Angelica Panganiban finds shattered glass panel in her house when she arrived from work

Nadatnan ni Angelica Panganiban na basag ang isang bahagi ng kanyang bahay galing sa trabaho, pero hindi niya idinetalye kung ano ang dahilan nito.


Ibinahagi ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account ngayong umaga ng Sabado, May 30, ang collage ng dalawang larawan ng basag na salamin ng isang bintana ng kanyang bahay sa isang eksklusibong subdibisyon sa Diliman, Quezon City.

Mapapansin sa post ng Kapamilya actress na bukas ang bintana sanhi ng pagkakabasag ng salamin, at nakakalat sa sahig ng bahagi ng palapag ng kanyang bahay, ang mga bubog mula sa nabasag na salamin.

Sa caption ni Angelica, sinabi lang niya na nadatnan niyang basag ang salamin ng bahay pagkauwi niya mula sa taping.

Hindi naman niya idinetalye kung ano ang dahilan ng insidente.

Ayon sa caption ng aktres: “Pagkatapos magtrabaho ng ilang araw, ito ang uuwian mo sa bahay mo. Ewan ko na.”

Pagkatapos magtrabaho ng ilang araw... Ito ang uuwian mo sa bahay mo... 😪😪😪 ewan ko na..

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onMay 29, 2015 at 6:07pm PDT

Iba-iba naman ang naging hinala ng kanyang followers.

May mga nagmungkahing baka dahil sa sobrang init ang naging dahilan ng pagkabasag ng tempered glass.

May ilan naman ang naghinala na baka may taong galit sa aktres, at may nagsabi ring baka talagang nilooban ang bahay nito.

Gayunpaman, habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin nagbibigay ng sagot si Angelica sa kanyang social media kung ano ang sanhi ng insidente.

Nakipag-ugnayan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Star Magic, ang talent management arm na kinabibilangan ni Angelica, subalit hindi pa sila sumasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN