Jasmine Curtis-Smith thankful to TV5 for allowing her to work with ABS-CBN and GMA stars

There’s talk that ABS-CBN and GMA Network are both interested in Jasmine Curtis-Smith. Her reaction: “Wherever there’s work, there’s a blessing. And I have work in TV5, so I have plenty of blessing here. Gratitude, ‘di ba?”


Exclusive contract artist ng TV5 ang young actress na si Jasmine Curtis-Smith, pero nabibigyan siya ng pagkakataong gumawa ng proyekto kasama ang mga artista mula sa ABS-CBN at GMA Network.

Earlier this year ay nakasama niya ang Kapamilya stars na sina Gerald Anderson, Julia Montes, at JC de Vera sa pelikulang Halik Sa Hangin.

Pagkatapos nito ay gagawa siya ng isang pelikula kunsaan makakasama naman niya ang Kapuso stars na sina Alden Richards, Miguel Tanfelix, at Bianca Umali.


My Two Girlfriends ang working title ng pelikulang ito na ipoprodyus ng APT Entertainment at ididirek ni Mike Tuviera.

Ayon kay Jasmine, hindi pa sila nakakapag-storycon para rito.

“Nakapag-meet na po kami, siguro ilang beses po, pero wala pa pong formal storycon.

“Pero may bonding na, magkakilala na ang work ethic, yung ganun.”

Nakasama na raw ni Jasmine si Alden sa isang ribbon-cutting ceremony noong pareho silang kapapasok pa lang sa showbiz.

Nabanggit ni Alden sa isang interview na may crush ito kay Jasmine. Ano ang reaksiyon dito ng Kapatid star?

“Ha?” tila nagulat na sabi ng 21-year-old actress.

Hindi siya naniniwala?

“Hindi... thank you, thank you, ‘di ba?” natatawang sabi ni Jasmine.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa presscon ng Happy Truck ng Bayan ng TV5 noong Miyerkules, May 27.

ADVANTAGE. Ano ang masasabi ni Jasmine na interesado sa kanya ang ABS-CBN at GMA stars?

Sabi ng TV5 star, "Ako naman, live in the moment.

“Enjoy what’s in front of you. Embrace it.

"Make it work. Do your best.

“Pagdating ng time na yun, depende na kay Mother Betchay [Vidanes, her manager].

“Pero, I’m very happy with my standing right now.

“There’s no rush or anything, I’m still very young.

“Hindi naman ako nababakante ng trabaho… of course, I’m very grateful for that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wherever there’s work, you know, there’s a blessing.

"And I have work in TV5 so I have plenty of blessings here.

"Gratitude, ‘di ba?"


Aminado naman si Jasmine na malaking advantage niya sa ibang young stars ng Kapatid stars na nakakasama niya ang mga artista ng ibang networks.

“That’s my biggest advantage.

“Hindi ako restricted in terms of films, very understanding yung TV5.

“You know, they’re willing to share me naman.

"Pero siyempre, they also know when, ‘Akin ka lang muna.’

“So, there’s a good balance na hindi lang ito ang mundo ko.

“Meron din akong pinapayagan nila sa labas ng TV5.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN