal pa ako ng scenes ko.’

“Pero sinasabi niya lang yun, pero ginagawa niya. Dumadating siya sa tamang oras.

"Alam mo talaga pag gusto ng tao yung ginagawa niya, e. Kasi faithful siya sa craft niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo kasi, pag wala nang interes, hindi na dumadating sa tamang oras, nagiging pasanin na.

"Pero siya talaga, kahit kaliwa’t kanan, kahit wala na siyang tulog, 'andun pa rin siya.

"Talagang alam niya yung schedule niya, alam niya yung ginagawa niya.

“Tsaka focus siya sa mga strengths niya, at the same time, inaayos niya yung mga weaknesses niya.

"Like yung Tagalog niya, inaayos niya talaga.

"So he deserves it, he’s been working really hard.

"Sa wakas dumating din sa kanya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Eula sa presscon ng pinagbibidahan nitong Wattpad Presents: Maid for Korean Boys, Miyerkules ng hapon, May 27.

Kasama niya sa episode na ito si Steven Silva—na may tampo din sa home network nito—at si Carl Guevara.

 

BEFORE AIRING GRIEVANCES. Ayon pa kay Eula, may mga panahon talagang mawawalan ng proyekto ang isang contract artist ng bawat istasyon.

Napagdaanan na rin daw niya ito.

Si Eula ang nagwagi ng Star Factor ng TV5 noong 2010.

Saad niya, “Siguro, hindi ko sinasabi na wala silang ginagawa, pero bago magreklamo, i-make sure natin sa sarili natin na tayo bilang empleyado rin kami, bilang mga nagtatrabaho, kami din ginagawa din namin mga dapat naming gawin, what's expected from us.

“Like ako, there was a time I got really heavy.

"So, paano ako mabibigyan ng proyekto kung ang laki-laki ko sa TV?

"Wala namang babagay sa akin, unless may role na bagay, kasi pangit naman talaga tingnan.

“So, bago ako, before I went out telling people na, ‘A, walang ibinibigay na proyekto sa akin ang TV5,’ inayos ko muna ang sarili ko.

"Kasi baka naman walang maibigay kasi hindi naman ako at my best.

“True enough, nung naayos ko naman yung weight problems ko, nagbigay naman sila agad... binigyan naman nila ako ng trabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

HAPPY FOR MORISSETTE. Masaya rin si Eula sa pagsikat ng runner-up niya sa Star Factor noon na si Morissette Amon.

Umaalagwa ang career ngayon sa bakuran ng ABS-CBN pagkatapos niyang sumali sa The Voice of the Philippines.

Aniya, “Sobrang… I’m so happy for her.

"Yun nga, isa rin siya sa mga taong sinasabi ko na napakahusay naman, marunong naman, bakit wala?

"And now, meron na. Talagang she found her place.

“Alam mo kasi, during the time na nag-TV5 siya, it’s nobody’s fault.

“It’s just that there’s no venue. Kasi wala namang show ang TV5 na something like ASAP that time, e.

“Hindi naman puwede na, ‘Magaling si Morissette, gagawa tayo ng show.’

“It takes a lot of artists, mag-accumulate muna ng maraming artists na ilagay sa show na yun.

"And that time, parang tatlo lang silang mahusay kumanta, exceptionally siya lang talaga mag-isa.

“So, yun lang naman talaga yung problem, venue lang.

“Talaga, push niya lang. Sobrang kinikilabutan ako every time I see her perform on TV.”

Read: TV5 Star Factor's 18 star hopefuls


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN