Sharon Cuneta expresses disapproval of daughter KC Concepcion’s “unnecessary too-sexy poses”

Megastar Sharon Cuneta hopes that daughter KC Concepcion will refrain from doing sexy poses and admits to getting hurt by her daughter’s “unnecessary poses.”


“Nasasaktan na ako.”

Bahagi ito ng reaksiyon ni Megastar Sharon Cuneta, via Facebook, hinggil sa aniya’y masyadong “unnecessary too-sexy poses” ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.

Nitong Biyernes, May 29, isang Facebook user na nagngangalang Dany Pascual ang nag-post ng larawan ni KC, suot ang daring outfit at may daring pose, at hiningan niya ng opinyon ang Megastar hinggil dito.

Tila kuha ang larawan sa backstage ng G-Force Dance Recital na ginanap noong Martes, May 26, sa SM Mall of Asia Arena.

Isa si KC, 30, sa celebrity guests at performers sa nasabing event.

SHARON REACTS. Sinagot ni Sharon ang Facebook user at tila dismayado ang actress-singer sa outfit ng anak.

Sabi ng Megastar, “I really honestly would rather not say anything.

“But I also really honestly would have to say I do not like that she has done this and other unnecessary too-sexy poses.”

Ipinaliwanag ni Sharon na nagiging nanay lang siya at inaming hindi ito ang unang beses na nagulat siya sa ginawa ni KC.

Hi.💫 (S/O spicycinderella)

A photo posted by KC Concepcion (@thisiskcconcepcion) onMay 28, 2015 at 3:25am PDT

“Sorry pero nanay ako... may mga bagay na 'di naman na kailangan gawin.

“Madaming beses na din kasi akong nagulat.

“Well, she's an adult and unfortunately, all we parents can do is give our advice, di magkulang sa paalala...

“Sana lang din tama na yung poses na ganyan. Nasasaktan na ako,” sabi ng Megastar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN