Dessa considers coming back to the country for good

Dessa is overwhelmed by the success of her benefit concert with the help of friends. “Bihira mo nang makikita ang mga totoong kaibigan na tutulong sa ‘yo sa ganitong sitwasyon. Nagpapasalamat ako, sobra,” says the petite singer.


Naging matagumpay ang fundraising and send-off concert ni Dessa na Dessa and Friends, na ginanap sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City, kagabi, May 28.

Mga kaibigan niya ang bumili ng tickets at gayundin ang mga kasamahan mismo ni Dessa na boluntaryong nag-guest sa kanyang concert.

Ang mga naging guests ni Dessa ay sina Jamie Rivera, The Company, Dulce, Crib, at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Ano ang naging reaksiyon ni Dessa nang malaman niyang boluntaryong magg-guest sa kanya ang mga kaibigan niyang singers?

“Ay, ang sarap sa pakiramdam!” sambit niya.

“Bihira mo nang makikita ang mga totoong kaibigan na tutulong sa ‘yo sa ganitong sitwasyon.

“Kumbaga, parang hindi mo makikita ‘yan, rare ‘yan sa industriya natin.

“Nagpapasalamat ako, sobra.

"Lahat sila, buo ang loob na mag-join sa akin para sa show kaya thankful ako."

Kanino nanggaling ang ideya para magkaroon siya ng fundraising concert?

Ayon kay Dessa, “Sa malalapit na kaibigan.

"Yung mga tumutulong sa akin, sina Noel Ferrer, sina Chuck Gomez... mga kaibigan.”

Wala ngang pagsidlan ang kaligayahan ni Dessa sa dami ng mga taong nanood.

“Maraming salamat po talaga sa lahat ng nagpunta rito ngayon, nanoood.

“Sa mga kasamahan ko sa industriya, salamat, sobra, salamat po.”

Sabi nga, kapag nagtanim ka naman ng magandang pakikisama, siguradong ibabalik din sa ‘yo.

Pahayag ni Dessa tungkol dito, “Ayoko namang magtayo ng sarili kong upuan.

“Ang masasabi ko lang, wala naman akong iniwang masamang tinapay sa mga colleagues ko or fellow artists.

“Siguro, may nagawa naman akong maganda.”


HER ILLNESS. Nang umuwi si Dessa sa Pilipinas, mula sa Amerika, ay nabalita ang pagkakaroon niya ng sakit na anemia, kunsaan habambuhay na siyang kailangang maggamot bukod pa sa kailangan din niya ng blood transfusion.

Saad niya, “Yung anemia ko kasi, bumabagsak, tumataas, bumabagsak.

"Yung RBC, yung red blood cells.

“Pero noong tiningnan ako, yung update niya, medyo okey-okey siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although hindi ganun kaayos yung red blood cells ko kaya, so far, medyo okey siya na hindi muna.

“Ang bibigyan ko muna ng pansin yung hysterectomy ko muna, yung isang operasyon.

“Pero yung treatment kasi sa anemia, forever na siya.

“Pero hindi siya magli-lead sa cancerous, hindi siya magli-lead sa leukemia... hindi siya leukemia.

“Blood disorder ‘to, congenital. It’s inherited na blood disorder that affect yung red blood cells ko.”

Nabalitaan ng PEP na marami na raw nagpadala ng tulong kay Dessa.

“Oo, oo, sobra, sobra!” masayang pagkumpirma niya.

“Lahat sila sumuporta, bumili ng tickets, nagpadala ng mga tulong. I’m just so thankful.”

MAKING DO. Simula nang naikuwento ni Dessa ang tungkol sa kanyang karamdaman at nagkaroon siya ng benefit concert, may mga nag-isip kung talagang naghihirap na siy.

Binigyang-linaw naman ni Dessa na ang kikitain sa naturang concert ay pandagdag sa magiging pagpapagamot niya.

“Ayoko namang sabihin na sobrang naghihirap ako. Kahit papaano naman, may trabaho.

"Kaya natutuwa ako kasi, kahit noong kauuwi ko lang, marami nang raket na ibinibigay sa akin kaya okey-okey naman.

“Kaya sobra-sobra ang tulong ng mga ito sa akin, mga kaibigan sa industriya.”

Bukas, May 30, ay babalik na si Dessa sa Amerika, kunsaan na siya naka-base at ang kanyang pamilya.

Pero tiniyak ng singer na babalik siya ng Pilipinas at ipagpapatuloy ang kanyang singing career.

“Mga dalawang buwan lang naman siguro ako doon, kasi marami akong aayusin pa.

“But I’ll be back... siguro semi-for-good.

“Mas magtatagal ako pagbalik ko. Ang dami kasing dapat i-consider pa.

“Yung mga bata, nag-aaral dun, kailangang ayusin pa ang ganoong bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN