Christian Bautista finds Gwen Zamora cute, funny: “I’m surprised we get along well. May chemistry.”

Christian Bautista says he’s been going on dates and if it leads to something, “If she is not from showbiz, kailangan maintindihan niya rin the world we live in, medyo mahirap. If she’s from showbiz, siyempre pag-uusapan muna namin kung ano ang mas gusto niya. Depende ‘yon sa personality ng girl.”


Nasa Vancouver, Canada, ngayon si Christian Bautista para sa GMA Pinoy TV. Kasama niya sina Ai-Ai delas Alas, Alden Richards, at ilan pang Kapuso Stars.

Bago siya umalis ay nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Sunday All Stars na ipapalabas ngayong Linggo, May 31.


NEW EXPERIENCE. Masaya raw si Christian na nagsimula nang umere ang bagong soap ng GMA na My Mother’s Secret.

Kasama niya sa cast nito sina Gwen Zamora, Kim Rodriguez, at Kiko Estrada.

“It’s my heaviest drama so far so medyo kinakabahan naman ako. Pero so far, so good naman ang output,” aniya.

Kuwento pa niya, “I play the role of a construction worker.

“Mahirap, hardworking, pero pagdating sa pag-ibig, matinding magmahal.

“It’s a very big role for me. It’s not the usual light dramas that I usually do.

“So marami talagang...hugot ba. And maraming preparations for the role.

“I did workshops with Gwen and the rest of the cast.

“And then study the script, study the character, throw between the lines.... okay, it’s been good.”

Anong part ng role niya ang pinakamahirap?



“Yung realization na… ang daming beses na akong nasaktan pero napapatawad ko pa rin.

“At kahit nagagalit ako, naaayos ko pa rin. Ibang level kasi yung niri-require ng character.

“Hindi ko pa nga na-experience yung gano’ng klaseng phenomenon sa buhay ko.

“It’s about a mother’s love for her child and a child’s love for her mother.

“Na talagang kahit pinaghiwalay kayo ay maghahanapan kayo.”


PRAISE FOR GWEN. Sa istorya ay iiwan siya ni Gwen at magagawa ring ipaampon ang kanilang anak kapalit ng pangarap nitong maging sikat na artista.

“Working with Gwen is great. First time, yeah.

“Pareho kaming, you know, into it. We know what to do and open kami sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Open kami sa pagtutulungan sa isa’t isa just to get the character, the scene.

“So walang mga walls kahit ngayon pa lang kami nagkakilala, dito sa soap namin.

“And I find her…she’s very cute. She’s very funny, very light.

“She’s very serious also when it comes to work, hardworking... she wants to really perform well for this show.

“And she’s easy to work with also, iyon ang pinakaimportante.

“And mahilig siyang kumain, okey ‘yon. Kasi mahilig din akong kumain,” nangiting sabi pa ni Christian.

Pahabol pa niya, “And I’m surprised na we get along well. May chemistry.”

Kaya lang, taken na yata si Gwen. Kaya malabong ma-develop sila.

“No comment ako diyan!” tawang reaksiyon na lang ni Christian.

NONCOMMITTAL. Kamakailan ay may nasabi siya sa isang interview na kung may nakaka-date siya ngayon ay seseryosohin na niya. Dati ba ay hindi?

“Ang usapan kasi no’n was, you have to make time also for love.

“Sometimes it happens, sometimes you have to make time.”

Gaano katagal na ba siyang walang lovelife?

“Siguro mga two years na.”

So sa kanyang palagay, is it about time na magka-girlfriend ulit siya?

“Yeah. Puwede na.”

Meron na ba siyang dinidiskartehan sa ngayon?

“I’m just dating. Meeting people, pero wala pang exclusive.”

Non-showbiz?



“Yeah. Non-showbiz, pero ano lang, it’s nothing serious yet, it’s just meeting other people.”

Ayaw na niya ng girlfriend from showbiz?

“Hindi naman. I'm not closing my doors.

“Kapag meron, if she is not from showbiz, kailangan maintindihan niya the world we live in, medyo mahirap.

“Pero if she’s from showbiz, siyempre pag-uusapan muna namin kung ano ang mas gusto niya.

“Depende ‘yon sa personality ng girl.”

Tuloy lang din daw si Christian sa pagpu-promote ng bago niyang album na Soundtrack. Laman nito ang movie theme songs na paborito niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Carrier single nito yung 'A Thousand Years,' na naging theme song naman ng Koreanovelang Empress Ki.

“Yung concert, baka next year pa. Everything is about this soap and this album.

“All of my energies, dito muna sa soap. All of my energies are into this soap now.

“So yung concert, I need more time to… parang at this point in my life, ayoko na yung masyadong sabay-sabay.

“Mas gusto ko yung one at a time na… gagawin ko ‘to tapos rest. And then magplano nang maige and then do a concert."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN