Is Judy Ann Santos pregnant?

Hindi raw makakasama si Ryan Agoncillo sa iba pang host ng Eat Bulaga sa bakasyon sa Hong Kong ngayong June dahil daw tumapat ito sa pagpapa-check up kay Judy Ann Santos na napapabalitang buntis.


Buntis nga ba si Judy Ann Santos sa pangalawang pagkakataon?

Ito ang malaking katanungan pagkatapos magkaroon ng ingay sa diumano'y pagdadalantao ng aktres.

Tinalakay sa episode ng StarTalk ngayong Sabado, May 30, ang tungkol sa isyu pero wala pa ring nakuhang kumpirmasyon kung ito nga ay totoo.

Ayon sa ulat, inililihim daw muna ito ni Judy Ann at asawang si Ryan Agoncillo.

Tumanggi raw si Ryan na ma-interview ng StarTalk tungkol sa isyu “at this point in time.”

Ibinahagi naman ng isa sa mga host ng talk show na si Butch Francisco na hindi makakasama si Ryan, sa planong Hong Kong trip ng Eat Bulaga Dabarkads ngayong June dahil tumapat daw ito sa check-up ni Judy Ann para ma-confirm kung ito raw ay buntis.

Lilipad patungong Hong Kong ang mga host ng Eat Bulaga, kung saan host din si Ryan, ngayong June 4 bilang post-birthday celebration para kay Vic Sotto.

Idinagdag pa ni Butch na nangako naman daw sina Ryan na sa show nila kukumpirmahin kung totoong buntis nga si Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN