Sophie Albert on her showbiz career: "To be honest, sobrang bagal."

Being tall like Sophie Albert has its drawback for an actress in local showbiz as a leading man with the right height may be hard to find for her. She is aghast, “Mahirap ba? Hindi naman ako naghi-heels pag taping.”


Bagamat may mga proyekto naman siya sa TV5, nababagalan pa rin si Sophie Albert sa takbo ng kanyang career.

Pahayag ng Artista Academy female winner, “Yeah, to be honest, sobrang bagal.

“Pero ganun talaga siguro, kailangan lang talaga ng patience.”

Bakit niya nasabing mabagal ang takbo ng career niya?

Sagot ni Sophie, “Marami pa kasi akong gustong gawin.

“Parang gusto kong ma-challenge doon sa gagawin ko na mga bago.”

Ano bang projects o roles ang dapat ibigay sa kanya ng TV5 para maramdaman niya ang challenge?

“Hindi naman dapat... ang gusto ko talagang ma-experience, yung talagang drama.

“Yung drama ang type kong project.

“Pero sa Wattpad, yung rom-com, sobrang nag-e-enjoy din naman ako. Kasi more on the happy side.

"Saka sa Wattpad, lagi akong nakakakuha ng character na mataray.

“Tapos na-realize ko na sarap palang mataray.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sophie sa press conference ng bagong Sunday variety-game show ng TV5 na Happy Truck ng Bayan noong Miyerkules, May 27.

Hindi kaya nagkulang din si Sophie bilang artist ng TV5 kaya medyo hindi naging consistent ang pagdating ng projects niya?

Sagot niya, “Uhm, hindi ko alam. Tina-try ko naman yung best ko sa lahat ng mga projects na ibinibigay sa akin.

“Like, #Y [her first movie], I try to prove myself also.

“Kasi before #Y, matagal akong nabakante, e.

“Doon trinay [try] ko talaga to prove na, 'Hey, I deserve something. I deserve a break.' Ganun talaga, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN