Eula Caballero dismisses rivalry with fellow TV5 star Shaira Mae

Eula Caballero on starring in Wattpad Presents episodes: "I’m very grateful, deep inside sobrang nagpapasalamat ako dahil this is a good venue po for me to practice more. Kasi more than the workshop can do, yung actual acting talaga in front of the camera ang pinakamagaling na training for me, kasi you will know your range in acting talaga."


Nagrereyna ngayon sa Wattpad Presents ng TV5 si Eula Caballero dahil panglimang story na ang pinagbibidahan niyang Wattpad Presents Maid For Korean Boys, kung saan leading men niya sina Carl Guevara at Steven Silva.

Nakatakda itong umere sa Hunyo 1 hangang Hunyo 5.

Nakararami na si Eula, lalo na ngayong pahinga muna sa paggawa ng Wattpad ang TV5 Kilig Prince at Princess na sina Mark Neumann at Shaira Mae, dahil naka-focus ang dalawa sa pinagbibidahan nilang The Baker King.

Pabiro nga ang naging sagot ni Eula nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang pakiramdam niyang siya na ang “reyna” ng Wattpad Presents ngayon.

Sabi niya, “Nagpapasalamat po ako sa Baker King dahil teritoryo ko na ngayon ang Wattpad!

“Pansin ko lang kasi sa Wattpad, pag wala silang nakitang ganun [artista], ako yung gagawa.

“Pag wala silang makitang negra, ako na lang yung negra.

“Pag wala silang makitang pangit, ako na lang yung pangit.

“Hindi, biro lang.”

Nakausap ng PEP si Eula sa presscon ng Wattpad Presents Maid For Korean Boys noong Mayo 27 sa Max’s restaurant, Scout Tuason, Quezon City.

Nang magseryoso si Eula, inamin naman niyang malaki pa rin ang utang na loob niya sa Wattpad Presents dahil bukod sa mayroon siyang trabaho ay nahahasa pa rin naman ang kanyang acting sa pagganap niya ng iba’t ibang characters.

“Alam naman po natin na hindi gumagawa ng soap ngayon ang TV5.

“So, Wattpad yung parang nagiging magandang venue para sa amin para ma-practice pa rin namin yung craft namin.

“Ang maganda rito, paiba-iba lagi [yung roles].

“Like ako, lagi ko silang niloloko na, ‘Ano ba iyan, tumbling [mahirap] na naman iyang ibinibigay n’yo sa aking role.’

“Pero sa totoo lang, I’m very grateful, deep inside sobrang nagpapasalamat ako dahil this is a good venue po for me to practice more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi more than the workshop can do, yung actual acting talaga in front of the camera ang pinakamagaling na training for me, kasi you will know your range in acting talaga.”

RIVALRY WITH SHAIRA MAE. Tila may namuo namang rivalry sa pagitan nila ni Shaira Mae dahil silang dalawa ang nagpaparamihan ng episodes sa Wattpad Presents. Ano ang masasabi ni Eula rito?

“Yung sa amin lang naman, naku-compare lang kami dahil, yun nga, kami yung parang dalawang naghahabulan, nagpaparamihan sa Wattpad.

“Pero Shaira is a very good friend, one of my closest friends in the industry.

“As well as… kasi si Edgar [Allan Guzman], yung boyfriend niya is my best friend.

“So, yun, kaya I get along very well din with Shaira.”

Wala ba siyang nararamdamang insecurity kay Shaira dahil tila ang kaibigan niya ang nabibigyan ng mas magagandang opportunities ngayon sa TV5 katulad ng Baker King?

Sagot ni Eula, “Wala naman [insecurity].

“Kasi, I think ganun talaga, you really have to start off with a good friendship para maging okay talaga kayo, even after months of competition within the network.

“Alam n’yo na when you get home, kayo pa rin ang magyayaan, ‘Oy, Eula, labas tayo,’ ganun.

“So, no competition, walang reason para ma-insecure.

“Hindi rin naman ako pinababayaan ng TV5, binibigyan naman ako ng projects, so bakit ako mai-insecure?

“As long as may work ako, walang problema sa akin.”

Suportado pa nga raw niya si Shaira sa career nito.

Sabi ni Eula, “Yes, actually lagi nga akong nanghihingi ng update sa kanya.

“‘O, Shai, anong project mo ngayon?’ ganito, ganyan. ‘Wala nga, Eula e.’

“And then, until the time na, ‘O, may Baker King kami.’

“Not just for Shaira, but also for Mark, I’m very, very happy.

“Kasi naman, ako talaga, palabati ako.

“Halos lahat naman yata ng katrabaho ko sa TV5 ay kaibigan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ilan lang yung sakto lang, pero halos lahat kaibigan ko talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN